💉 MA 3 : Chapter seventy one - A war

5.9K 294 60
                                    

"Please!" Inis na bigkas ko ng tawagin ako ni Marvin. "Just rest!"

"Don't shout at him!"

"Why do you care?! Stop acting like his girlfriend you damn snake!" Inis kong sabi at nagulat naman ang dalawa, Henry and Marvin, dahil sa inasal ko.

Sino nga ba ang hindi magugulat kung ang pagkakakilala nila sakin ay hindi marunobg magmura at magsalita ng masasakit tapos ngayon eto. Sino ba naman kasi ang hindi mababanas sa mga nakikita ko? Ikaw ang girlfriend and your boyfriend acted like as if you're not his girlfriend. Nakakatanga di ba?

"Ke-"

"Shut up." Sinamaan ko naman ng tingin si Marvin and nag nod lang sya.

Dahil okay na ang lagay ni Marvin ay nagmadali na rin kaming umalis sa Walmart, balak ko pa sana na pumunta sa katabing mall pero panira lang ang mga kasama namin. Okay na sana kung si Marvin, Henry at yung tatlong lalaki lang ang nakita namin eh pero hindi dahil may dalawang ahas.

Alam kong ramdam nila na wala ako sa mood makipag usap kaya naman natahimik na lang sila at hindi na lang nagsalita. Sa dinaanan namin kanina doon pa rin naman kami dumaan pero this time hindi na kami naglambitin pa sa puno at naglakad na lang kami sa gubat.

"Nakalayo na tayo doon sa mga papalapit sa atin kanina." Dinig kong sabi ni Kass pero hindi ako nagsalita. "This time may mga undead naman tayo na makikita."

"Oh my gosh. Marvin I'm scared."

"Gosh! Henry! Please protect me."

Halos madurog naman ang ngipin ko sa sobrang pagtiim ng bagang ko at halos bumaon din ang mga kuko ko sa palad ko dahil sa sobrang pagkakayukom ng kamao ko. Gusto ata ng mga babaeng to makatikim sa akin ng hindi oras eh.

Oh wait, I have an idea. And I smiled na nakita naman nila at naramdaman ko naman ang takot sa kanila. Except doon sa dalawang babaeng malakas mang asar at nakahawak pa sa braso ni Henry at Marvin.

"Ahm, sis in law?"

Lumingon ako kay Jullia at ngumiti. "Yes?"

Nakita ko naman na napangiti sya. "I... I don't like that smile ah! Stop creeping me out."

Hindi ko pa rin inalis ang ngiti ko at saka ko sinabi na "Anong creeping you out? Wala ka namang ginagawa bakit ka matatakot? Huh?"

"Ewan ko ba! Sabi na eh hindi talaga maganda na ginagalit sya!" Inis na sambit naman ni Min. "At kasalanan nyo to!" Dagdag nya pa at nakita ko ko naman na dinuro nya ang apat.

"Bakit kami?" Gulat na tanong ni Marvin.

"Oh my gulay Senior! Asan na utak mo?" Naiinis na sambit Kass na ikinagulat din ng dalawang babae.

"Goodness kuya! Rumupok na rin ba ang utak mo? Naging kagaya na rin ba sa mga undead na nandito sa isla?" Di makapaniwalang dinig ko pa na sinabi ni Jullia. "Whatever." I know na umirap ito. "You." Dinig kong sambit pa nito. "Stay away from my brother!"

"What if I don't?"

"Then be ready. Hindi ko na or namin kasalanan kung ma-torture ka pa." Babala naman ni Min.

"Kass?" Natahimik naman sila ng magsalita ako.

"Yes, Kesh?"

"Malapit na ba tayo sa mga undead?"

"Oo."

"Good. Be ready."

"Okay!" Sabay na sabi ni Jullia, Kass at Min.

Narinig ko pa na nagtanong si Marvin kung anong gagawin namin pero napalatak na lang si Marvin nang marinig nya si Henry sa gagawin namin.

"Shit! Kesia! Delikado."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon