💉 MA 3 : Chapter eighty seven - Ruzzel

6.8K 290 36
                                    

Pasensya na kung ngayon lang nakapag update.

Enjoy Reading Minters!!!

****

"Ruzzel! Oh my goodness what happened to you?" Umiiyak na sambit ni Jullia at kahit ako hindi ko rin maiwasan hindi maiyak.

"Ney, you're hurt. Ikaw rin senior. Ano ba nangyari?" Naiiyak ding tanong ni Yana habang hawak hawak ang first aid kit at nakita ko rin naman na dala ni Min ang ilang healing potion.

Ruzzel is really in a bad condition. His limbs, arms are dislocated, his face is full of scars and new wounds. Nakakaawa sya tingnan.

"Kuya anong nangyari?" Narinig kong tanong ni Jullia kaya naman lumapit din ako sa kanila.

I heard him sigh. Pinakiramdaman ko naman ang boys and I can feel their heavy feelings and at the same time they had a wound, a new one, nakatago lang at wala din naman silang balak sabihin sa amin.

"You better give us an explanation." I told him at napatingin sila sa akin. Both Jullia and Marvin.

"Anong ibig mo sabihin?" Tanong naman ni Jullia sa akin. "Alam mo na ba ang nangyari?"

"I don't but I can feel it. Vini-visualize ko lang." At tumingin ako kay Marvin. "So what exactly happened?"

Matagal muna bago sya nakapagsalita at ramdam ko na inaalala nya ang mararamdaman ng kapatid nya but in the end sinabi nya pa rin kung ano ang nangyari.

"Nakita namin sya twenty seven kilometers away from here and he's fighting to one of the night dead and then we helped him but then he growled at us." Huminga sya ng malalim at saka umupo. "After his fight doon sa night dead may dumating naman na wolf tapos ayun doon kami nasaktan."

"What?!" Dinig naming sabat ni Yana at patingin namin ay dali-dali naman syang tumakbo papunta kay Henry. "Ney! Bakit di mo sinabi sakin na nasaktan ka?"

At hindi ko na rin naman pinakinggan ang pagtatalo ng dalawa at tumingin ako kay Marvin at nahuli ko namang nakatingin sya sakin. Oh my goodness!

"Bakit ang gwapo mo?" Gusto ko sana sabihin ang salitang yan sa kanyan kaso ayoko.

Hindi naman ako ganun karupok!

"What?" Taas kilay kong tanong at napatanggal naman ang tingin nya sakin.

"Anong sunod na nangyari kuya?" Tanong naman ni Jullia.

Sus babaeng to. Gusto nya malaman ang totoong nangyari kay Ruzzel at the same time gusto nya na tulungan ako.

"Hindi ko alam kung totoo itong kalkulasyon ko pero sa tingin ko kaya pa rin labanan ni Ruzzel ang virus sa loob nya."

Kunot noo naman akong tumingin sa kanya. "Let's talk about this later. For now we have to take care of Ruzzel." At tumingin ako kay Jullia. "You better help Yana and Min para mas mapadali ang paglapat ng gamot kay Ruzzel. Hindi ko alam kung gagana ba ang healing potion natin sa kanya dahil sa virus pero subukan nya na rin."

She nod. "Okay."

"And then after that go to the conference room."
"Okay." And she left.

Parang bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang ng maiwan kami ni Marvin na magkaharap at kaming dalawa na lang pala ang naiwan sa labas ng ship. Kaagad naman akong umiwas at tumalikod pero bago pa man ako makahakbang ay nahawakan nya na ang kanang braso ko para pigilan ako pero hindi ako lumingon sa kanya.

"Hanggang ngayon pa rin ba hindi mo ako kakausapin?" Hindi naman ako nagsalita at hindi rin naman ako tumingin sa kanya ang narinig ko na lang ay bumuntong hininga sya. "Okay, alam ko na kahit na itanggi mo sa akin na hindi ka galit alam ko naman na hindi yun totoo."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon