💉 MA 3: Chapter ninety one - Closure

6.4K 270 26
                                    


Enjoy reading Minters!!!

****

Matagal bago nakapagsalita si Trinity sa tanong ko sa kanya at sa sobrang tagal eh naburyo na ako. "Hindi naman kami masamang tao kahit na ganito kami. Oo, siguro, sa paningin nyo hindi kami tao pero hindi kami aabot sa puntong ito, sa lugar na ito kung hindi dahil sa abilidad namin. Baka din nakakalimutan nyo na dahil din kila Jullia at Min naging ligtas kayo. I know it's hard to accept but we will not force you all." At ngumiti ako ng mapakla. 

Tumalikod na lang ako at handa nang bumalik sa grupo ng mga kaibigan ko at handa na rin siguro ako na baka hindi talaga nila kami matatanggap. Syempre akala nila noong una sila Jullia at Min lang eh tapos malalaman nila na buong tropa maliban kay Jullius, Jr at Rj ang walang kapangyarihan. Nakakaloka nga naman di ba?

Pahakbang na sana ako papalayo sa kanila ng marinig ko si Trinity na magsalita. "Hindi naman sa natatakot kami sa inyo. Ang hirap lang kasi paniwalaan." Tumingin naman ako kay Trinity at binasa ang expression nya sa mukha since hindi ko ginagamit ang abilidad ko ngayon na makaramdam.

"Hindi makapaniwala?" Pag uulit ko. "Naiintindihan ko. It's beyond on science capability to explain this phenomenon." 

"Hindi, hindi naman sa ganun." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Drew. 

"What do you mean?" I asked. 

"Ganito kasi yan. Hindi kami makapaniwala na ang dati naming pinag-aaralan, ang dati naming pinaghihinalaan ay totoo pala." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Oliver at binigyan ko ng isang tingin si Trinity para makapagpaliwanag sya. 

Bumuntong hininga muna sya saka sya nagsalita tungkol sa pag aaral na sinasabi ni Oliver. "Tama si Oliver matagal na nga itong pinag aaralan namin. Hindi lang kami ang nagsusuri sa ganitong penomina. Buong Color Corp. sa hindi malamang dahilan pinag-aaral kami kung posible ba daw na magkaroon ng isang abilidad ang isang tao kagaya na lang ng pagkontrol sa lupa, tubig, hangin at apoy. Pati na nga rin sa iba pang senses."

"Ano pinag uusapan nyo?" napatingin kami sa dumating at nakita namin si Henry at Marvin.

"We're talking about a big revelation." sabi ko at nag cross arm. "Pinag aaralan daw ng mga taga Color corp ang tungkol sa atin."

"Anong meron sa atin?" -Henry.

"Ang wala sila." sagot naman ni Trinity at saka siya nagpatuloy. "Wala pa naman silang nakukuhang kongkretong data tungkol sa inyo pero may hinala sila sa mga taga Mint Academy. Kaya nga tuwing mag oopen ang Mint Academy for On The Job training ay nandoon sila para makakuha ng isang napakahalagang tao mula sa loob. Kapag napapatunayan nila na normal at talagang matalino lang ang nakuha nila pinapakawalan nila, wala pa naman kaming nakukuha na may kakayahan at wala pa akong nakikilala maliban sa inyo."

"Kung kami sa inyo itatago namin ng maigi ang kakayahan namin na iyan. Mas lalo lang kayong pag iinitan at mas lalo lang kayong susundan at mamanmanan ng mga taga Color Corp. hindi kayo mas magiging ligtas kung maliban sa inyo may iba pang makakaalam nito." payo naman sa amin ni Yuri. 

"Kung ganoon totoo pala." Napatingin naman kami kay Marvin at kita ko naman ang galit sa mga mata nya. 

"May alam ka?" tanong ko at tumingin naman sya sakin at tumango. "Paano?"

"Isang beses kasi noong freshmen pa lang ako pinatawag ako ni kuya Jared at pinapunta sa isang mission. Sinama nya ako sa mga junior verdant noon at ang dahilan ay hanapin namin ang limang estudyanteng nawawala. Walang ibang nakakaalam nun kundi anim lang kami. Ang apat na Junior verdant na senior na ngayon, ako at si kuya Jared."

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon