💉 MA 3 : Chapter ninety seven - Escape

6K 249 28
                                    

"What the heck? Ano nangyari dito?" Pabulong na tanong ni Yana.

Walang nakasagot, malamang wala sa amin ang may isang alam pero isa lang ang nasisigurado ko na "May naatake dito." I told them. "Bilisan na natin. Lahat ng pwedeng makuhang seeds kunin nyo. Mapa-gulay man o puno."

"Bulaklak?" Tanong ni Min habang hawak ang isang paso.

"Basta hiwa-hiwalayin nyo ng lagayan. Sa isang paradox bag ang mga gulay, sa isa ang mga puno at sa isa mga bulaklak." Tumango naman sila sa sinabi ko.

"Ilang shop ba ang papasukin natin dito?" Tanong naman ni Jullia. "Mukhang hindi nakakalabas lagi lagi ang mga tao sa underground." Dagdag pa nya.

"Halata naman na hindi nakakalabas lagi dahil sa takot nila sa mga undead and pagdating naman sa shop na papasukin natin sabi ni Aira at Kass lima ang garden shop dito tapos may dalawang pharmacy tayong papasukin at kailangan natin kunin lahat ng kailangan doon." I told them.

Wala pang thirty minutes at nakuha na namin ang lahat ng kailangan namin sa shop na ito saka kami nag-ready na umalis. I scan the sorroundings and look for something that might give us a danger. We can't use our invisible pills right now since malapit na itong maubos and some of the ingredients that needed are not here at ang iba naman ay kulang sa kailangan.

Hindi ko rin naman pwede gamitin ang ability ko na makapag-control ng dugo ng tao kung sakali dahil baka may makakita at malaman pa ng iba mas lalo pa kaming magiging mapanganib.

"What are you thinking, sis in law?"

I look at Jullia and I sigh. "Well, you see guys, kailangan natin na magalakad lang walang gamit na invisible pills." They nod. "Iniisip ko lang naman na mas mahihirapan tayo."

"May makakapigil pa ba sa atin?" Yana absentmindedly asked.

Syempre umiling ako. "Wala."

Nang masiguro na namin na wala nang makukuha at hindi kami mapapahamak sa paglabas kaya nagpatuloy na kami. Para kaming mga naglalaro ng tagu-taguan kapag may nakikita kami or naririnig na undead at after that hindi lang undead ang kailangan namin tingnan pati na rin ang mga humahabol sa amin.

*

"We already took everything we can." Dinig kong banggit ni Jullia. "Pwede na ba natin tingnan kung ano ba talaga nangyari dito?" She added.


Huminga ako ng malalim at tiningnan ko ang paligid saka ako at saka nag analyze. "Sa tingin ko may nakitang taga underground ang mga humahabol sa atin and para makatakas ginamit ng mga taga underground ang mga undead." 

Taas kilay naman nila akong tiningnan. "Paano mo nasabi?" Yana asked.

"Alam naman natin na hindi din ordinaryo ang mga nasa underground. Hindi man sila kagaya natin pero mas matagal ang exposure nila sa mga undead and for sure alam na nila ang dapat nilang gawin once na makasalamuha nila ang mga ito."

"May point ka pero bakit sila hinabol ng mga nahabol sa atin?" Min asked.

"Easy as pie, syempre dahil akala nila na kasamahan natin sila. Alam mo na iba na talaga ang yah know." With matching marteng boses pa tong si Jullia.

Huminga na lang ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid kaya naman napakunot ang noo ko ng may maramdaman akong papalapit sa amin. Hindi ito mga kalaban pero taga dito ito- taga underground.

"You all are still here?" Tanong ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang tarayan kami, Chi.

"Well, eto na paalis na." -Min.

"What?" -Chi.

"Ayoko na mag english dinudugo na ang ilong ko. Kung hindi mo ako naiintindihan hindi ko na kasalanan iyon. Matagal na ako nagtitimpi sa ugali mo ah palibhasa kasi pangit ka! Isa kang malaking salot!" -Min

"What the heck are you talking about? I don't understand! Are you slandering me?"

"Slandering you? Heck I care about you! Why would I?"

"Then why are you talking in the language I don't- We don't understand?"

"It's not my problem anymore."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon