💉 MA 3: Chapter nine - Welcome Party

8.4K 310 12
                                    


ENJOY READING MINTERS~

Busy ang lahat sa kanya kanya nilang party may nagsuggest kasi kay kuya Jared na by section na lang daw ang party kesa sa by year or pangkalahatan.

"Since sila Kesia at Marvin ang mamamalengke kailangan nila ng katulong and since si Yana at Henry lang ang isa pang couple sila na lang ang sasama." Nag agree naman ang lahat kay Aira. "Teka hindi naman ako ang number one ah bakit ako nag oorganize?" Takang tanong nya and we laugh.

"That's your role, Ai." I said and I smiled. "Being the number eight means being the organizer of the event. May pagkakapareho nga sa role namin ni Henry pero may pagkakaiba din."

I wave my hands and walk away from them ramdam ko rin naman na sumunod sa akin sila Marvin, Henry at Yana.

***

"Sa dami ng binili natin promise hindi ko alam kung paano natin ito ipagkakasya sa kotse." Inis na sabi ni Yana at tumingin ng masama kay Henry. "Ikaw kasi bakit di mo to nakita?"

"Hindi ko naman kasi sinilip." Hindi naman sya pinansin ni Yana at natawa na lang ako sa kanila.

Nagsosorry si Henry habang si Yana naman tuloy lang sa paglalakad na parang walang naririnig. Kawawang Henry.

"Okay lang ba talaga? Hindi ka ba nabibigatan?" Tumaas naman ang kanang kilay ko sa tanong ni Marvin.

"Vin, sa dinami dami ng bitbit mo sa tingin mo kakayanin mo pa ba tong dala ko? Baka mabali na ang daliri mo nya." Pagbibiro ko naman sa kanya.

"Mas okay na mabali ko ang daliri ko kesa naman sayo."

"Kikiligin na ba ako?" Nakangiti kong sabi.

"Kinikilig ka naman di ba?" And he smiled showing his deep dimples.

"Kung di ka lang pogi eh." Napairap naman ako.

I heard him laugh pero hindi ko na sya pinansin at pinanood ko na lang sila Henry at Yana na nag aasaran sa harap namin na kanina lang eh nag aaway. Hindi ko talaga gets tong dalawang to. Napailing na lang akong pinapanood silang dalawa.

Nang makarating kami sa loob ng kotse ay agad din naman binuksan iyon ni Marvin and malamang gamit ang ability nya dahil hindi namin kaya dahil pare parehas kaming may dala.

Nilagay namin sa likod ang iba pero hindi din naman nagkasya ang iba kaya sinama na lang din sa passenger seat kaya bahala na sila Henry sa sikip sa likod.

"So ganito talaga ang set up ha, Kesia?" Natawa naman ako sa pagrereklamo ni Yana.
"Kung nagrereklamo ka Yanyan doon ka na lang sa bubong." Pang aasar ko naman.

"No way. Pwede pa kung sa jeep to baka pumayag pa ako."

"Kaso hindi." Natatawang sabi naman ni Marvin.

"Oy kayong dalawa pinagkakaisahan nyo ang Ney ko ah."

We laugh.

Minsan talaga malakas topak ni Henry lakas makapakilig kay Yana baka mamaya nyan wala nang maikilig ang babaeng yan kakapakilig ni Henry.

***

"Bakit ang tagal nyo?" Bungad sa amin ni Ai kaya naman napapoker face ako.

"Oo nga malapit lang naman ang supermarket dito di ba?" Dagdag naman ni Jullia.

"Hindi naman ganun karami ang binili." Sabat pa ni Kass.

"Sige Ai ikaw ang mamalengke tapos ibibigay namin sa inyo ang listahan tapos isama mo si Jullia at Kass para malaman nyo kung gaano kasakit sa daliri ang binubuhat namin." Dinig kong sabi ni Yana at binagsak ang mga dala nya sa mesa. "Kung ganito ba naman kalalaking plastic bags and ganito din kabigat ang dadalhin nyo ewan ko lang kung di ka magreklamo!"

"Easy lang Yan." Natatawa namang sabi ni Jullia.

"Kayo kasi kung ano ano pinagsasabi nyo." Singit ni Min at tinanggal na sa plastic bag ang mga laman nito.

Nang mailabas na namin lahat ng mga pinamili namin ay agad na rin naman nag asikaso ang mga nasa food committee at tumulong na lang din kami.

"Sino ba magluluto?" I asked.

"Si Jullia, Kass, Bridiet at Min ang magluluto sila Robert, Kimberly, Morls at Lari ang maggagayat." Sagot naman ni Ai sa akin and I nod.

***

Six na ng gabi kami natapos magluto at six na rin kami natapos magdecorate ng dorm namin. Inimbitahan din namin ang Class ni Marvin and they gladly accept our invitation.

"Kami pa ba? Syempre naman." Sabi ni Senior Ashely and we laugh. "Kayo na nag imbita sa amin aayaw pa ba kami?" Nakangiti nya pang dagdag.

"Right dahil ang ayaw mo lang naman ay gumastos tayo since wala nang natira sa money natin."

"Rian!" Sigaw ng iba.

Natawa naman kami sa mgapinagsasabi nila. Hindi lang pala mga maloko ang mga ito game din sila sa mga trip naming mas bata sa kanila. Nalaman din namin na hindi pala sila naiinggit sa amin dahil iba naman daw ang reason namin sa pagreresearch at isa pa iba din naman daw ang research nila malayong malayo sa amin.

Nagsimula na ang asaran namin na may kasamang kantahan at sayawan, may iilan din naman na naglabas ng red wine na dumaan kay kuya Jared kaya naman may iilan na nahihilo hilo na.

Nakarinig kami ng katok at napatigil ang lahat ng makita namin kung sino ang kumatok.

"Kuya Jared." Sabi ko at napanganga naman kami.

"So mag cecelebrate kayo ng hindi man lang ako iniimbita?" taas kilay na tanong ni kuya Jared pero halata naman na nagbibiro lang sya.

"Busy ka kasing tao kuya." Sabi ni Yana at ngumiti kay kuya at napanganga naman ang classmates namin kahit ang classmates ni Marvin.

"Right and akala talaga namin na busy ka so we don't bother to ask you." Natatawa naman na sabi ni Min.

"Come in kuya sali ka na sa amin." Dagdag pa ni Kass.

Kahit naman gulat na gulat ang lahat kung paano kami makipag usap kay kuya Jared nakarecover pa rin naman sila kaya napangiti naman ako.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon