💉 MA 3 : Chapter thirty five - Sanctuary stronghold

6.4K 257 7
                                    

Sorry kung natagalan ang pag update mag dodouble na lang ako ngayon.

Enjoy reading Minters!!!

Nakikita na namin ang gate ng sanctuary at alam ko naman na nakikita na rin nila kami. Nakita ko rin na ang mga bantay doon sa taas ay may mga nakatutok sa dereksyon namin, mga baril. Pero dahil na rin sa bandera namin na nakalagay ay Hope Traders ay agad din naman nilang binaba.

Nang makarating kami sa bukana ng Sanctuary ay agad din naman kaming pinapasok pero hindi totally sa loob ng residence nila kundi sa loob lang ng wall nila.

"Hello Hope's trader." Magalang na sabi sa amin ng isang babae. "I am Gwen the deputy general of this stronghold. I'm sorry in behalf of our general he cannot welcome you for today due to some matters inside this wall."

I smiled at pinakiramdaman ko naman kung mabait sya. "Hello Gwen, I'm Akesia the leader of this group." Nakita ko naman ang pagtataka sa mukha nya. "We don't have boys around us because they take a different route."

And she nod. "Ow okay. Would you all like to have a lunch with us in our cafeteria?"

Umiling naman ako. "No, thank you. We have our own food and it is inappropriate if we add our mouth."

Naramdaman ko naman na parang natuwa sya sa sinabi ko. Kaya lang naman hindi ako pumayag dahil ramdam ko naman na kinukulang sila sa pagkain ngayon at hindi sapat ito para sa darating na winter.

"After lunch we will do our trade and after that we will leave."

"You will leave so soon?"

I nod. "Yes, we have too. We still have a lot of things to do and this is just our second priority."

"And the first one is?"

I look at my friend. "Confidential. It should not know by everyone. It's not yet started anyway."

Naramdaman ko naman ang pagka-disappointed nya. "Hmm, okay. I'll call general and the other commander to let them know that your group had arrive in our territory."

I smiled once again. "Okay, thank you."

Nang umalis na ang deputy general ay agad naman na dumami ang tao sa lugar kung nasaan kami at halata naman na nag aabang sila sa itetrade namin. Tumalikod ako sa mga tao at pumunta sa mga kaibigan ko.

"Anong sa tingin nyo sa lugar na ito?" Tanong ko sa kanila at ilan naman sa kanila napabuntong hininga.

"Wala akong masabi sa lugar na ito. Okay naman ang pagdidisiplina nila kaya lang parang may kulang pa rin."

"Tama si Min. Hindi lang iyon ang napansin ko parang ang papayat din nila. Maliban doon sa deputy general na parang may mga taba taba pa." -Yana.

"Hindi kaya nang aabuso sila?"

I nod. "May point ka naman jan, Kass." Saka kami naglakad papalapit kay Aira at Sunshine na hindi naman gaanong lumapit sa amin, nasa may sasakyan lang sila para magbantay. "Hindi naman sila papayat ng ganyan kung hindi sila nagkulang sa pagkain at isa pa naramdaman ko rin na di na sasakto sa winter ang pagkain na meron sila dito."

"Kumusta? Sino yung babaeng yun?" Agad naman na tanong ni Aira sa amin nang makalapit kami.

"Deputy General." Sagot ni Jullia na halatang wala sa mood. "Pero di ko talaga trip ang babaeng yun." At saka sya sumimangot.

"Alam nyo di ko alam kung totoo ang naramdaman ko pero mabait naman si Gwen. Medyo may something lang." Kumunot naman ang noo nila. "What I mean is may konting regret syang nararamdaman at pag sisisi. Tara na nga sa loob iready nyo na ang kailangan natin. Walang magpapatrade ng malalaking bagay. Damit at pagkain lang ang ibibigay natin sa kanila. Maliwanag?"

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon