Celine
"Anong kakainin niyo?"
"Beef steak sa akin."
"Spaghetti akin."
"Ikaw Celine?"
"Bheb tawag ka ni Jerome" siniko ako ni Mayne.
"Ha?" tinanggal ko yung isang ear phone sa tenga ko.
"Ano daw kakainin mo."
"Hindi ako kakain."
"Wala kang pera?"
"Basta ayoko" ayoko kumain kasi may pinagiipunan ako.
"Libre na lang kita" sabay na sabi ni Jerome at Jem.
"Ganda talaga ni Celine. Mana sa mga bestfriend niya" nagtawanan sila Kian.
"Ah seryoso. Ayoko talaga kumain" nginitian ko sila at nakinig na ulit ako ng kanta.
Katabi ko si Jem at Mayne. Sa harap namin si Danny, Jerome at Kian.
May gusto kasi akong bilhin. Bata na kung bata eh gusto ko bilhin yung stuff toy na nakita ko sa SM. Human size kasi yun. Birthday gift ko na lang sa sarili ko.
Naalala ko na naman yung imaginary birthday surprise ko.
Hindi ako umaasa na may surprise para sa akin. Pagpasok ko ng bahay namin, may "Happy Birthday Celine!" na naka-hand writing na halatang si Mama may gawa. Wala silang hawak na regalo kundi papel. Puro message na nagpaiyak sa akin. Nandito yung pamilya ko, mga tito at tita, lola, pinsan at mga kaibigan. Lahat ng taong importante sa akin nandito. Pati si Nanay.
Yung ibang regalo, may sobrang mahabang letter with pictures, may video clip, may insta camera na gustong-gusto ko mabili, may teddy bear at marami pang iba.
May mataas na chocolate cake, may masasarap na pagkain na niluto nila lola.
May laro, sayawan at kantahan. Sobrang saya namin.
Pero hanggang imagination ko lang yan. Hindi mangyayari yang surprise, yung mga regalo at yung kasama ko si Nanay.
Dahil sa totoong buhay, cake, spaghetti, soft drinks, buong pamilya ko lang ang meron sa birthday ko. Pero kahit ganun masaya ako dun.
Kumakain na sila. At ako nakikinig pa rin ng music. Gustohin ko man na matulog dito sa lamesa, hindi pwede dahil kumakain sila.
Nakasandal lang si Jem habang kumakain ng burger kaya naisipan ko na sumandal sa balikat niya at pumikit saglit.
Kahit na nakaidlip ako kanina, inaantok pa rin ako. Gusto kong matulog buong araw pero may mga assignment pa akong dapat gawin at may pasok.
May idinikit na malamig sa pisngi ko. Dumilat ako para makita kung ano yun at kung sinong istorbo.
Tinanggal ko yung earphone ko at nilagay na sa bag, "Bakit?"
