💉 MA 3 : Chapter seventy seven - Marked

5.9K 278 20
                                    

Ordle is already asleep and even my friends are not aware of what happened to him. Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanila maybe next time na lang pag wala nang gagawin.

We're still busy. Mark and Jullius are at the control room. Kass and Aira are always with me to check those to. Yana, Min and Jullia is helping me to create an antidote.

This time hindi na kami nangangapa pa dahil sa nabanggit ni Josephine ang sangkap ng antidote habang nag uusap sila ni Lilia. Sabi nilang dalawa na kapag nagplano kami na magraid doon sila kukuha ng tiyempo. Hindi lang iyon alam na rin namin kung paano makontra ang spell nila, not literal na spell, mga herbs lang ang mga ito.

"Finally matatapos na rin." Dinig kong sambit ni Yana na nag uunat unat.

"Isang oras na lang kailangan na natin matulog." Min added.

Kahit naman na busy kami kailangan pa rin naman namin maglahinga. Ilang araw na kaming hindi lumalabas, maybe seven to eight days na at nakikita naman namin na kampante na sila Lilia sa ship.

"Eleven na ng gabi. We have to sleep." Sabi ko sa kanila and they nod.

Tumayo si Kass at Aira ganoon na rin ako sa harap ng super computer at nagsimula na kaming maglatag sa sahig ng tatlong queen size foam at sampung unan, limang kumot at kanya kanya na kaming tulog.

***

“Seryoso ba talaga na mga verdant ang mga babaeng iyon? Para silang mga walang isip!” itong Lilia na ito masasabunutan ko ito.

"Wow makawalang isip naman ang babaeng to. Ano matalino ka te? Asan utak mo? Nasa panlalandi mo sa boyfriend ko?" Inis naman na sambit ni Yana na akala mo naman naririnig ni Lilia

“Ikaw yang bibig mo talaga napaka no? Oo verdant sila hindi nga lang halata. Akalain mo yun hayaan ba naman tayong gawin lahat ng gusto natin sa pagiging busy nila.”

“duh~ wala kasi silang isip.”

“tamaaa~”

Parang noong nakaraan lang halos magpatayan ang dalawang ito sa salita at sama ng titig sa isa't isa ngayon akala mo kung sinong magbest friend eh.

“Ano ng plano mo? Hindi mo na talaga nahanap ang love potion?”

Bumuntong hininga naman si Josephine bago sumagot. “Hindi eh pero hayaan na wala namang nakakita na iba nun. Like hello nagtanong ako sa mga tao dito walang nakakaalam sa spray bottle na binabanggit ko sa kanila.”

“Alam mo minsan nagtataka ako kung bakit ka nasa pang thirty nine eh isa ka ring walang utak gaya ng mga verdant na babae.” sinamaan naman ni Josephine si Lilia.

“So ano gusto mo palabasin? Bobo ako ganun? Wow nahiya naman ang katalinuhan ni Marvin sayo no?”

Napayukom na lang ako ng kamao dahil sa pagbanggit nya ng pangalan ng lalaking mahal ko.

“Whatever. Kung ikukumpara sayo talaga nga namang mas matalino ako no. Isa pa, bakit ba kay Marvin mo ako kinukumpara? Aba bobo ka nga talaga malamang mas matalino talaga yan sa akin. Tanga mo no?”

“Leche! Gago!”

“Back to you!”

“Gumawa na lang tayo ng bago tutal malapit lapit na rin naman maubos ang stock ng pagkain natin. Ha! Kapag nag raid sila lalabas tayo para kumuha ng sangkap.”

“Anong tayo? Hoy gaga! Hindi ako ang nakawala kaya kumuha ka mag isa ka!”

“Ah ganun? Eh kung hindi kaya kita bigyan?”

“Okay lang forever na naman na nasa sistema ni Henry ang potion. Isa pa mahirap kaya gawin ang antidote ng potion natin.”

“Che!”

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon