Chapter 20: (Her POV)
Late na akong nagising. Kaya nama'y dali-dali akong bumaba sa hagdan at naabutan ko doon si Nanay na nagbabasa ng magazine.
"Kumain ka doon, pinaghanda ka ng mama mo ng pagkain bago sya umalis. " natigilan ako sa paglalakad at nilingon sya. "Oh? Ano pang tinitingin mo? Kumain na sabi doon, Kayla, dahil male-late ka na. "
Napasimangot ako at kinuha ang kamay nya upang magmano. "Kaya nga 'nay, male-late na ako kaya hindi na ako kakain. Bibili nalang ako ng sandwich at tubig sa school. "
Bago pa sya makaangal ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Mukhang hindi na ako hinintay ni ate Kenna dahil ang tagal kong nakahiga sa kama. Ang sarap na kasi ng tulog ko, napanaginipan ko pa si Charlie Puth, tapos aampunin daw ako ni Ariana Grande at Pete na boyfriend nya.
Kaya ayan, nakalimutan kong may pasok pa pala ako.
Nasapo ko ang noo nang sabihin sakin ng security guard na tapos na daw ang flag ceremony. Kaya't nagtungo na ako sa silid namin at binalewala lamang ang gutom sa tyan ko.
"Hoy, ayan ka na naman sa pagiging late comers mo!" tumayo si Fatima at dinuro ako habang nanlilisik ang mga mata sakin. Tinabig ko ang hintuturo nya at umupo sa tabi ni Adri.
"Anong ginawa mo kagabi?" nakalumbabang tanong ni Adri sakin.
Naupo ako sa usual seat ko at pinilit ang sarili na wag dadapo ang paningin kay Silver. He's with someone, iyong sexytary namin ang kausap nya at mukha syang masaya habang panay ang daldal nito.
He suddenly look at me na dahilan para mataranta ako at mabilis bumaling sa dalawa kong kaibigan.
"M-malapit na pala ang acquaintance, ano? Sasayaw ba kayo?" napangiti sila sa naging tanong ko.
"Ha! Oo naman, kami pa. Yung mga boys natin, sasayaw ng Baam at Dura. " natatawang sagot ni Fatima at nagsitinginan naman samin ang mga lalaking pinagtuturo nya. "While Silver, he'll sing together with that woman. " nawala ang kanyang ngiti at sa tingin ko'y narinig iyon ni Silver pati narin si Lanie na syang sexytary sa section namin.
"Huy, ano ka ba, Fatima! Hindi ba pweding hinaan mo ang boses mo dahil masyadong nakakairita kapag malakas. Narinig ka tuloy ni Silver. "bulong ni Adri at pinagmasdang maglakad palabas ng classroom sina Silver at Lanie.
"Where are they going?" biglang tanong ng isang lalaki sa tabi ko. Pinwesto ni Hans ang arm chair nya sa gilid ng seat ko at nangalumbaba sakin.
"H-ha? Hindi ko rin alam. " malungkot kong saad at napatingin sa bakanteng upuan ni Silver. Kung dati ay sa tabi ko sya umuupo, ngayon naman ay doon na kay Lanie.
Napailing iling sya at pinitik ang aking noo. "Kung mahal mo na, balikan mo. " sabi nya sakin at yumuko sa desk para matulog.
Nakagat ko ang labi at napatingin kila Adri at Fatima na nakatingin pala sakin. Umiling ako sa kanila dahil base sa klase ng tingin na pinupukol nila ay tila nagtatanong kung... "Mahal mo na ba si Silver?"
Hindi ko sya mahal, iyon ang sinasabi ng isipan ko. Pero tutol naman ang puso ko.
Why I am so indenial? Bakit hindi nalang hayaan ang puso kong mahalin sya? Dahil ba kay Kian? Pero kahit anong gawin ko para mawala sya sa puso at isipan ko ay babalik at babalik parin sya.
"Uh, Kayla. Napagpasyahan nga pala namin kanina na isasali ka namin sa perfomance namin. " naiilang na sabi sakin ni Adri.
Napamaang ako bago pinasok sa utak ko ang kanyang sinabi. Nanlaki ang aking mata at hinampas sya sa balikat. "Alam mo namang hindi ako kagalingan sa pagsasayaw!" angil ko at nasapo ang mukha.
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanficBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...