Renzo Kian:
How's your acquaintance party?Kayla B:
Tapos na :). I'm going to the hospital in any minute now. Wait for me :)Tumayo ako at mabilis na sinabit ang shoulder bag sa balikat ko. Akmang lilisanin ko na ang lugar nang pigilan ako ni Hans.
"Where are you going, young lady?" he asked.
Nilibot ko ang paningin sa quadrangle ng school. Dito kasi ginanap yung party since may stage din naman. Lahat sila ay nag-aayos at naglilinis na. Though may iba ring naghihintay na simulan ang nasabing disco.
"I'm going home. Hindi na ako magdi-disco. " ngumiti ako. Tumango lang sya kung kaya't tumango lang din ako saka tumalikod sa kanya.
Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagawa ko ay may narinig akong nagsta-strum ng guitar. I froze. Hindi ako makagalaw o kahit lumingon man lang kay Silver na batid kong sya yung nasa stage.
Pakiramdam ko'y sa tuwing lilingon ako sa kanya, ay makikita ko yung mga kamalian ko.
Yung kamaliang hayaan syang iwasan nya ako. Yung hayaan syang masaktan sa kadahilanang mas pinili ko si Kian keysa sa kanya.
Kung alam nya lang. Kung alam nya lang na hindi lang sya yung nagmamahal saming dalawa. Mahal ko sya, mahal namin ang isa't isa. Ang hirap nga lang sabihin ang katotohanang iyon sa kanya.
Ang hirap kasi baka hindi sya maniwala. Ang hirap kasi baka magduda sya at isiping nasabi ko lang yun sa kanya dahil naaawa ako.
"Kayla, " nagbalik ako sa mundo nang kalbitin ako ni Hans. Humarap ako sa gawi nya ngunit sinubukan ko ang sariling lumingon sa direksyon ni Silver. "Bakit nakatayo ka lang dyan? Akala ko ba uuwi ka na?" nang-aasar na ngumiti sya sakin.
Umismid ako at nag-iwas ng tingin. "A-aalis na nga. Wag ka ngang atat, Hans. " I said while fixing my hair.
Nagkibit-balikat sya at nakataas ang kilay na pinanood si Silver at Lanie sa stage.
Maganda sana panoorin kung si Silver lang ang magtutugtug at kakanta, eh. Pero ano nga bang magagawa ko? Tinadhanang magsama sila ng Lanie na yun doon. Tinadhanang masaktan ako ngayon.
"Walking down 29th and park.
Saw you in another's arm.
Only a month we've been a part.
You look happier. "Nagkibit balikat ako at pinagmasdang mabuti ang malikot nyang kamay na nagbibigay ng tunog sa gitarang hawak nya.
I don't want to look in his face. Kasi pakiramdam ko kapag lilingon ako sa mismong mata nya, ay hindi ko mapigilan ang sarili sa pagtakbo patungo sa kanya.
Oo, ganyan ako ka-OA. I honestly telling the truth. Hindi ko alam kung bakit nawala na yung epekto sa pagpana ni Kupido sakin para kay Kian. Hindi ko alam kung bakit namulat nalang ako isang araw na nakalimot na ako, at may bago na ako.
Pero hindi, eh. Mahirap ang sitwasyon ngayon. Ayokong iwan yung taong minahal ko rin noon. Maybe the right time will come, yung para samin ni Silver, yung para saming dalawa lang talaga.
"Saw you walk inside the bar.
He said something to make you laugh.
I saw the both your smiles we're twice as wide as ours.
Yeah, you look happier.
You do. "Aksidente kong naitutok ang mata sa mukha nya. Ganun nalang ang pagkagulat ko nang makitang sakin pala sya nakatingin.
My heart starting to palpitate. But then, he immediately looked away when Lanie start singing.
Napalunok ako at pasimpleng hinawakan ang bandang dibdib ko. Grabe! Umasa pa naman ako na para sakin yung kanta. Umasa pa naman ako na sakin lang sya titingin at hindi na babaling sa katabi.
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
Fiksi PenggemarBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...