Her POV (25)

841 10 3
                                    

"Kayla!"

Plenty of voices I heard. But I remain looking downward, unhappy, presentiment, trembling.

Hanggang sa naramdaman ko ang malamig na kamay ng isang babae sa aking balikat. Napapikit ako ng mariin at tila isang karayom sa puso ko na marinig ang pag-hagulgol ni Kyana sa aking tabi.

"Paano nangyari yun?" her voice is shaking. Inangat ko ang paningin sa kanya at nakitang mugtong-mugto ang kanyang mga mata, namumula ang buong mukha at hinang-hina na dahil sa sitwasyon.

I bit my lip as I slowly held her hand. Pinaupo ko sya sa tabi ko at patagilid na niyakap. Hinayaan ko syang umiyak sa aking tabi at hindi pinansin ang damit kong nababasa na dahil sa mga luha.

Ilang segundo ang lumipas, unti-unting nahihinto ni Kyana ang pagtaas-baba ng balikat nya at ang kanyang pag-iyak.

"Nakatulog na ba sya, hija?" napalingon ako sa babaeng lumapit samin. It was Tita Kira, tulad rin ni Kyana, mugtong-mugto ang mata at tila nawalan ng kulay ang mundo.

I looked at Kyana and saw her sleeping with affliction because of Kian. Pagkatapos ay muli akong tumingin kay tita Kira at tinanguan sya.

Nagtataka ako dahil matagal syang napatitig sakin. Nag-iwas ako ng tingin at pinagmasdan ang mga kamag-anak nila na naghihintay sa labas ng kwarto ni Kian kung saan sya naka-confine.

He's not already dead. Agad akong nakahingi ng tulong at naidala sya dito bago pa sya tuluyang sumuko at mawalan ng hininga.

Ayokong ako ang huling makikita nya sa kanyang huling hininga. Gusto ko naman, pero kailangan paring pamilya nya ang kanyang makikita sa huling segundo ng buhay nya.

Our life is so precious. Sa lahat ng regalo na naibigay ng dyos ay ang buhay natin ang pinakamahalaga at kailangang ingatan. But why did he choose some people to suffer? Kung mahalaga ito, hindi nya tayo bibigyan ng rason para sumuko at ibalik sa kanya ang regalong binigay satin.

Well, we can't blame Jesus on that. Siguro ay dahil iyon ang gustong mangyari ng panginoon kay Kian. Pero masakit kasi na mawalan ka ng taong importante sayo.

"Will he survive?" hindi ako nakasagot sa tanong ni Tita Kira. Hindi ko alam kung ako ba ang kausap nya dahil sa ibang bagay sya nakatingin.

Nanatiling tikom ang bibig ko at napatingin nalang din sa kawalan. Nasirado ko ang isipan ko at nakulong doon ang naging tanong ni Tita.

I don't have any idea on that question. The only thing that my mind wants me to believe is... everything happened for a reason.

"Kayla, " I came back to my senses when Tita Kira spoke again. "Hindi ko alam kung ilang pasasalamat ba ang ibibigay ko sayo. Kung tutuusin, isang salita lang naman ang salamat. But I want you to know that I'm sincere. Nagpapasalamat ako dahil niligtas mo ang anak ko, Kayla. "

Muling nadurog ang puso ko nang umiyak sya sa harapan ko. Hindi ako nakapagsalita agad at pinagmasdan lamang syang lumuha at muntikan nang mapaluhod.

Mabilis kong hinawakan ang kamay nya at pinigilan sya sa pagtangkang pagluhod. Naramdaman kong nagising sa aking tabi si Kyana ngunit hindi ko na pinansin bagkus ay mahigpit na hinawakan ang magkabilang kamay ni tita Kira.

"Thank you is a strong word, Tita. Pero gusto ko ring malaman mo na bilang isang kaibigan ni Kian, gagawin ko ang lahat. Wag mo akong pasalamatan dahil niligtas ko ang anak mo. No, I'm not the one who save him, dinala ko sya dito dahil gusto kong mabuhay pa sya. Only Jesus and our faith can save him, Tita. " napahaba ang lintaya ko.

But intsead of receiving another thank you from her, isang mahigpit na yakap at pag-iyak ang natanggap ko. I can't help myself but to burst out my tears, too.

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon