💉 MA 3 : Chapter sixty two - Unexpected

6.5K 439 39
                                    

Dahil magaling kayo eto na!

2nd update for today!


ENJOY READING MINTERS!!

***

Akesia's POV

Halos magpanic naman ang mga kaibigan ko sa nalaman namin. Paano ba naman kasing hindi magpapanic ang mga ito eh nagkahiwa hiwalay sila Marvin.

Si Marvin, Henry at ang iba pa nilang di namin kilala magkakasama pero di Mark at Julius hindi nila kasama kaya naman nag aalala kami baka may nangyari na namang hindi maganda. Napatingin ako kay Kass at nakita ko naman ang pag aalala sa mukha nya.

"Oh my goodness! Mark baby please be safe." Bulong nya at napahawak naman sya sa dibdib nya. "Papahinga muna ako maya maya pupuntahan ko na si Leo."

Nagkatinginan kaming magkakaibigan at sabay sabay na napabuntong hininga.

"Kahit kailan talaga iyang si Kass mas gustong sinosolo ang pag aalala nya." Naiiling na sabi ni Yana.

"Right. Alam naman natin na sobra talaga yang nag aalala si Kass pagdating kay Mark kahit na palagi silang nag aaway." Dagdag naman ni Min na sinang-ayunan namin.

"Hindi naman natin sya masisisi." Napatingin naman kami kay Jullia. "Kung ako nga na idine-deny ko pa lang ang feelings ko kay Ruzzel eh nasaktan na ako sa nangyayari sa kanya lalo pa kaya iyang si Kass." She added.

"So aminado ka na ngayon." I said and she smirk.

"Yeah. Wala naman akong mapapala kung idedeny ko." And she smiled. "I hope they're okay."

I nod and I took off my dextrose. "I have to move na ayaw ko na nang nakahiga masakit na sa likod at leeg. I need to walk." Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Ngayon alam mo na kung anong mangyayari sa katawan mo kapag nasobrahan ka sa trabaho." Sabi naman ng isang boses na kakapasok lang sa kwarto. "Sa susunod naman kasi huwag lang kami ang pagpahingahin mo pati na rin yang katawan mo." She added.

"Tama si Ai. Sa susunod talaga babatukan na kita once na hindi ka makinig sa amin. Di bali nang mapagalitan ako ni kuya sa pambabatok sayo basta magpahinga ka lang." Mataray namang sabi ni Jullia kaya napataas ang kanang kilay ko.

"Seryoso?"

"I'm damn serious, sister in law." And she smirk. "Oh sya tumayo ka na jan at maligo ka na muna nangangamoy ka na eh."

Umirap naman ako sa sinabi ni Jullia at saka nagsalita. "Excuse me lang ah shine always cleaned my body and si Aira naman ang taga palit ko ng damit so how come na nangangamoy ako? And fyi, hindi ako nangangamoy."

Natawa naman sila sa sinabi ko. Glad to be back. At least kahit papaano ay mas gumaan ang pakiramdam ko at may nakakausap na ako, as in literal nankausap hindi yung magsesend pa ako ng feelings at ide-decode naman ng gamit ni Kass. Ang hirap kaya nun.

"Oh sya tama na sige na maliligo na ako kahit hindi naman talaga ako nangangamoy."

"Right. Also kailangan mo na magmadali yung estudyante mo naghihintay." Sabat naman ni Yana.

"Oo nga, si Phia di mapakali sa kakatanong eh." Dagdag naman ni Min and I nod.

Nang makaalis sila sa quarantine room ay agad naman akong naligo gaya ng sabi nila. Namiss ko makipagkulitan sa kanila lalo na sa mga bata na nandito. Si Phia and Shine parehas sila nang pinag aaralan samantalang si Ordle mas gusto nyang pag aralan ang mga technology kaya si Kass at Aira ang lagi nangtuturo sa kanya at paminsan minsan tinuturuan ko rin sa physics at chemistry.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon