Chapter 6: (Her POV)
Pagbaba ko sa kwarto ay naabutan ko ang aking ina at si nanay na nagtatawanan sa sala. Nag-iwas ako ng tingin at nagmamadaling naglakad palabas ng bahay. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi na nila ako tinawag.
Sa kadalasan kong ginagawa, eto na naman ako at naglalakad sa gilid ng daan habang pinagmamasdan ang mga sasakyan bumabyahe. Pero sa kasaamang palad ay pumasok sa isipan ko ang nakabangga ko rito, ang paghulog ng panyo ng lalaking iyon ay masyadong nakakapagtaka.
Sinasadya nya bang ihulog ang panyo dahil nakita nya ang pag-iyak ko? Pero ang tanong talaga na nakapag-pagulo sa utak ko, sino sya? Bakit ang sabi ni ate Kenna ay sa kanya ang panyong yun?
Naigulo ko ang basa kong buhok at napa-iling iling nalang. Nagmadali akong maglakad. Ngunit isang lalaki ang nabangga ko. Nanlaki ang mata ko dahil pakiramdam ko ay dejavu ito. Nagtuloy-tuloy sa paglalakad ang lalaki na mas lalong naging dahilan para magwala ang puso ko.
Hinawakan ko sya sa braso at pinaharap sakin. Pero laking gulat ko nang makitang si Hans pala ang nakabangga ko at nahigit ko.
"Bakit?" kalmadong tanong nya at inayos ang kwelyo ng uniporme. Umawang lang ang bibig ko at agad rin syang binitawan.
Gumapang sa pagmumukha ko ang pamumula. Lumunok ako. "Sorry, nagkamali ako sa paghigit. Sorry talaga. " pagkatapos ay mabilis akong tumalikod at kumaripas ng takbo palayo sa kanya.
Nang marating ko ang gate ng school ay napahawak ako sa bandang dibdib ko. Ang lakas ng tibok, hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo o dahil sa presensya ng Hans na iyon. It was my first time to touch or even talk to him. Sinong makapaniwala nun?
Heart throb campus rin kaya sya kahit medyo suplado. At hanggang ngayon ay pakiramdam ko, hawak hawak ko parin ang malambot ang maputi nyang braso. Grabe, hiyang hiya naman ang balat ko sa kanya.
Pumasok ako sa school nang sya parin ang laman ng utak ko. Ang labdi-landi na ng isipan ko, kung sino-sinong lalaki nalang iniisip. Pwe!
"Kayla!" sigaw ni Adri nang makita ako. Kumaway ang katabi nyang si Fatima. Tumakbo ako papunta sa gawi nila. "Isang linggo ka ng hindi nag-oonline, girl. Ano ba kasing problema mo? Tingnan mo nga mata mo, namumula at namumugto. " nag-aalala nyang usal.
Kinuha ko ang salamin sa bag at sinilip ang mukha ko. I force to smile, a fake one.
"I'm okay. " pagsisinungaling ko bago nagpatiunang maglakad papasok sa silid. Binagsak ko ang pwet sa upuan ko at nangalumbaba. Kung pwedi lang sanang magsuot ng shades rito ay ginawa ko na. Eh kaso magmumukha akong baliw o bulag. Wag na lang!
Kung bakit isang linggo ko hindi naisipang pumasok sa mundo ni Shana Sy ay hindi ko alam. Hindi ko lang talaga siguro trip kulitin si Kian nung mga sandaling nag-away at nagsagutan kami ng ate ko. Ayokong pati sya ay madamay sa kadramahan at inis ko.
Pero may rason na naman ako upang hindi na e-chat pang muli si Kian, kasi sa sinabi ko kagabi kay Adri, totoo iyon. Totoong pagod at nasaktan na ako. Tao rin naman ako, alam ko kung paano masaktan at malaman ang limitasyon ko.
At bilang isang tao, normal lang ang magmahal. Pero kapag umabot ka na sa puntong pagod at nasasaktan ka na, normal lang rin ang bumitaw at kalimutan ang taong mahal mo.
Ginawa ko lang ang inuutos ng isipan ko. Pero bakit... bakit ayaw ko parin bitawan si Kian? Bakit parang ang hirap gawin ang bagay na yun? Simple at madali lang naman pakinggan, ah. Kaya bakit?
"Bakit ang hirap?" hindi ko alam na naitanong ko na pala ang tinatanong ng isipan ko. Nakatulala ako sa kawalan pero napansin kong napalingon sakin si Adri at Fatima. Pinagpatuloy ko ang pagsasalita. "Bakit ang hirap kalimutan ang nararamdaman mo sa isang tao? Bakit ang hirap kalimutan yung sakit na naidulot nila sayo? "
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanfictionBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...