💉 MA 3 : Chapter sixty seven - Waste barrel

6.5K 257 10
                                    

"WHAT THE HECK?! GANUN NA LANG BA YUN? NAKITA NYO LANG ITONG MGA BABAENG ITO HINDI NYO NA AKO SASAMAHAN?"

"Good luck, Cathy. Mas kailangan nila kami eh." Sagot naman ni Jullius.

"At mas kailangan ako ni Kass."

Umirap naman si Cathy at naupo na lang sa sofa. Yan be a good girl hindi yung puro ka dada na wala namang kwenta. Hindi ko na sya pinansin pa at pumunta na lang sa laboratory.

Good thing lahat ng gamit namin ay nailagay namin sa paradox boxes and bags namin at hindi na kami nahirapan pang iexamine ang waste barrel na nakuha namin.

Maingat namin na inilabas ang isang waste barrel sa isang paradox bag para naman hindi ito magkaroon ng leak at hindi din kami mapapahamak. Wala kasi kaming aalam alam sa kung ano ang meron sa barrel na ito.

Nakatoka si Yana at Min sa Microscope, si Aira at Kass naman sa pagbabasa ng readings at kami ni Jullia sa paghahalo ng mga compound na gagamitin nila Yana at Min para maobserve. Si Mark at Jullius naman ang bahala sa pagbukas at paglagay ng laman ng waste barrel sa isang machine para malaman ang content na meron dito.
"Are you guys ready?" Nag nod naman sila sa tanong ko. "Okay, let's start."

***

Three whole hours ay wala kaming ibang ginawa kundi ang mga nakatoka sa amin. Paminsan minsan naman ay nagtatanong si Yana at Min at minsan din naman ay pinapakita nila sa amin ang observation nila.

The waste barrel is full of chemical contents na nakakasira sa kalikasan. Siguro kung hindi lang namin nakuha ito ng mas maaga baka mamaya hindi lang ang part ng napagkuhanan namin ang magiging delikado kundi buong isla. Hindi lang iyon ang nalaman namin, sanhi din ito ng radiation na naging dahilan ng pagkasira ng ilang kagubatan, although may mga lobo pa rin na naimmune dito.

"It's toxic to people kapag nagkainom nito." Agaran kong sabi at nag nod naman sila.

"Pero ang tanong ngayon eh saan galing ang mga waste barrel na ito? Hindi naman siguro ito gawa ng mga tao dito di ba?"

Napayukom naman ako ng kamao sa sinabi ni Yana. Tama sya, imposible naman na gawin ng mga taga-rito ang mga iyon dahil sa isang napakacomplicated na formula and prescription ang kailangan para mabuo ang radiation waste barrel na iyon.

"Hindi kaya Red Organization?" Napatingin naman kami kay Min. "Look, hindi ko man gusto na mabanggit iyong grupo na iyon pero sa tingin ko ay sila lang ang may kakayahan at teknolohiya na gawin ito."

"Agree ako kay Min." Sabat naman ni Kass at nakatingin ito sa machine namin. "Hindi basta basta na machine ang ginamit nila to produced that kind of toxic. Panigurado na mamahalin ang gamit sa paggawa nyan."

"Hindi lang guys." Napatingin naman kami kay Aira. "Kakaiba din ang mga sangkap na ginamit nila para dito. Some of it ay familiar na tayo pero karamihan doon ay hindi pa natin alam."

"What do you mean, Ai?" Mark asked.

"What I mean is may mga bagong compound elements kami na nakita ni Kass. Siguro naman hindi din iyon nakalagpas sa mga mata nyo at kaalaman hindi ba?" Tanong ni Aira kay Mark at Jullius at tumango naman ang dalawa.

"Kaya pala hindi kami pamilyar sa mga components na iyon." Lumingon ito kay Mark. "Meron din tayong nakita na components na hindi pwede ipagsama hindi ba?"

"Meron nga." Sagot naman ni Mark.

"Nakita din namin iyon." Agaran namang sabi ni Kass at Aira.

Naramdaman ko ang tingin nila sa akin na wari mo'y naghihintay ng kasagutan at alam ko na may kinalaman ito sa nangyayari dito sa isla.

"We have to be really careful." Panimula ko at isa isa silang tiningnan. "Those harmful toxic might give us a hard time finding the cure but also it might give us a lead of what should we do." Dagdag ko pa.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon