💉 MA 3 : Chapter seventy six - It's real

6.3K 281 34
                                    

100K READS MINT ACADEMY BOOK 3: THE WORLD OF THE RED AND HAPPY 15K FOLLOWERS TO ME!!

IT'S A CELEBRATION!
ENJOY READING!!!
🎉🎉🎉

*****

Dahil sa nangyari sa likod ng kanang palad ko ay napasali na rin tuloy ako sa pinag aaralan nila Jullia, Yana at Min. Hinri ko alam kung matutuwa ba ako or what paano ba naman kasi nag aalala din ang mga gaga.

Oo, alam ko, normal lang talaga sa kanila ang mag alala dahil kaibigan ko sila at totoo sila sa akin pero minsan kasi OA na alam nyo yun? But still I am so grateful na nagkaroon ako ng kaibigan na kagaya nila.

"Guys!" Napatingin kami kay Aira na bigla na lang sumigaw. "Come here." She added.

Gaya ng sabi nya pumunta kami sa part nila ni Kass and kahit si Kass hindi na muna tumitipa sa keyboard, kahit si Ordle na nanonood sa kanila ay tutok na tutok din.

"Anong nangyayari?" I asked and then look at Orlde. "Ordle, no matter what you see or what you here ay dapat hindi makalabas sa kwartong ito, maliwanag ba?"

He nod. "Yes, I will take the responsibility if there is a leak."

I smiled. "Good boy." I said and look at the two. "So answer my question."

"May hinahanap si Josephine and I think alam na natin kung ano ang hinahanap nya. Hindi din maipagkakaila sa mga kilos nya na nagpapanic na sya."

"May bug ang damit na suot nya di ba?" Tanong ni Min at nag nod naman ang dalawa.

"Oo meron." Sagot ni Aira at nilakasan ang speaker.

"Nasaan ka na ba? Ano ba yan ang tanga mo naman Phine para mawala mo ang boteng iyon!"Nakita namin kung paano halungkatin ni Josephine ang damitan nya. "Nalintikan na talaga. Hindi talaga ito maganda. Dapat makita ko na talaga ang boteng iyon!" Totoo, tama si Kass nagpapanic na nga sya. "Shit! Malalagot ako kay Lilia nito! Iyong ahas na iyon pa man din malakas mang inis!"

"Did she call her friend a snake?" Di makapaniwalang tanong ni Jullia.

"Oh gosh mukhang alam ko na ang structure ng friendship nila." Dagdag naman ni Kass.

"Why did she call Lilia a snake?" Takang tanong ni Ordle. "Isn't she her friend?"

"Hindi natin alam Ordle. Iyan ang pinapakita nila sa atin, oo, magkaibigan sila sa paningin natin dahil iyon ang pinapakita nila pero sa mga maririnig natin I think iyon ang totoo." Mukha namang nalinawan ang bata.

Taas talaga ng understanding ng mga bata namin dito. Proud ako kung makukuha at makakapag aral sila sa academy. Sila Adrian kaya kumusta na?

Parang tumigil naman ang mundo namin sa susunod na narinig namin na sinabi ni Josephine.

"Shet! Nasaan na ang love potion na iyon? Yuhooo~ potion magpakita ka na. Hindi ka pwede makita ng mga babaeng nandito dahil for sure malalaman nila na potion ka. Nasaan ka na?" nababaliw na ata ang babaeng to, as if naman sasagot sa kanya na nasa laboratory namin ang hinahanap nya. "Saan ko ba kasi iyon naiwan?!"

"Hey." biglang dating ni Lilia at napakunot naman ito sa nakita nya. "Ano hinahanap mo?"

"Oh come on girl. Nasayo ang potion no?"

"Nakadrugs ka ba, Josephine? Hindi ba sabi mo ikaw ang magtatago nun dahil tatanga tanga ako sa paningin mo? Eh gago ka pala eh, ikaw pala itong tatanga tanga! Paano na iyan!"

"Huwag mo kong-"

"Tawaging tanga ganun? Eh ang lakas mo makatanga sa akin tapos ako bawal, ganun? Gago! Pag hindi mo iyon nakita malalagot ka sa akin!"

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon