💉 MA 3 : Chapter forty seven - The brave

6.8K 241 8
                                    

Unedited...

Twelve hours na at medyo nakikita naman namin ang improvement ni Jullia. Hindi na sya hirap magsalita pero nandoon pa rin ang hindi sya makatayo.

"Ano ba namang mukha yan sister in law?" Nakangisi nyang sabi habang pinapalutang ang isang sofa.

"Ay naku Jullia kung alam mo lang." Sinamaan ko naman ng tingin si Yana at napahagikhik naman si Min.

"Bakit anong nangyari?" At saka nya binaba ang sofa. Siningkitan naman nya ako ng tingin. "Don't tell me sinisisi mo na naman sarili mo."

Umirap naman ako at tumawa si Yana at Min saka sabay nilang sinabi na... "Tumpak!"

Naiiling naman na nagsalita si Kass. "Minsan talaga Kesh para kang ewan."

"Hindi ko rin naman masisisi kung sisisihin mo ang sarili mo." Mahina na sabi ni Jullia at lumutang ako palapit sa kanya saka ako umupo sa tabi nya. "Pero hindi mo naman kailangan sisihin ang sarili mo sa lahat ng masasamang nangyari sa amin. Sa lugar kung nasaan tayo ngayon it's really given to us na masaktan tayo. We just have to be brave for this fact."

"Tama si Jullia. Hindi naman lahat ng galaw namin eh dahil sayo kaya huwag mo sisihin ang sarili mo." Kass added.

"Right. So don't worry." Min commented.

"Basta Kesh nandito lang kami hindi mo kailangan na sarilinin ang lahat. You can talk to us at hindi naman masama maging mahina ng maraming beses." Dagdag pa ni Yana na sinang-ayunan naman ng lahat. "Hindi ka naman robot para walang maramdaman."

Robot.

Right. Speaking of robot. Kumusta na kaya sila papa at kuya? Nagtagumpay kaya sila sa pagkuha sa bangkay ni mama?

"Okay lang ako Kesia. Pwede ka na magpahinga nandito naman sila Yana para bantayan ako."

"Oo nga di ka naman natulog ng mahimbing kanina eh." -Yana.

"Tama. Para ka ngang binabangungot." -Min.

"Sa dami ba naman ng nangyayari sino ba ang hindi babangungutin?" Naiiling na sabi naman ni Kass. "Pero tama si Jullia magpahinga ka na muna. Tabihan mo na lang muna ang mga bata doon habang nangluluto si Aira ng tanghalian natin."

***

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid. Gaya ng dati wala akong undead na maramdaman pero dama ko na may lawa na malapit sa amin. Hindi ganun kalayo. Umayos ako ng upo sa driver's seat at saka ko pinaandar ang bus.

"Akala ko ba magpapahinga ka?" Sigurado akong nakataas ang kilay ni Kass habang sinasabi nya iyan.

"Nakapagpahinga na ako."

"Sinong niloko mo? Sampung minuto ka pa lang lumabas sa quarantine room, Kesh. Hindi ako tanga."

"Wala naman akong sinabing tanga ka Kass." Tumingin naman ako sa kanya at saka ko binalik sa daan ang tingin ko. "And really? Okay lang ako promise."

"Saan ang punta natin?" Tanong ni Yana na kararating lang sa diver's division.

"Hindi ko alam dito sa babaeng 'to bigla bigla na lang nagpapaandar ng bus." Sabi naman ni Kass at tinuro ako.

"May naramdaman ako na malapit na lawa dito sa atin. Hindi naman nagbago ang direction kaya doon na lang tayo at isa pa mas okay kung sa lawa tayo malapit para hindi masyado mahirapan."

"Wait... Wait..." Napatingin ako saglit kay Yana na katabi ni Kass. "Don't tell me..."

"Yes. Balak kong gawing boat itong bus natin para naman iwas undead tayo." I confirmed their speculation.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon