"May complication na nangyari, eh. Ang sabi ni mommy, maaari daw'ng magkaroon ng amnesia si Kian. About his condition right now, sorry to tell but he's in a coma. "
Literal na bumagsak ang luha galing sa mata ko. Matagal akong napatitig kay Silver na ngayon ay abala sa paghawak ng mahigpit sa aking kamay.
Natauhan lang kaming apat nang tumunog ang cellphone ko. Wala sa sariling sinagot ko ang tawag ni Kiana.
Hindi ko alam kung matutuwa ba akong tinawagan nila ako ngayon o mas lalong malulungkot dahil sasabihin na nya sakin ang sinabi ni Silver.
"Hello?" kakaiba ang boses ngayon ni Kiana, parang kakagaling nya lang sa pag-iyak dahil bahagyang magaspang ang boses nya sa kabilang linya.
Hindi ako makapagsalita. Napabuntong hininga ako at pinahiran ang luhang tumakas sa mata ko.
"Hello, Kayla?" muling sambit nya dahil sa tagal kong magsalita.
"S-si Kian?" nagawa ko paring magtanong kahit alam ko na. Umaasa kasi akong fake news lang yun, e. Pero nang marinig syang umiyak ay parang mas lalong bumigat ang kalooban ko.
Ito ang pinakaayaw ko, e. Mas lalo akong nanghihina kapag naririnig o nakita ko yung malalapit sa akin na umiiyak dahil sa mahal nila.
Ilang minuto syang umiyak ng umiyak at wala akong nagawa kundi pakinggan ang bawat hikbi nya. Nandito si Silver sa tabi ko upang yakapin ako dahil kailangan ko yun. Nandyan sya na pinapahiran ang luha dahil mas lalong kailangan ko yun.
"Shhh. " sinubukan kong patahanin si Kiana kahit magkalayo kami. Nang matigil sya ay kumalas ako sa yakap ni Silver. "Everything's gonna be alright. " iyon lang ang pinaghahawakan kong salita.
"Nakakalungkot lang k-kasi isipin na akala ko magsu-survive si kuya, e. " tugon nito at humikbi.
Napatingin ako sa tatlo na maluha-luha narin habang nakikinig sa usapan naming dalawa ni Kiana.
"Shhh, he survived, right? Siguro gusto nya lang talagang magpahinga saglit. Siguro kapag nakamulat na sya, iyon na ang araw na handa na syang salubungin ang mga araw na dadaan. " I tried to comfort her by my words.
Natigil rin ang paghikbi nya pero nandoon parin ang pag-singhot nya sa sipon at pag-ubo.
"Kiana, mukhang wala kang pahinga. You need to take a rest para hindi ka magkasakit. " nag-aalalang sabi ko sa kanya.
Saglit syang nanahimik bago muling sumagot.
"S-sige po, ate Kayla. " aniya. Hindi ko alam pero bahagya akong napangiti dahil sa pagtawag nya ng ate sa akin.
"Balitaan mo ako tungkol sa kanya. "
Matapos naming magpaalam sa isa't isa ay ako na mismo ang nagputol ng tawag. Napabuntong hininga ako at hinigpitan ang paghawak ko sa kamay ni Silver.
"Are you alright?" tanong nya sakin at inabutan ako ng tubig.
Umiling ako sa alok nya at saka napabuntong hininga ulit. "Nakaka-stress yung sitwasyon ni Kian. "
Napatitig sya sakin. "Do... do you still love him?"
Literal at agad na nalukot ang noo ko dahil sa tanong nyang iyon.
"No, I just cared for him. " walang bahid at siguradong sagot ko. He smiled and hugged me again.
Nakaramdam na naman ako ng ilang dahil napapatingin na naman sakin ang mga tao sa loob. Hanggang sa inuwi nya ako sa bahay ay buhay parin ang ilang at pagiging awkward ng atmosphere.
Siguro hindi ko lang napansin ang ginawa nyang pagyakap sakin kanina habang umiiyak ako dahil abala ang isip ko sa ibang bagay.
Pero itong pakiramdam na to, sya na ulit ang iniisip ko.
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanfictionBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...