Chapter 18: (Her POV)
"Bat ako?!" naiinis kong sabi habang hawak hawak ang pera na binigay sakin ni ate Kenna. "Nanay, si ate nalang. May ginagawa pa akong projects! Tamo tong kamay ko, oh. Andaming sugat sa blade dahil sa kakagawa ng diorama. "
"Aba'y hindi ko rin mautusan ang ate mo dahil gumagawa rin sya ng thesis nya. Mas mahirap iyon keysa sa diorama mo, Kayla. At isa pa, bakit ka ba gumagamit ng blade?"
Napakamot ako ng noo at binulsa ang pera. "Maliit na komunidad kasi ang gagawin namin sa diorama. At dahil dun ay hindi pweding mawala ang mga bahay-bahay, kailangan kong butasin ang pintuan ng ginawa kong bahay gamit ang blade kaya ito, sugatan ang kawawa kong hintuturo. "
Umangat ang gilid ng labi ni nanay at umaandar na naman ang pagkasadista nya. Umaamba syang hahagisan ako ng plantsa na hawak nya pero mabilis na akong tumakbo palabas ng bahay.Napailing-iling na tumatawa ako habang bumabyahe patungo sa convenience store na malapit lang din sa 7/11. Hindi ko maiwasang maaalala si Kian.
Sana hindi ko nalang binuksan ang account na Shana Sy. Ayan tuloy, nabasa ko ang mga chats nya sakin. Pero yung kamay ko at nagpatukso kaya nagawa kong magreply kahit tutol na tutol ang puso ko at isipan ko.
Ramdam ko rin ang sinseredad ng paghingi nya ng tawad sakin. Napatawad ko naman na sya, eh. Simula nung mag-usap kami sa Tarisiya ay nakalimutan ko na ang ginawa nyang hindi pagsipot sa usapan namin.
Ang kinabahala ko lang talaga ngayon ay baka sya ang nakapulot sa cellphone ko at buksan nya yun, hindi pa ako nakakalog-out sa account na Shana Sy sa cellphone na yun kaya baka makita talaga nya.
Napanguso ako pagkatapos kong bumili ng napakaraming ramen o ano ano pang pinabili ni De Ann. Pupunta kasi sila mamaya sa bahay namin para doon mag-dinner.
Papalabas na ako nang makita kong may lumabas na babae sa itim na Van. Napag-alaman kong pag-mamay ari pala iyon ni tito David, at si Dyne yung lumabas mula doon.
"Kayla?" nakangiting tanong nya at tinanggal ang sunnies sa mata. Tumakbo sys palapit sakin na ikinabigla ko. "Kayla, I missed you!" gigil na gigil sya habang yakap yakap ako.
Nang kumalas sya ay isang malaking tandang pananong ang nakita nya sa mukha ko. "Ha?" Miss nya daw ako?
"Yeah, you heard it right? Namiss ko ang not blood related kong kapatid." hindi matanggal ang ngiting nakaplaster sa labi nya. Kumikinang rin ang maputi nyang ngipin at kitang kita ko ang pagbabago sa buong mukha nya.
Ginupitan nya ang mahabang buhok na hanggang sa itaas ng balikat. Pormadong-pormado na rin ang kilay at halatang-halata ang pamumula ng labi gamit ang lipstick o mukha naman iyong liptint. Ay ewan, wala akong alam sa mga ganun.
"Miss me? Bakit?" walang alamag na tanong ko.
Natawa sya at bahagyang hinawi ang maikling buhok. "Oo nga, paulit-ulit? Isang linggo kitang hindi nakita, pagkatapos kasi nating mag-usap ay bumyahe ako kinaumagahan patungo sa Cebu. " pagpapaliwanag nya.
Napatango ako. Kaya pala hindi ko sya nakita sa tuwing bumubisita kami sa bahay ng daddy David nya.
"Umabsent ka ng isang linggo kung ganun?"
"Ah, oo. Death anniversary kasi ni mama kaya kailangan kong pumunta kila lola doon. Sumama si Daddy sakin pero isang araw lang sya dun. " bumahid sa mukha ni Dyne ang pagkalungkot.
Napatanga ako saglit bago ko naipasok ng maayos ang sinabi nya sa utak ko.
"Patay?" hindi sya nagsalita. "Your mom is dead?"
Nag-iwas sya ng tingin at nag-kibit balikat. "Oo, eh. Last year lang. Let's not talk about it, Kayla. Ang importante ay nakita kita ngayon at magsasama pa tayo mamaya. "
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanficBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...