💉 MA 3: Chapter twenty seven - Decieve

6.4K 265 11
                                    

Yana tried to calm Aira down dahil baka magising si Sunshine at mukhang may nangyari dahil takot na takot si Sunshine nang makarating kami.

Ang boys ay dumeretso sa kanilang truck at tiningnan ko nanan si Aira.

"Anong nangyari?"

"Kesh! Alis na tayo dito! Alis na tayo! Ayoko na maulit ulit ang nangyari kanina kay Shine!"

"Ai calm down at ikwento mo sa amin ang nangyari." Sabi ni Yana at saka ako umupo sa harap nya.

"Kesh." Umiiyak na sabi ni Aira at napakunot ako nang makita ang gilid ng tenga nya.

"Ai, anong nangyari sa gilid ng tenga mo?" Takang tanong naman ni Min at agad kumuha ng first aid kit.

"Si John ang may gawa nito." Nagulat naman kami sa sinabi nya. "Busy ako sa pag momonitor sa paligid ng pharmacy tapos nakita ko sa lense ng laptop na meron ako na may hawak si John na bato. Bago pa man ako makaiwas ay naihataw na nya to sa ulo ko. Buti na lang hindi ganun kalakas kaya agad din naman napabalik sa ulirat ang ulo ko."

Nakita ko kung paano napayukom ang kamay ni Jullia at Kass na halatang kulang na lang papatay na sila.

"Sabi na nga ba hindi talaga sila mapagkakatiwalaan!" Galit na sabi ni Kass at hindi kami nagcomment sa sinabi nya.

Totoo hindi naman talaga namin sila pinagkakatiwalaan lalo pa noong umalis kamo sa Hope Stronghold.

"Eh anong nangyari kay Shine? Bakit sya umiiyak?" Hinintay lang namin si Ai na sagutin ang tanong ni Jullia.

"Can you believe it Kesh?! Hindi nya talaga pamangkin si Shine! Kapitbahay lang ni Tom si Shine at sabi ni Shine sya ang isang kasama ni Shine noon sa storage hanggang sa sya na lang ang matira! Iniwan nya si Shine doon!"

Nanlaki naman ang mga mata namin. "Paano nangyari yun?" Hindi makapaniwala kong sabi. "Paano mo to nalaman, Ai?" Dagdag ko pa.

"Galit na sinabi sa akin yan ni John kanina Kesh! At biruin mo yun tinangka nya pang galawin si Shine sa harap ko Kesh." Nakita ko naman ang panginginig ni Ai habang inaalala iyon.

At kahit naman kami na hindi nakakita nanginginig hindi sa takot kundi dahil sa galit.

"Ano? Bakit naman nya gagawin yun?!"

"Hindi ko alam Yan. Hindi ko alam basta ang naramdaman ko na lang gumalaw ang sarili kong katawan at nagmaterialize ang baril ko saka ko sya binaril sa binti. Gaganti sila Kesh!" Bulalas naman ni Ai.

Huminga ako ng malalim at napahilot sa sintido ng ulo ko. Goodness hindi ko alam na ganito pala kabulok ang pagkatao ng mga lalaking yun. May pagusto gusto pa sila but the fact is may masama naman talaga silang balak.

Yes, hindi lang naman dahil kila Marvin kaya ko sila pinalayo dahil alam at ramdam ko na may masama silang binabalak sa amin. Pero hindi ko naman alam na ganito pala ito kasama!

"Ano nang plano natin?" Tanong ni Min sa akin.

"Hindi naman natin sila pwedeng palagpasin na lang sa hinawa nila kay Ai at kay Shine. I mean hindi naman pwedeng ipawalang bahala natin to." Inis na sabi ni Jullia.

"Tama si Jullia, Kesh. Hindi ko kayang walang gawin laban sa kanila. Ang bata bata pa ni Shine para makaranas ng ganito." Dagdag naman ni Kass.

"Sino ba nagsabi na wala tayong gagawin?" Tanong ko at napangisi naman sila. "Min alam ko na nag uusap usap sila ngayon sa truck nila dahil wala pa dito si Darius at John for sure nagsasalita sila ng kung ano ano."

"Your point Kesh?"

"Gusto ko gamitin mo ang hangin para marinig natin ang pinag uusapan nila."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon