💉 MA 3: Chapter ten - After the Party

7.1K 263 20
                                    

Maingay sa loob at lasing na rin ang iba wala na rin si kuya Jared dahil sinundo na sya ni ate Raquel. Hindi nga namin sila maasar kasi bad mood si ate Raquel pero kung hindi? Ay malamang kawawa ang dalawang yun sa asar naming lahat.

May iilan din na nakatulog na sa kwarto at may umuwi na rin ang karamihan nga lang nandoon pa sa loob, nakikipag kwentuhan ang iba pinipilit pa ang sarili.

Wala naman kasing pasok bukas.

Pero ako? Eto nasa bench sa labas dorm. Napansin ko na may papalapit at agad akong napatayo nang makita ko kung sino.

"Ange." And I hug her. "Kumusta ka na? Okay ka na ba? Pasensya ka na ah."

Umiling naman sya. "Alam mo Kesia masyado ka talagang paranoid." Naiiling na sabi nya. "Kung hindi ka nag aalala sa pamilya mo eh sa kaibigan mo. Kelan ka ha mag aalala para sa sarili mo?"

Napatigil naman ako sa sinabi nya at napaisip pero ngumiti na lang ako sa kanya.

"Alam mo Ange?" Umupo ako at tumingin sa buwan. "Mas gugustuhin ko pang unahin ang iba kesa sa sarili ko dahil wala din naman mangyayari kung uunahin ko ang sarili ko. Mas masasaktan lang ako. You know what I mean."

Umupo sya sakin at ramdam ko na mabigat pa rin ang nararamdaman nya. "Sa totoo Kesia? Hindi ako okay. Hindi ko pa rin natatanggap na wala na si Victor pero pinipilit ko kasi alam ko na iyon ang gusto nya. Kesh." Napatingin naman ako sa kanya. "Nabalitaan ko na sinisisi mo raw ang sarili mo sa nangyar, Kesh hindi kita sinisisi. Gusto nang kunin ni Lord si Victor kaya nangyari yun pero hindi nga lang sa magandang paraan."

"Kasalanan ko pa rin naman kasi."

"Walang may kasalanan sa kampo natin, Kesh. Wala. Ang Color Corp lang."

"Yea-"

"KESIA!"

Napalingon ako sa likod at nakita ko naman si Marvin na nag aalala sa akin.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina pa kita hinahanap."

"Huh? Di ba nagsabi ako sayo na magpapahangin ako? And don't you see kausap ko si Ange."

"Huh? Wala naman si Ange dito ah."

Napalingon naman ako sa tabi ko at nagulat naman ako ng hindi ko makita si Ange at bumalik ang tingin ko kay Marvin na nanlalaki ang mga mata ko.

"Promise Marvin nandito talaga si Ange kausap ko talaga sya kanina."

Kumunot naman ang noo ni Marvin. "Nakainom ka ba?" Umiling naman ako. "Wala si Ange dito Kesh ang sabi ni kuya Jared hindi daw nakarating si Ange ngayong araw dahil sa may inasikaso daw sya."

Malungkot naman akong nag nod. "Pero sino yung nakausap ko kanina?"

"Baka inaantok ka lang Kesh. Halika na matulog ka na. Gusto mo tabi tayo?" At binigyan nya ako ng nakakalokong ngiti.

"Alam mo siguro kung kaya ko lang buhatin at ihampas sayo itong bench na kinauupuan ko baka naihampas ko na to sayo." Inis kong sabi at tumawa lang naman sya sa akin kaya naman napairap ako.

"Joke lang syempre!"

***

Pagpasok ko sa room ay ako pa pang ang nandoon dahil busy pa si Yana at Min sa may sala. Busy pa sila magpakalasing palibhasa pinayagan ni Henry si Yana at si Min naman alam ko nag hahanap lang ng paraan para maialis ang sakit sa dibdib nya.

"Kahit ano talagang sabihin nila hindi ko talaga kaya na hindi sisihin ang sarili ko."

Naramdaman ko na lang na tumulo na lang bigla ang luha ko at nahiga.

Sorry sa lahat ng nagawa ko. Sorry.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon