Chapter 3: (Her POV)
Nilapag ko ang cellphone sa side table ng kama bago ako kumaripas ng takbo palabas ng bahay. Baka ma-late na naman ako kakacellphone nito. Eh active one minute ago na si Kian, eh. Sayang naman!
Pagbukas ko ng pintuan ay ang pag-hinto rin ng isang mamahaling kotse sa harapan ng bahay. Nangunot ang noo ko. Ang buong akala ko ay si mama at ang asawa nya pero hindi. Kasi yung driver ng sasakyan na yun ay hindi man lang lumabas.
Napailing iling nalang ako. Nagsimula na akong maglakad patungo sa school pero nahinto ako nang makitang papalabas ng bahay si Ate Kenna at nilapitan ang kotse. Bumukas ang bintana pero hindi ko nakita ang mukha ng nagmamaneho.
"Kayla!" kumaway si ate sakin. Ngumiti lang ako. "Gusto mong ipakilala na kita sa boyfriend ko?!" sigaw nya.
Natigilan ako at sinulyapan ang relos. Ngumuso ako at umiling sa kapatid ko. "Late na ako! Sige bye!" pagkatapos ay kumaripas ako ng takbo. Malapit lang yung school ko pero pagdating ko doon ay nagsisimula na ang flag ceremony. Buti nalang dahil absent ang principal. Walang magsesermon saming mga late comers.
Pumasok ako sa silid at mabilis na tumabi kay Adri at Fatima.
"Palagi ka nalang late, ano! Ano bang ginagawa mo gabi-gabi? " galit na tanong ni Adri. Napangiti ako nang maalala ang pagchachat namin ni Kian. "Bruha ka! Baka kung saan-saan ka napapadpad gabi-gabi at basta mo nalang binibigay ang katawan m--"
Inis na hinampas ko sya gamit ang bag ko. "Pinagsasabi mo ba? Ang laswa ng iniisip mo, che! Ikaw tong puro kahalayan sa pagbabasa ng wattpad! Wag mo akong idamay sa pagiging maland-- aray! " napangiwi ako ng sya naman ang humampas sakin.
"Para saan yun? Bwisit. "
"Hindi ako malandi. " mataray nyang sabi at umismid. Maya maya ay bumaling ulit sya sakin nang may isang ngisi ng nakapaskil sa labi. "Dahil malanding-malandi ako. Naiintindihan mo?" sabay kagat sa labi at kumindat pa sakin.
Umawang ang bibig ko at sabay namin syang sinabunutan ni Fatima. Pero natigil lang ako nang may biglang pumasok sa classroom. It was Hans, wearing his usual poker face. Hindi ko alam kung nangingiti ba sya o habang buhay deads ang mukha.
Ngayon ko lang napansin na ang gwapo rin pala ng kaklase kong iyon. Lalo na ang magulo nyang buhok ngayon at isang piercing sa tenga. Kumbaga, pa-bad boy look.
Nag-iwas ako ng tingin dahil baka mahuli pa nya ako. Tumigil narin si Fatima sa pagsabunot ng buhok kay Adri kaya hindi na ulit kami nagsalita dahil dumating narin naman ang guro maya-maya.
"Echarri, Silver?" pagtawag ni Ma'am at nilibot ang paningin samin. Kumunot ang noo nya nang walang sumagot. "Silver? Nasaan si Silver? Bakit absent sya ngayon, aber?" inis nyang tanong bago minarkahan ng absent ang attendanc ni Silver.
Nagtinginan kami ni Adri at Fatima dahil pareho kaming nagtataka kung saan napadpad ngayon si Silver. Bihira lang syang lumiliban ng absent, may emergency siguro.
Nag-kibit balikat nalang ako at tinaas ang kamay nung tinawag ako ng guro.
"Kayla. " nilingon ko si Adri.
"Wag kang maingay dyan. " saway ko sa kanya pero humagikgik nalang sya at bumulong sakin.
"Kapag nakuha ng holdaper na may motor ang bag mo, at tinanong ka ng pulis kung nakuha o naalala mo ba ang plate number nya, anong sasabihin o gagawin mo? "
Napaisip ako sa tanong nya. Kahit walang kwenta iyon ay sinagot ko parin. "Hindi. "
"Anong hindi?"
"Tsk, bag ko nga nakuha, plate number pa kaya?"
Napa-face palm sya at hindi makapaniwala sa sinagot ko. Totoo naman kasi.
"Ang piloso--" magagalit na sana sya sakin nang makita ang rebulto ng isang tao sa harapan namin. "M-ma'am. "
It was our teacher standing in front of me and Adri. Nakapameywang at nakataas ang kilay. Nakakatakot ang kanyang mukha na animo'y kakainin kami ng buhay.
"You can talk outside, but when your here and I'm here, you better zip your mouth. Now, miss Bonifacio and miss Garcia, go out and let's talk inside my office!" galit na sigaw nya.
Nakagat ko ang labi sa takot. Nagtinginan kami ni Adri bago kami sabay na lumabas ng silid. Narinig ko pa ang pagtawa ng mga kaklase ko kaya labis labis talaga yung hiya sa katawan namin ngayon.
"Leche ka kasi!" bulyaw ko kay Adri pagkaupo ko sa guidance office. Dito kasi ang office ng nakakatakot na guro na iyon.
Oh, god! First time ko rito!
"Bakit ako? Pareho tayong dumaldal, no!"
Umismid ako. "Eh kung hindi mo lang sana ako kinausap, hindi rin ako magsasalita. Leche ka nga!"
"Ewan ko sayo. " suminghap sya at nilingon ang taong nagbukas ng pintuan. Ang akala namin ay yung teacher na yun pero nabigla ako nang makita si Silver. "What is he doing here, girl?" bulong nya.
"Ewan ko. " sabay siko ko sa kanya.
Umupo sa harapan namin si Silver at tahimik na tinitipa tipa ang cellphone. Ni hindi nya kami nilingon ni Adri. Parang may bumara sa dibdib ko.
"Good morning. " napatayo kaming tatlo nang dumating na si Ma'am Lorenzo. "Nasa guidance office ko kayo, kaya ang ibig sabihin ay may nagawa kayong kasalanan at kailangan ko kayong disiplinahin. " mataray parin sya kung magsalita.
Napatungo ako.
"Kayong dalawa. Miss Bonifacio and Garcia! Why are you talking while I'm discussing in front you?! Alam mo bang nakaka-offend iyon sa mga gurong tulad ko? Don't do that again or I'll punish both of you!"
Ngumuso ako at tumango sa kanya. Tinaasan lang nya kami ng kilay at bumaling naman kay Silver na binulsa ang cellphone sa uniform nya.
"And you, Mr. Echarri! You don't know how dissapointed I am right now, boy. " naupo ang guro sa swivel chair nya at hinilot ang sintido.
Nilingon ko si Silver. Ano bang kasalanan nya?
"Sorry, ma'am. " napayuko sya.
"Sabihin mo sakin kung anong mas importante sayo. Ang pag-aaral at pagpasok sa skwelahan o ang pakikipag-date sa nobya mo? Tell me honestly, Mr. Echarri. I hate liar student. "
Nangunot ang noo ko at ganun rin si Adri. Pero teka, nobya? Ibig sabihin, may girlfriend na sya?
"Sorry, ma'am. " sabi ulit nya at nahilot na naman ni Teacher Lorenzo ang sintido.
"Who's that girl? Sino yung nakita ng isang teacher rito na kasama mo? Her name is familliar. Parang nanggaling na sya sa school na ito. "
Bahagya akong sinulyapan ni Silver na ikinabigla ko.
"I'm going ma'am. " mukhang ayaw nyang pag-usapan ang tungkol sa girlfriend nya, umaamba syang tatalikod nang magsalita ulit si teacher Lorenzo.
"Kapatid ba ni Miss Bonifacio ang nobya mo, Mr. Echarri? Is she Kenna Bonifacio? " nabigla ako at napatingin kay Silver na nakagat ang labi habang tumatango sa guro.
Napahawak ako sa palda ko at mahigpit iyong hinawakan.
Anong ibig sabihin nun?
Si Ate Kenna at Silver?
FB: Makiling Montefalco WP
IG: @yiskahwp
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanficBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...