Epistolary #42

813 9 12
                                    

Kayla B.
He's really mad :(
10:14 PM

Golden E
Sino? Si Kian? Bakit naman sya galit sayo? Hm, si Silver ba?
10:16 PM

Kayla B.
They are. Pareho silang galit sakin. Galit si Kian dahil gumawa ako ng poser account at niloko sya gamit nun. Diba sabi ko sayo nung nag-usap tayo isang araw, na nahuhulog na sya da poser account na ginawa ko? Tas ayun, parang hindi nya ako mapatawad sa kasalanan ko.
10:19 PM

Kayla B.
It was a big mess! Hindi ko talaga maintindihan ang sarili kung bakit ko yun ginawa! Kung alam ko lang na mahal pala nya ako ay hindi na ako gumawa ng dummy account para lang saktan at lokohin sya! Kung nalaman ko yun ng maaga ay hindi hahantong sa ganito.
10:21 PM

Kayla B.
Hindi ko sana sya nasaktan. Hindi sana sya galit sakin.
10:24 PM
seen

Golden E
How about Silver? Kanina ko pa napapansin na parang hindi na sya lumalapit sayo at ikaw nama'y walang ginawa kundi hayaan syang iwasan ka.
10:27 PM

Kayla B.
Hindi sya umiiwas, ako yung unang umiwas hanggang sa napansin nya iyon at mas piniling pakawalan nalang ako.
10:29 PM

Golden E
Wow, at hinayaan mo lang na ganun kayo? Na umaastang hindi nyo kilala ang isa't isa?
10:31 PM

Kayla B.
What's wrong with that, Hans? Syempre, kahit gusto kong bumalik sya sakin ay hindi ko magawa dahil baka mas masaktan ko pa sya lalo. He knows about my situation, alam nyang may iba akong mahal.
10:34 PM

Golden E
So bakit nagpaligaw ka sa kanya kung mahal mo pa din si Kian?
10:37 PM

Kayla B
Because I like him now.
10:39 PM

Golden E
Like? Xoxad
10:40 PM

Kayla B.
At naipakita nya sakin kung gaano nya ako kamahal. Kasi sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, bibitawan mo sya para sa ikakasaya ng taong mahal mo. Iyon ang ginawang desisyon ni silver sakin.
10:43 PM

Golden E
Pero ang sabi din nila, kapag mahal mo, babalikan mo.
10:46 PM

Kayla B.
Hindi ko talaga maintindihan, Hans e. Gusto ko lang talaga sya pero bakit umiiyak at nasasaktan ako ngayon? Bakit inuutusan ako ng puso kong kausapin at sabihin sa kanyang bumalik kami sa dating gawi?
10:48 PM

Shana Sy
Naguguluhan ako. Gusto kong gawin yun pero tila may humahadlang.
10:49 PM

Golden E
Ang nararamdaman mo kay Kian ang humaharang sa desisyon mong iyon. Ang sabi ng isipan mo, si Kian parin ang mahal mo pero ang sabi ng puso mo, hindi na dahil si Silver na ang nandoon. Why are you so indenial, Kayla? Kahit hindi ko hawak ang puso mo ay alam ko kung sinong naglalaman nyan.
10:51 PM

Kayla B.
It wasn't him. Mali ang kutob mo, Hans.
10:53 PM

Golden E
He is. Sadyang manhid ka lang talaga at hindi mo naramdaman yun. Believe me, nasa huli ang pagsisisi. Kapag nakahanap ng iba si Silver ay maghihinayang ka at ikaw naman ang habol ng habol sa kanya.
10:55 PM

Kayla B.
Palagi nalang ako ang naghahabol ano? Oo nga naman, pinaglalaruan nga pala ako ng tadhana.
10:58 PM

Golden E
Naranasan ko na rin kasing maging indenial nuon. When I first met you, hindi ko alam pero bigla nalang akong natulala sayo. Wala kang itsura sakin nuon, ang pale-pale mo pa para sakin, pero hindi ko alam kung bakit natipuhan kita.
11:01 PM

Renzo Kian
Hindi ko matanggap sa sarili ko na gusto kita lalo na't nalaman kong may hinahabol ka palang lalaki. Nasaktan ako. Yun pala, gusto na kita. Yun pala, hulog na hulog na ako sayo. Yun pala, sadyang indenial lang talaga ako kaya hindi ko pa matanggap sa sistema ang nararamdaman ko sayo.
11:04 PM

Kayla B.
It's too obvious that you like me. Hans, pero alam mong...mahirap ang sitwasyon ko ngayon.
11:06 PM

Golden E
I know. Alam ko naman na hanggang dito lang tayo. Alam ko naman na hindi mo ako hahayaang pumasok sa puso mo kasi may nakapasok na doon. Matagal ko ng alam, pero etp parin ako't umaasa.
11:07 PM

Kayla B.
Hans, tumigil ka na. Naiilang ako.
11:08 PM

Golden E
Kaya ako gumawa ng poser account dahil para mapansin mo ako. Sa tingin ko kasi, kapag chinat kita sa real acc ko ay ise-seen mo ako. Masakit yung maseen ka ng taong gusto mo.
11:10 PM

Kayla B.
We're destined, Hans. We're destined to be bestfriends. Kahit hindi ko kayang suklian ang nataramdaman mo, ang maiibibigay ko lang sayo ay ang pagmamahal bilang isang kaibigan.
11:13 PM

Golden E
May mas masakit pa pala sa seen zone, Kayla. Alam mo kung ano? Yung ma bestfriend zone ka. :D haha
11:15 PM

Kayla B.
Hans naman.
11:17 P

Golden E
Eyyy! sorry, nagbibiro lang naman ako. Okay lang naman kasing maging magkaibigan lang tayo, atleast mahal moko diba? Wag lang talaga akong umasa kasi...masakit na.
11:19 PM

Kayla B.
Hayssst! may rule number one ako bago kita maging kaibigan!!!
11:21 PM

Golden E
Ha? Ano naman?
11:22 PM
seen

Golden E
Hoy! anong trip mo Kayla?!
11:24 PM

Kayla B.
Let's not talk about your feelings for me. Nakakailang kasi at masasaktan lang kita dahil alam mong sa iba ako may gusto. I hope you understand, Hans. Someday, you'll find a woman better than me. Na mas mamahalin ka at kahit gaano ka pa kamysteryoso pero madaldal ay tatanggapin ka nya.
11:28 PM

Kayla B.
All you have to do right now is... just wait until your right girl come.
11:29 PM

Golden E
Thank you Kayla! :*
11:31 PM

Kayla B.
Yucks yung emoji mo tangina hahaha
11:33 PM

Golden E
Tsk! idedelete ko lang ang account na to tas sa Hans Arquiza na kita icha-chat
11:34 PM

Kayla B.
Gih
11:36 PM

Golden E
Tipid ng reply mo :(
11:37 PM

Kayla B.
Nagdudumi ako tangina mo HAHAHAHA!
11:38 PM

Golden E
Kaya pala ang baho dito sa cr!
11:39 PM

Kayla B.
KASI NATATAE KA RIN! HAHAHA
11:41 PM

Golden E
Kaya nga :D
11:43 PM

Kayla B.
HAHAHAHA LECHUGAS!
11:45 PM

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon