Her POV (23)

886 15 1
                                    

When you are diagnosed with a serious illness, like a spinal cord or brain tumor, learning about survival rates, and prognosis for you condition can make you panic even more... But spinal cord or brain tumors are very rare forms of cancer, accounting for less than 2 percent of all cancer. (crtto)

Natigilan ako sa pagbabasa at napatingin sa kawalan. Nanghihinang naglakad ako patungo sa kama at dumapa doon. Umiyak ako sa bigat ng kalooban ko ngayon, yung puso ko warak na warak.

Hindi na nga ko nabigla nung maramdaman kong tutulo na yung luha ko habang hinahanap ang brain tumor kanina sa google.

Malaman mong may sakit si Renzo Kian ay tila isang kutsilyong tumusok sa puso ko. I loved him before, but now... Silver Echarri is the one who's shouting my heart.

May parte sa puso ko na umaasang mamahalin ko ulit si Kian. Dahil siguro sa awa na nararamdaman ko. Mahal na mahal nya ako at ayokong masaktan sya dahil sa katotohanang hindi na sya yung hinahabol ng paa at puso ko ngayon.

How can I say that to him? How can I tell Kian about my feelings towards Silver? Paano ko sasabihin kay Kian iyon nang hindi sya nasasaktan?

Naramdaman kong unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mata ko. Nakatulugan ko ang pag-iyak.

Kung sana'y pagmulat ulit ng mga mata ko sa umaga ay magbago ang lahat.

----

"Ayokong sumali, Janine. " nagkibit-balikat ako. Nakita kong humaba ang nguso ng kaklase ko at ang ilan sa kanila ay nagmamakaawa na para lang mapa-oo ako. Pero hindi ako nagpadala.

"Bakit ayaw mo, Kayla? Maganda ka naman, eh. Mukha ka ngang korean, tsaka ang kinis mo rin, yung fitness sa katawan mo ay bagay sa Miss Intramurals natin. And you also have a brain. In short, total package ka. " pang-uuto nya pa sakin.

Napabuntong-hininga ako at hindi mapigilang matawa sa sinabi nya. Desperada talaga silang sumali ako sa pageant na yun.

Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng interes sa mga ganyanan, hindi ako rumarampa, hindi ako ngumingiti ng malaki sa harap ng maraming tao kahit pagod ka ng gawin ang bagay na yun, hindi ako marunong bumalanse kapag may suot akong 7 inch na heels.

Everything about pageant ay hindi ako marunong.

"Matatalo tayo kapag ako ang napili nyong candidate, sige kayo. " pananakot ko. Natapos ang usapan namin at final talaga ang desisyon kong pag-ayaw sa gusto nilang gawin sakin.

I'm into sports than pageant. Mas magandang volleyball nalang ang sasalihan ko sa Intramurals namin keysa sa pagrarampa sa entablado.

"Kayla!"

Palabas na ako sa classroom nang makitang papalapit sa direksyon ko sina Adri at Fatima. Nakakapanibagong hindi nila suot ang ngiti na palagi kong nakikita sa kanila.

Nabigla ako nang yakapin ako ni Adri. Samantalang si Fatima naman ay nakatingin lang sakin, with a sadness on her eyes.

"U-uy," kinalbit ko si Adri. Hindi sya sumagot pero maya-maya pa'y kumalas din agad sya sa yakap. "Ayos ka lang ba? Ayos lang ba kayong dalawa?" hindi ko alam kung mag-aalala ba ako sa kanila o tatawanan nalang sila dahil parang ngayon ko lang sila nakitang ganito.

Pero yung pakiramdam ko ngayon, bumibigat ulit tulad ng naramdaman ko kagabi. Why is it hard to be happy right now? Bakit kahit anong gawin kong pagpapasaya at pagpapangiti sa sarili ko ay nabibigo ako?

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon