💉 MA 3 : Chapter forty four - Radiation forest

7.4K 272 36
                                    

Unedited!!!

Meet Akesia! Sya pa rin ang pinili ko. Yung unang picture na binigay ko sya pa rin. Hahaha.

Enjoy reading Minters!!


"Sure ka na ba talaga na okay lang na pumasok talaga tayo doon?" Tanong ni Kass.

Nang makaalis na ang mga taga Sanctuary ay saka lang kami nakahinga ng maayos. Kapag kasi nanjan sila hindi kami gaano makaayos. Nang makarecover lang sila saka lang sila umalis at parang gusto nga kausapin pa kami dahil sa naramdaman ko na urge sa kanila na makausap kami. 

"Oo, bukod sa lobo na handa tayong kainin wala na akong ibang nakita pa na kakaiba." Sabi ko and nag nod naman sila. "Yun ay sa may bandang gitna pa lang wala pa talaga sa kalagitnaan. Siguro may mas malala pa sa gitna pero mas mapapadali ang pagdating natin sa tagpuan kapag dito tayo dumaan." I added.

"I agree. Hindi na rin naman natin pwede i-byahe ng sobrang layo sila Phia at Sunshine kailangan na nila magpahinga sa matinong higaan." Aira said and she put the cupcakes to our mini table.

"Okay agree din naman ako kay sis in law. Gusto ko na rin naman makita sila kuya." Nag aalalang sabi ni Jullia, nakita ko rin naman ang pagngisi nila Yana at Min.

"Si senior nga ba talaga ang pinag aalalahanan mo, ha, Jullia?" Min teased.

"Sus if I know si Ruzzel talaga ang gusto nya makita." Yanna added to the fire.

"Oy grabe kayo ah! Si kuya talaga! Alam nyo naman na wala silang dalang healing potion di ba? And besides ang dugo natin ang main ingredient nun di ang dugo ni Henry." Buweltahe ni Jullia and she pout kaya naman natawa ako.

Jullia, Jullia, Jullia. Kung siguro di ka kapatid ni Marvin baka nabuking na kita.

"Really, Jullia?" I asked at may halong hint ang pagsasalita ko na agad din naman nya nagets.

"Sis in law naman naman! Akala ko ba di mo babasahin ang nararamdaman ko?! Grabe ka sakin!"

Natawa naman ako sa sinabi nya at dahil doon mas lalo pa syang inasar nila Yana at Min na sinabatan naman ni Kassey.

"Sus kunwari ka pa pala may gusto ka pala kay Ruzzel!"

"Oy Yana wala nga akong gusto sa kanya!" Inis naman na banggit ni Jullia. "Sis in law kasi eh bakit mo ba binabasa ang nararamdaman ko?"

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Binabasa? Excuse me lang Jullia." And I laugh. "Alam mo naman na di ko binabasa ang nararamdaman nyo. Isa pa, nagbibiro lang naman ako masyado ka naman affected."

Nanlaki naman ang mga mata nya. "Fine bahala kayo jan."

Napailing na lang ako sa pag alis ni Jullia na nakabusangot pa at saka ako tumayo ako papunta sa driver's seat.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon