💉 MA 3 : Chapter seventy five - Activate

6K 275 35
                                    

Nagising ng hindi oras kaya mag a-update ng hindi oras.

By the way, thank you sa mga nagfollow sa akin!!!

HAPPY 15K FOLLOWERS TO ME!!!
🎉🎉🎉

Enjoy reading Minters!!!

*****

"Yana, Min." Tawag ko at agad naman silang lumapit sa akin.

"Ano yun?" Seryosong tanong ni Min sa akin.

Inangat ko naman ang spray bottle. "Pag aralan nyo kung anong component ng potion na nasa loob. Once na may hindi maganda kayong nakita alam nyo na ang gagawin nyo. Try to find its antidote or what na pwede makapagpawalang bisa diyan kung iyan nga ang nakapagpabago kay Henry at Marvin."

Nakita ko naman ang alam sa mga mata ni Yana. Bakit nga ba hindi eh boyfriend nya ang nilalandi. Alam kong kating kati na ang mga kamay nyan manampal at manambunot. For sure pag nawalan na ng bisa ang kung ano man kina Henry hindi na ito magdadalawang isip pa.

"Got it." Sabay nilang sabi.

Nasa likod ako ni Aira at Kass at nakaupo rin syempre. Habang ginagawa nila ang pag aalis at pag aactivate ng mga device na ginawa nila sa mga damit ng dalawang mangkukulam na malalanding ahas ay pinag aaralan ko ito.

Hindi porque isang leader ako sa project na ito ay aasa na ako sa members ko, hindi ganoon ang leader. Ang leader tumutulong sa lahat ng pwedeng tulungan sa members nya at iyon ang ginagawa ko. Hindi lang ako nagbibigay ng utos natulong din ako sa utos na binibigay ko.

"Natanggal ko na ang mga damit na pinili nila Lolo, Eve, Leo, at ng mga bata." Dinig kong sabi ni Aira at nag nod ako. "Yung kila Marvin isasama ko ba sa pagsend ko kay Kass, Kesh?" She asked.

"Oo. Hindi naman ata kumpleto kung sa mga girls lang. Isama na silang dalawa." Sagot ko at nag nod ito at tumipa na naman sa keyboard.

Hindi ako ganoon kagaling sa computer lalo na sa mga kagaya nitong ginagamit nila. The super computer. Malaki ito at mas malaki din ang data na kayang hawakan kaya mas okay ito kesa sa mga personal computer na meron lang minsang two gigabytes.

"Nakuha ko na Aira."

"Okay."

Kahit na marunong ako sa aspeto ng teknolohiya hindi ko pa rin maiwasan na hindi mamangha sa dalawang ito. Kung sabagay bakit ba hindi magiging magaling ang dalawang ito pagdating sa pagtipa ng kung anu-ano sa keyboard kung ito naman ang pinaka gamay nilang aspeto.

Nakita ko kung paano gumana ang mga device na ikinabit nila sa mga damit ngunit pili lamang dahil ang damit lang nila Henry, Marvin, Josephine at Lilia lang ang inactivate na device.

"Okay na. Sa ngayon kailangan na lang natin maghintay." Sabi ni Kass and I nod.

"Sige sabihan nyo na lang ako pag may napanood or narinig kayo. Asan sila ngayon?" I asked.

"Sure." Sagot ni Aira at tumingin sa monitor nya na hologram. "Nasa sala sila kasama sila lolo George."

"Un!" I give a one nod. "Mukhang ginagawa na ni lolo Roberto ang sinabi ko kanina."

"Alin doon?" Dinig kong tanong ni Jullius na nasa kabilang part ng lab.

"Ang palabasin na busy tayo sa pagsasagawa ng cure para makampante ang dalawa sa paligid nila." Sagot ko naman at tumingin kay Kass at Aira. "Hindi naman nila makikita or mahahalata ang mga device di ba?" Umiling naman silang dalawa.
"Hindi. Not unless may kakaiba sa mata nila but I think wala naman kakaiba sa mga mata nila. Ni hindi nga nila napansin ito eh." Sagot naman ni Kass.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon