Her POV (26)

768 14 2
                                    

"Kailangan mo lang siguro bumawi sa susunod, Miss Bonifacio. Mukha ka kasing hindi naka-focus sa mga studies mo nitong nakaraan. May problema ba?" malumanay at tila nag-aalalang tanong ng guro namin.

Umiling ako at ngumiti. "Wala naman po. "

"Kung ganun, bakit muntikan ka ng bumagsak sa subject ko?"

Natigilan ako saglit at napatingin sa records ko. Nakakuha ako ng mataas na marka sa ibang subject, ngunit hindi na tulad noon na naabot ko yung lahat ng 9 bawat subject. Ngayon puro line of 8 na.

Nakakalungkot at nadidismaya ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung magagawa ko bang ipakita to kay nanay at ate o itatago ko nalang to at hihintaying malaman nila.

"Babawi nalang po talaga ako, Ma'am. " I smiled as I stood up and grab my bag from the other chair. "Sige po, pupunta na po ako sa classroom. " pagpapaalam ko at nang tumango sya ay mabilis ko ng nilisan ang kanyang opisina.

Bagsak ang mga balikat at hindi pinapansin ang taong nakakatagpo ko sa hallway habang naglalakad.

Nagsisisi ako kung bakit nagpakatanga ako pagdating sa school. Ayokong ma-break yung records ko na kailangan line of 9 lahat ng subject ko sa bawat grading period.

Nagbalik lang ako sa katinuan nang may tumabi sakin. Iba yung akala ko na si Silver. Well, it was Hans.

"Hey, " aniya.

"Oh?" walang ganang ganti ko at pinasok sa loob ng bag ang records ko.

"Ano yung resulta ng grades mo?" nakangiti nyang sabi na tila magandang-maganda ang araw. Na parang walang problema at mataas yung grades na nakuha nya.

"Okay lang. " pagsisinungaling ko dahil natatakot at nahihiya akong sabihin sa kanya ang resulta ng pagiging tanga at bobo ko.

No one is stupid. Pero matatawag ko ang sarili ngayon na isang tanga at bobo.

"Okay lang? Bakit parang malungkot ka?"

Napasinghap ako at saglit na humarap sa gilid, sinubukan kong ngumiti ng malaki at mabilis na humarap sa kanya. Nagulat sya sa ginawa ko lalo na dahil ngayon ko lang napagtanto na masyado na palang malapit ang mukha namin sa isa't isa.

"M-masaya ako. " nawala ang pekeng ngiti na pininta ko sa labi at agad humarap sa dinadaanan.

Nanahimik bigla yung katabi ko at nung bumaling ako sa kanya ay nakitang nakangisi sya habang nakatingin sakin.

Pinaningkitan ko sya ng mata at nang makita ang silid namin hindi kalayuan ay mabilis akong tumakbo papasok doon at iniwang parang tangang nakangisi si Hans.

Alam kong gusto nya ako. At umamin na sya. At yung nangyari kanina na ang lapit ng mukha namin, nakakailang at baka kung ano pang isipin nun.

He can find better than me. Sa sobrang daming babae a university, imposible namang ako lang ang nakikita nya sa mata nya. Marahil ay may nagugustuhan na sya at sobrang indenial lang talaga.

Yung parang samin ni Silver. Okay, ayokong pag-usapan sya.

Hinihingal na umupo ako sa upuan ko at nilabas yung notebook ko upang magbasa kahit wala naman kaming exam ngayon.

Ito rin siguro ang sanhi ng paghahangad na makabawi sa grades.

Until I heard a propitious sounds of a guitar. Saglit akong napapatitig sa notebook ko bago ko nagawang tingnan yung lalaking naglalakad habang nagsta-strum ng guitar.

Tila may kung anong pumitik sa puso ko habang pinagmamasdan si Silver. Ang sakit dahil hindi man lang nya ako nagawang balingan ng tingin, bagkus ay dere-derecho lang sa paglalakad patungo sa upuan nya.

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon