💉 MA 3 : Chapter eighty five - A brand new day

8.8K 323 107
                                    

Nararamdaman man ni Akesia ang lahat ng nangyayari sa paligid nya ngunit hindi naman nya alam kung paano niya mabibigyan ng babala ang mga kaibigan nya. Hindi nya magamit ang pagbibigay ng signal niya sa mga kaibigan nya simula noong nangyaring iyon.

Alam na din naman nya na nasa okay na na pag-iisip sila Marvin at Henry, those two are always visiting her and always hoping for her forgiveness lalong lalo na si Marvin pero wala syang magawa kundi ang makinig at makiramdam lang. Kakaiba ang nangyari sa katawan nya, feeling nya nawalan sya ng kakayahan magbigay ng feelings sa iba as a signal.

‘Come on Akesia, bumangon ka na mula sa pagkakahiga mo masyado na nag aalala ang mga kaibigan mo. Lalong lalo na ang love of your life na halos hindi na alagaan ang sarili nya.’

Kahit na buo na ang desisyon ni Akesia na pansamantala na manghingi muna ng space sa pagitan nila ni Marvin ay hindi nya pa rin maitatanggi na masaya siya. Masaya sya dahil sa wakas at bumalik na ito sa dati at sa wakas alam na rin nya ang totoong nangyari.

‘Okay kailangan ko ulit subukan.’ sambit niya sa sarili niya.

Sinubukan ni Akesia na pagalawin ang katawan nya kahit na ramdam naman nya na nanghihina ito at wala syang sapat na lakas pero kailangan. Kailangan nya nang imulat ang mga mata nya, kailangan na nyang magsagawa ng mga research patungkol sa black mist sa paligid nila, pati na rin sa pagiging agrisibo ng mga lobo at higit sa lahat kung sino ang lalaking iyon, ang lalaking nagbigay sa kanya ng kakaibang kaba.

"Oh my gosh! Akesia!" Dinig agad ni Akesia nang maimulat niya abg kanyang mga mata.

Nanlalabo pa ang kaniyang mata at ina-adjust nya ito dahil sa ilaw sa paligid nya subalit alam naman niya kung sino iyon, si Jullia. Ang babaeng laging kumakausap sa kanya kung paano nya papahirapan ang magaling nyang kuya, mga suggestion na out of the world na kahit gustuhin man nyang matawa ay hindi nya magawa.

Kaagad din naman naramdaman ni Akesia ang presensya ng mga kaibigan nya pati na rin ng lalaking mahal na mahal nya. Hindi lang iyon pati na rin ang presensya ng tatlong bata ay naramdaman nya at ang presensya ng mga matatanda. Malabo ang kanyang paningin at tanging pandama pa lang nya ang kaya nyang paganahin ng buo pati na rin ang pandinig nya.

"Akesia, if you can hear me move your right index finger." Dinig nyang sambit ni Lolo Jeo.

Nanghihina man at wala pa talagang lakas ay ginawa nya ang sinasabi ng kanyang lolo Jeo at naramdaman nya naman ang pagkaluwag ng pakiramdam ng mga kaibigan nya. Iyong iba naman ay nagsilabasan na para mabigyan siya ng space at makahinga ng maayos.

"Marvin, hijo, you have to take care of her to have a better recovery."

"Yes, lolo Jeo."

"It's a good sign to have her back. Let's just wait for her to recover her strength."

"Yes."

***

Naramdaman ko naman na iisang tao na lang ang kasama ko sa loob ng kwartong ito at hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan talaga ako tapos para pa akong matatae!

Jusmiyo ito ang nararamdaman ko noon noong una ko pa lang nakita ang lalaking ito. Sabi na nga ba eh hindi talaga maganda na nakipagrelasyon ako kay Marvin paano ba naman kasi parang nakakamatay ang kaba na nararamdaman ko kahit na wala pa naman akong ginagawang masama!

"Finally, gising ka na." Kahit hindi ko man sya makita ng maayos ay pilit ko pa rin naman in-adjust ang paningin ko pero malabo talaga. "Huwag mo na pilitin kung ayaw pa rin naman talaga bumalik ng paningin mo. You've been sleeping for almost sixty nine hours."

Sixty nine hours? My gosh! Mahigit two days and a half ako nakatulog?

"Hindi ko talaga alam kung ano pumasok sa isip mo kung bakit mo ginawa yun. I can't control my body that time but when I saw you having a hard time to breath feeling ko mamatay ako." Lumabot naman ang puso ko dahil sa sinabi nya at naramdaman ko naman ang paghawak nya sa kanang kamay ko. "I'm sorry for being a jerk that time Kesia. Hindi ko talaga gustong gawin lahat ng iyon, lahat ng sinabi ko alam mong hindi totoo iyon but still I hurt you. Hindi na ako magtataka kung totohanin mo ang sinabi ni Jullia."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon