💉 MA 3: Chapter eleven - Get to know them

7.8K 269 5
                                    

Pag gising ko pa lang ay agad na akong tumayo at nakita ko naman si Yana at Min na ang sarap ng tulog and take note magkatabi pa sila at magkayapos.

Ibang klase tong dalawang to.

Naligo ako at nagbihis saka nag ayos ng sarili ko dahil may balak akong puntahan. Oo alam ko na bawal akong umalis mag isa pero syempre gusto ko rin naman ng privacy charot.

Eight na ng umaga pero ang buong academy parang five pa rin. Wala gaanong katao tao sa buong paligid. Siguro dahil sa party kagabi kaya wala silang ibang ginawa ngayon kundi ang matulog lang ng matulog at magbawi ng tulog.

Pumunta ako sa office ni Kuya Jared at agad ko rin naman nakita si ate Raquel.

"Good Morning ate Raquel." Tumingin sya sa akin saka ngumiti.

"Good Morning too, Akesia." Sabi nya at pinaupo nya naman ako saka binigyan ng cookies at ng tea. "Ang aga mo naman ata ngayon dito?"

"Magpalaalam lang sana ako kay kuya lumabas ng school at pumunta kay Ange kung okay lang."

"Wala namang problema doon. Ang last na nakausap ko si Miss Ange ay noong nagsabi sya na hindi sya makakarating dito kahapon." Hindi ako nagsalita kaya naman nagpatuloy sa pagsasalita si ate Raquel. "Sa totoo lang Akesia?"

"Ano po?"

"Parang hindi okay si Ange. I mean para syang may sakit sa boses nya o baka naman umaarte lang since ayaw nya umattend ng Announcing of Verdant Ellipse."

Hindi naman ako nakapagsalita at hinayaan na lang so ate Raquel na magsalita pero parang hindi ko na ata magawang makinig at nakatulog ako.

"Akesia why so early?" Parehas kami napatingin ni ate Raquel sa likod namin.

"Kuya." I said and I smiled.

"What's bring you here?"

"Magpapaalam lang sana ako."

"Saan?"

"Gusto ko pong bisitahin namin si Ange kung okay lang po."

Matagal sya bago nakasagot pero nag nod naman sya. "Kung hindi nya ako bibigyan ng problema pwede ko naman kayong payagan."

I giggled. "Kuya para namang sinabi mo na sakit kami sa ulo." Pang aasar ko.

"Bakit hindi ba?"

"Hindi?" and I laugh ganun din naman si ate Raquel at kuya Jared.

"Naku sa lahat ng Verdant na nahawakan ko kayo ang pinaka masakit sa ulo." Naiiling na sabi ni kuya kaya natawa naman ako.

"Pero kuya aminin mo kami ang pinaka magaling din sa lahat."

"Raquel paki sara nga ng bintana ang hangin." And we laugh. "Biro lang. Okay sige pinapayagan ko na kayo na lumabas pero isang buong araw lang alam no naman kung bakit di ba?" And I nod. "The Organization is still out there and alam ko na naghihintay lang sila sa inyo. Wag kayo maghiwahiwalay ah?!"

"Opo kuya we already take our precautions much higher than before."

"Good then I wont need to worry."

***

Nang karating ako sa dorm ay nakita ko naman na may kanya kanya silang gawa. I mean may kanya kanya na sila.

"Saan ka galing?" Tumingin ako kay Min.

"Kay kuya Jared."

"Bakit?" This time si Yana naman ang nagtanong. "Hinanap ka ni Marvin kanina." Dagdag nya pa.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon