Celine
"Grabe ang saya. Na-miss ko 'to ng sobra" masayang-masayang sabi ko.
Naglaro kami ng patintero, tumbang preso, touch taya at block 1. Syempre ngayong gabi na, tagu-taguan naman ang lalaruin namin.
Nakatakip na si John ng mata, habang kami naman ay nasa likod niya at nakapila.
"Okay na" masayang sabi ni Yhesya.
"Sige. Hmmm... Number 7 saka 2" tumalikod na si John para tignan kami. Kami naman ay binibilang ang sarili kung sino ang dalawang taya. Dalawa ang taya kasi madilim yung lugar namin dito. Mahirap kaya maghanap kapag isa lang.
"Si Jem saka si Celine!" sabi ni John.
"Ayieee" tukso naman nila.
"Hahaha game na nga" sabi ko. Silang lahat ay nagtago na.
"1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10 game na!" sabi namin ni Jem.
Habang hinahanap namin sila, naguusap kami ni Jem.
"Kamusta sila Tita?"
"Okay lang. Sari-sari store pa rin yung negosyo namin."
"Eh si Ate Fey?"
"Ayun may nobyo. Sampung taon na sila. Ikakasal sila sa bakasyon."
"Woah paki sabi congrats. Sana ma-invite kami nila Mama."
"Oo naman kayo pa ba. Sasabihin ko kay ate."
"Boom Isabel!"
"Ano ba yan."
"Nagmamaktol pa rin talaga siya hanggang ngayon haha."
"Cel wala naman talagang nagbago dito. Kung anong iniwan mo, ganun pa rin pagbalik mo."
"Jem sorry na. Kailangan talaga namin nun lumipat. Alam mo na naman yung mga nangyari sa amin diba?"
"Hahaha joke lang. Oo na."
Bago ako ma-taya ni Eric, binoom na siya ni Jem.
"Wow ang bilis ah?" tumawa ako ng kaonti.
"Par uuwi na ako. Baka magalit si Papa"
Tumango lang si Jem at nag "ingat" naman ako kay Eric.
Nataya namin silang lahat at nagsiuwian na rin sila. Sinamahan muna ng mga lalake yung mga babae umuwi. Ang gentlemen talaga nila.
"Guys uuwi na ako. Magsasaing pa pala ako" paalam ni Mika.
"Sige susunod na lang ako" sabi ko.
"Bye Mik" sabi naman ni Jem at umuwi na nga si Mika.
"Si Mika nga pala..."
"Bakit?"
"Umamin siya sa akin last year na gusto niya ako."
"Good for her. Ano naman sabi mo?"
"Hindi pwede kasi may gusto akong iba" natahimik kami saglit.
"Nakakalungkot naman. Buti okay kayo ni Mika."
"Sinabi ko kasi na maging magkaibigan kami. Yun lang yung kaya kong ibigay sa kanya."
"Mabuti. So sino yung gusto mo?"
Tumigil si Jem sa paglalakad kaya tumigil din ako.
"Cel matagal na kitang gusto. Bata pa lang tayo. Alam ng lahat pati nila Tito at Tita, pati ni Mika. Ayokong sabihin sayo dati kasi mga bata pa tayo at pag-aaral ang inuuna mo."
Natahimik ako. Sobrang tahimik ng iskinita na kinatatayuan namin. Nabigla ako. Pinipilit lahat intindihin.
"Kaya pala close kayo nila Mama at Papa. Kaya pala tinutukso tayo ng mga kaibigan natin. Akala ko biro lang yung sinasabi mong gusto mo ako" naiiyak na ako.
"Patawarin mo ako Cel dahil ngayon ko lang sinabi sayo" umiiyak na si Jem.
"Anong bang pinapalabas mo Jem?"
"Gusto kitang ligawan Cel"
"Ahahahahaha," natawa ako dahil, "G*g* ka ba? 14 years old pa lang tayo. Alam mo naman na gusto kong makapagtapos ng pag-aaral diba? Alam mo naman yung pangarap ko diba?" sumisigaw na ako sa inis, "nakakainis ka. Bakit ngayon ha? Bakit pinapahirapan mo ako?"
"Cel sorry talaga. Okay lang sa akin na hindi ngayon. Na makapag tapos ka muna ng pag-aaral mo. Makakapag intay ako sayo. Pangako."
Hindi ko na siya sinagot at umalis na ako. Kasi parang babagsak na ako. Parang aatakihin na naman ako ng sakit ko.
