Epistolary #33

969 7 0
                                    

Shana Sy
Ngayon ay alam ko na kung anong pakiramdam kapag kinukulit kita.
8:06 AM

Renzo Kian
Bakit? May nagkukulit ba sayo?
8:10 AM

Shana Sy
Oo at naiinis ako sa kanya!
8:11 AM

Renzo Kian
Marunong ka palang mainis?
8:13 AM

Shana Sy
ISA KA PA! Naiinis na nga ako, dumagdag ka pa!
8:15 AM

Renzo Kian
Naiinis rin naman ako. Pareho tayong naiinis. Siguro'y tinadhana tayo. :D
8:17 AM

Shana Sy
Naiinis daw pero nagawa pang bumanat! Ansabe! Ikaw ha, hindi porket hindi kita nireject ay gumaganyan ka na! Kinikilig ako eh puta :P
8:19 AM

Renzo Kian
Don't say that bad word again. Ang panget tingnan kapag nagmumura ang mga babae.
8:21 AM

Shana Sy
Hiyang-hiya naman ako sa inyong mga lalaki, ano? Nakakaturn off rin kaya kapag nagmumura kayo.
8:24 AM

Renzo Kian
I don't cursed.
8:27 AM

Shana Sy
Ano yung damn mo kahapon? Nagmura ka rin naman, ah. Sosyal pagmumura nga lang. Laki kasing mayaman! Tch.
8:29 AM

Renzo Kian
Madalas lang akong magmura. Minsan ay yung parang nabigla o di kaya'y natatawa.  And hell no, I'm not from a wealthy family.
8:31 AM

Shana Sy
Pero para sakin ay mayaman kayo. Buo kasi ang pamilya mo tsaka mayaman sa pagmamahalan ang ibig sabihin ko.
8:34 AM

Renzo Kian
So tama ako na hindi kumpleto ang pamilya mo?
8:36 AM

Shana Sy
Actually, yes. Hindi naging madali yung buhay na walang mama at papa sa tabi mo. Mahirap at ang kailangan mo lang gawin ay ang umiyak gabi-gabi, umaaktong maayos at walang nangyari pagsapit ng umaga. Kapag tatanungin kang okay ka lang ba ay tatango at sasabihing walang dahilan para hindi maging okay.
8:40 AM

Shana Sy
But deeply inside, gusto ko sabihing hind ako okay at hindi ko alam kung paano magiging okay. Kasi hindi kayo buo, kulang pa yung pagmamahal na binibigay ng mama at papa ko sakin, walang ama ang magpapatahan sayo, walang ina ang mag-aadvise sayo.
8:42 AM

Shana Sy
Anong pakiramdam na buong-buo ang pamilya mo Kian?
8:45 AM

Renzo Kian
Masaya.
8:47 AM

Shana Sy
Yun lang?
8:49 AM

Renzo Kian
Marami pa. Tamad akong mag type. Basta ay masaya. Ano nga palang nangyari sa mama at papa mo?
8:51 AM

Shana Sy
Naghiwalay lang si mama at papa, pagkatapos nun ay sabay silang umalis at nagtungo sa iba't ibang parte ng mundo kung saan hindi na nila makita ang bawat isa. Kaya ayun, naiwan kami ni ate Kenna.
8:55 AM

Shana Sy
After 8 years, bumalik si mama at nabalitaan kong may anak na pala syang babae at may isa pang bata sa sinapupunan nya. Kasama nyang umuwi ay ang bagong asawa. Ni hindi man lang kami binalitaan tungkol sa pagkakasalan doon sa Canada. Nagmumukha kaming tanga ng kapatid ko. Bwisit!
8:59 AM

Shana Sy
Yung pinakamasakit na parte bilang isang anak nya ay ang mapansing mas minahal pa nya at pinahalagahan ang bagong anak nya keysa sa dating anak nya. Bakit? Akala nya ba madali lang tanggapin ang lahat? Jusko! Mahirap po! Sa sobrang hirap ay gusto ko ng sumuko.
6:02 AM

Shana Sy
Naulit yung nangyari sa ginawa ko sa isang lalaki. Ang hirap makalimot sa sakit na nararamdaman.  Ang hirap kalimutan ang lalaking iyon at ang ina ko kasi mahal ko parin sila.
6:05 AM
seen

Renzo Kian
I don't know what to say. But, Shana. Please be strong.
6:08 AM
seen

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon