💉 MA 3 : Chapter sixty three - Saved

6K 273 18
                                    

Enjoy reading Minters

****

May mini celebration kami dahil sa successful ang nagawa ni Kass at talaga nga naman oo masyado silang masaya kaya naman hinayaan ko na lang sila. Minsan lang naman sila magsaya hindi ba? Bakit ko pa pipigilan?

Pumunta ako sa deck at saka pumikit at doon naramdaman ko na may nakatingin sa akin... Sa ship namin. Pasimple akong huminga ng malalim at saka ko inilibot ang tingin ko at pinakiramdaman kung nasaan ang nagmamasid.

I know nakatago lang sya somewhere.

"Hoy!"

"Ay palaka!"

Napahawak naman ako sa dibdib ko dahil sa panggugulat ni Jullia sa akin habang sya naman halos mamatay na kakatawa. Ano bang nangyari sa babaeng to parang ewan lang eh pilit tinatago ang kalungkutan, parehas lang sila ni Kass.

"Oh." At binigay nya sakin ang isang black forest cake. "Sabi ni Aira hindi ka pa daw nakakakain ng cake na gawa nya kaya ayan pinabigay nya muntik na kasi maubos nila Phia yung cake."

Natawa naman ako at kinuha ito. "Sana binigay nyo na lang sa mga bata."

"Masyado na silang maraming nakain na matatamis tama na daw iyon sabi nila Grandpa Roberto."

Napanod naman ako. "Okay."

"So." Sabi nya at umupo sa tabi ko. "Sino hinahanap mo?"

Ngumiti naman ako. Napansin nya pala? Yung taong yun kasi parang hindi. "May nagmamasid kasi sa atin. Lima lang naman sila at mukhang hindi din naman harmful."

"Mukha lang. Sis in law naman alam mo naman-"

"I know alam ko na hindi na tayo basta basta pa magtiwala pero totoo ang nararamdaman ko. Totoong hindi sila masama." Natahimik naman sya at tumingin ako kay Jullia. "Pinag aralan ko ang ability ko habang nakaratay ako Jullia kaya alam ko na."

Umirap naman ito. "Kahit kelan ka talaga no? Di ka talaga papatalo no?" Naiiling nitong sabi. "Nagshutdown na nga lahat lahat yang katawan mo eh nagawa mo pang i-explore yang ability mo. Ibang klase ka talaga leader!"

Napangisi naman ako. "Ako pa ba?"

Natawa naman sya. "Ang hangin ah."

Napangiti naman ako at tumingin sa harapan namin. "Aalis na tayo ngayon."

"Iiwan natin yun?" Takang tanong nya and I nod. "Bakit?"

"Mahirap na eh. Tara? Ako magdadrive papalit ka."

She smirk. "I love that idea."

***

Halos isang oras na kami naglalayag at papagabi na rin ngayon kaya naman mahina lang ang pagpapatakbo ni Jullia. Gaya nga ng sinabi ko kanina sya ang pumalit sakin sa pagpapatakbo ng ship, hindi naman sa pagmamayabang pero mas safe talaga ako magdrive sa kanila.

"Auto pilot mo na lang muna yan Julls."

Nagpout naman si Jullia. "Sis in law naman eh alam mo naman na gus-"

"Sige na para makapagpahinga ka na. Gusto mo magaya sakin?"

"Ay grabe sya iyan na panakot mo sakin?"

Nagkibit balikat ako. "Hindi ako nananakot nagsasabi lang."

Mag isa na lang ako sa captain room kaya naman naupo ako sa isa sa mga rocking chair na nasa loob at saka pumikit. I need to feel his presence but still no luck. Wala hindi ko na sya mahanap eh.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon