💉 MA 3: Chapter thirty - Pent house

6.4K 262 8
                                    

Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng pent house at nang makita namin na iisa lang ang undead dito ay agad din naman syang pinalutang ni Jullia at hinahis sa baba. Halos mapasigaw pa nga si Sunshine sa ginawa ni Jullia pero pinaliwanagan na rin naman namin sya.

This penthouse has two rooms kaya naman nag puti-itim kami ng kamay kung sino ang magkakasama sa kwarto.

Ako, si Jullia at so Min ang magkakasama. Si Aira, Yana, Kass at Sunshine naman sa kabilang grupo. Panay reklamo pero nakuha naman nila ang pinaka malaking room sa penthouse kaya no worries na sa kanipa.

"Ano nang balak natin sa van natin?" Tanong ni Min sa akin.

"Ah right." Sabi ko at saka sumigaw. "JULLIA."

"Yes mam?"

Napailing na lang ako. "Malaki ang space sa gilid ng pool and for sure kasya jan ang mini van natin. Pwede mo bang ilift ang van natin?"

She nod. "No problem."

"Min help her."

"Sure."

"Aira take Sunshine into her room."

"Sure." Tapos tumingin sya kay

Nakatingin lang ako kung paano iangat ni Min at Jullia ang van namin na hanggang ngayon ay naka-invisible pa rin. Ang mga gumawa lang ng invisible pills ang makakakita sa mga bagay o tao na gumamit ng pills. Isa ito sa ginawa naming upgrade para hindi kami mapahamak.

"Napatulog ko na si Sunshine." Napatingin naman ako kay Aira.

"Wala bang mga undead sa kwarto?" Umiling naman sya.

"Nasaan na pala si Kass?" Napalingon naman sya sa paligid.

"Nasa bubungan tinatry nya kung maaayos ba nya ang communication device dito at pati na rin ang electricity."

"Paano sya nakaakyat?" Takang tanong naman ni Aira at inuro ko si Jullia. "Ow, I get it." May patango tango pa syang nalalaman. "Titingnan ko muna ang kusina para makapagluto na ako mahirap na baka magkasakit pa tayo pag puro junk foods ang kinain natin."

"Sure."

Nang maiayos na nila Jullia at Min ang van namin ay agad din naman namin na dine-activate ang paggiging invisible nito.

"JULLIA?" napatingin naman kami sa bubong.

"Mukha ba akong tagabuhat?" Natawa naman kami at binaba nya na si Kass.

Pinagpag naman ni Kass ang kamay nya saka sya nagsalita sa amin. "Pasensya na pero hindi ko naayos ang communication device ng lugar na ito at hindi din tayo makakapanod ng kung ano dahil sa nakashutdown lahat ng channel company."

"Nakashutdown?"

"Oo Yan. Dahil sa nangyari dito hindi na nagawa pang isupport ng mga channel company ang pagprovide ng Channel sa buong lugar. Isa pa sino ba namang timang ang magpapaiwan sa trabaho para lang sa pag provide ng channel eh nagkakagulo na sa labas."

"Eh ano na ang nagawa mo?"

"Eto naman si Min masyadong excited." Natatawang sabi ni Kass. "Naayos ko ang breaker at ang kuryente ng penthouse. Nalaman ko na hindi pala ito connected sa hotel na nasa baba nito."

"So safe tayo?" Takang tanong naman ni Jullia.

"Safe tayo sa mga lamok but since hindi tayo pwedeng gumamit ng ilaw dahil sa mga night dead at mga runner na malinaw ang mata eh need pa rin natin na mag ingat."

Hindi ako nagsalita at pumunta na lang sa loob at naghanap ng makakapal na tela na pwede naming gamitin.

"Anong hinahanap mo?" Napatingin ako sa likod ko at nakita ko naman si Aira na naka apron.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon