Her POV (5)

1K 9 0
                                    

Chapter 5: (Her POV)

"Ate, kausapin mo naman ako. " halos mangiyak na ako dito habang kumakain kaming dalawa sa hapag kainan. Si Mama at Tito David ay nasa sariling bahay nila, habang si Nanay naman ay namalengke.

Hindi sya kumibo at suminghot nalang ako. Pinagpatuloy ko ang pagkain. "Ate, ano bang problema?" tanong ko nung sinundan ko sya sa loob ng kwarto nya. Mabuti nga dahil hindi nya ako pinagsaraduhan o tinaboy. Nagtungo sya sa bintana at lumanghap ng hangin.

Nahagip ng mata ko ang nakabukas nyang laptop. Kitang kita doon ang wallpaper nya kasama si Silver. Nakangiti silang pareho kaya hindi ko rin mapagilang ngumiti.

Pilit kong pinapaalis ang kung ano-anong sakit na humaplos sa puso ko habang pinagmamasdan silang dalawa. Bahagya pang nakahalik sa picture si Silver sa pisngi ni ate Kenna. At yung ngiti ng kapatid ko, ngayon ko lang nakita ang ganung klaseng ngiti nya.

Mahal na mahal nya siguro si Silver.

Napatalon ako dahil biglang sinarado ni ate ang laptop nya. Lumapit ako sa kanya. "Ano bang problema, ate? Bakit parang galit ka sakin ngayon? Hindi mo rin ako kinikibo nung nagdaang ara--"

"Lumabas ka na, Kayla. " she ordered. Naupo sya sa kama at nagtipa sa kanyang cellphone. Nagpigil ako ng luha. Hindi ako kumilos o kahit ihakbang nalang ang mga paa palabas. Napansin iyon ni ate Kenna kaya sinigawan nya ako. "Lumabas ka sabi!"

I wiped my tears and manage to smile. "Bakit?" mapait ang ngiti at pati boses ko. "Bakit nagkaganito ka?" puno ng sakit at lungkot ang matang nakikita nya ngayon sakin. Nag-iwas sya ng tingin at bumuntong hininga.

"I don't like seeing you here. Just go out now, please. " mariing sabi nya. Umiling ako. "Please, Kayla. " umiling ulit ako.

Nainis sya at tumayo, marahas nya akong kinaladkad pero mabilis at galit kong hinila ang braso ko sa kanya. Nasabunot nya ang buhok at sandaling tumalikod.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi ang prob--"

"Sabi ng umalis ka na bago ko pa masabi sayo ang dahilan ng pagka-inis ko sayo! Kayla, lumabas ka na! Labas! " kinaladkad nya ulit ako. Humagulgol ako ng luha na labis nyang pinagsisihan.

Marahan at maingat nyang hinawakan ang mukha ko pero tinabig ko ang kamay nya at umatras palayo sa kanya. Kinapa ko ang door knob sa likuran ko bago ako muling umiyak ulit. Nagtangka syang lumapit sakin.

"Sabihin mo sakin kung ganun! Ang hirap ng ganito nalang palagi, ate Kenna! Isang linggo mo na akong hindi kinakausap at galit ka pa sakin! Sabihin mo naman sakin kung ano ang dahilan para hindi ako magmukhang baliw kakaisip araw-araw at gabi-gabi!"

Natigilan sya at umiling sakin. "Diba sabi ko sayo, lumabas ka na?" mahina nyang tanong.

"Hindi ako lalabas. " giit ko. "Please. "

Napatakip sya ng bibig at tumalikod na naman. Maya-maya'y bumaling sya sakin nang namumula na ang kanyang mata at buong mukha.

"If you'll know, mas masasaktan mo pa lalo ako. " hindi ako makapagsalita dahil nagtataka na naman ako. "Just please go, Kayla? Kailangan ko ng oras. " marahan nyang sabi at hindi na nya kailangan pang ikaladkad ulit ako.

Sariling paa ko ang ginamit upang iwan sya sa kwarto nya. Naupo ako sa sofa ng sala. Naisipan kong higitin ang cellphone ko sa bulsa ko at nag-wave kay Kian sa messenger. Pero natutop ko ang bibig dahil yung real account ko na Kayla Bonifacio ang ginamit ko.

Mas lalo akong napaiyak at nadurog ang puso habang bina-back read ang convo namin dati. Hindi ko ito makakalimutan. Pero kung tutuusin ay dapat ito ang dahilan para kalimutan ko na sya, eh. Pero anong ginawa ko? Gumawa pa ako ng poser account para chatan sya.










FB: Makiling Montefalco WP
IG: @yiskahwp

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon