💉 MA 3: Chapter sixteen - The Lost island

7.9K 270 15
                                    

Here you go guys. So anong balak nyo? Charot. Mahaba haba itong chapter na ito kaya walang magsasabi ng BITIN hahaha.

Hello to PreciousVkook this chapter is dedicated to you, thank you for reading Mint Academy.

Enjoy reading Minters!!

*****

Feeling ko kakaiba ang higaan ko.

Wait.

Agad akong napabangon at napahawak sa noo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid at nang makita ko na nasa baybayin ako ay agad ako napanganga. Oh em gy where is my friends?

Inilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Yana sa hindi kalayuan pati na rin si Min, Kass, Jullia at Ai.

"Yan? Yanyan? Gising!"

Iminulat nya ang mata nya at napaubo pa ng konti. Nang maprocess nya kung nasaan kami napakunot naman ang noo nya.

"The heck?!"

"I know right. Tayo jan gigisingin pa natin sila Min, Kass, Julls at Ai."

Tinulungan ko syang tumayo at lumapit sya kay Min at ako naman kay Kass.

"Hey Kass? Hindi kama yang hinihigaan mo gising na." Napairap naman ako sa sarap ng tulog nya. "Kass ano di ka gigising iiwan ka namin dito sa kung saan." Agad naman syang napadilat ng mata nya.

"What the hell?" At inilibot nya ang tingin nya. "Where the heck are we?"

"Hindi din namin alam Kass kaya kung gigisingin mo na si Jullia baka makatulong pa." Sabi naman ni Yana at pumunta kay Ai.

After a few minutes nagising na rin ang lahat at napaupo kami sa ilalim ng puno pero nandito pa rin naman kami sa may baybayin.

"Hindi naman tayo sumakay sa barko or sa eroplano pero bakit at paano tayo napadpad dito? As far as I know kumakain lang tayo and-" Hindi naman naituloy ni Yana ang pagsasalita nya at nanlaki ang mga mata ng mga kasama ko.

Hindi na ako nagulat alam ko naman.

"NAKATULOG TAYO?!" sigaw nila and I nod.

"Habang kumakain tayo sa café restaurant eh may pampatulog na nilagay sa atin." Sabi ko at tumingin sula sa akin.

"Bakit wala akong matandaan?" Tanong ni Ai and I shrugged.

"Hindi ko alam pagtingin ko kasi sa inyo tulog na tulog na kayo eh."

"So kalaban ang café?" Takang tanong ni Jullia and I shrugged again.

"No. I think may nagsabotage lang sa kanila. Hindi alam ng waitress ang tungkol sa pampatulog and I saw the person whose responsible for this." Sabi ko pa at kumunot naman ang noo nila.

"Don't tell me..."

"Yess Kass. The Red Organization."

Naramdaman ko na natense sila kaunti and then it became a hatred.

"And the boys?" Min asked and once again I shrugged.

"Hindi ko alam. Paggising ko kayo lang ang nasa malapit sa akin kaya ginising ko si Yana and then ginising namin kayo." Sagot ko at nakita ko naman nalungkot sila Yana at Kass. "Don't worry I know na okay lang ang mga yun mga masasamang damo yun matagal mamatay."

Kahit papaano ay natawa sila hanggang sa parang may narinig kaming nag growl.

"Okay girls. What the heck was that? Is that your tummy?" Patawang tanong sa amin ni Yana and we looked at her. "Okay I guess not."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon