Celine
"Sana pala nagkasakit na lang ako. Edi sana wala yung anak nilang walang ginawang matino" sabi ko kay Jem. Nasa canteen kami ngayon. Buti nga tumugma yung oras namin eh.
"Celine wag ka magsalita ng ganyan, magulang mo pa rin sila."
"At anak nila ako. Ginagawa ko naman ang lahat para maging mabuti akong anak sa kanila pero kulang pa rin. Sana talaga namatay na lang ako."
"Paano naman kaming mga taong kailangan ka?"
"Paano naman ako na kailangan din kayo?" natahimik si Jem.
"Sabihin mo nga sa akin Celine, nagkukulang ba ako sayo?" hindi ako nakasagot, "Kaya ba gusto mo na lang mawala kasi nagkukulang ako? Kami?"
"H--hindi naman sa--"
"Celine, hindi ko kaya na wala ka" hindi ko din naman kaya.
"Sorry Jem" niyakap ko siya at umiyak.
"Okay lang Celine," hinalikan niya naman ako sa pisngi at hinimas yung likod ko, "basta mahal na mahal kita ha? Hindi yun magbabago."
"O bakit umiiyak to?" dumating si Mayne at Kian. Agad kong pinunasan yung mga luha ko.
"Wala. Kumain na kayo?" tanong ko.
"Kakadating lang namin diba?" Mayne.
"Pilosopo ka talaga" sabi ni Jem at nagtawanan kami.
"Seryoso, bakit ka umiyak?" tanong ni Kian.
"Hoy anong oras na, kumain na nga kayo."
"Bakit nga?" tanong ni Mayne.
"Family problem, okay ka na?"
"Jusko ipaliwanag mo naman" umalis na si Kian para um-order ng spaghetti nila ni Mayne.
"Puro na lang mali nakikita sa akin."
"Hay nako lilipas din yan."
"I know."
"Moo time ko na. Bye" hinalikan niya ulit ako sa pisngi habang tulala at umalis na. Moo?
Nagtaka din si Mayne, "Moo?"
"Ewan ko dun" at kumain na kami.
~~~~~
Uwian na at hindi daw ako masasabayan ni Jem umuwi dahil may tinatapos pa silang project kaya mag-isa ako.
Pag-uwi ko sa bahay, himala at nandito na si papa habang kasama si mama maghain ng gabihan. Napansin ko din na ang linis ng bahay. Yung mga sapatos nila nasa lagayan ng mga sapatos, yung mga hanger nakasabit, yung mga damit hindi nakakalat, may nakita din ako sa gilid ng T.V na may flower vase at mabango yung amoy ng bahay. Himala nga.
"'O anak bakit hindi mo kasama si Jem?" tanong ni mama. Kahit na tumitingin sa akin si papa, hindi ko pa rin siya tinitignan.
"May project po sila. Kumain na nga po pala kami kaya matutulog na ako."
"Ahm 'nak, paborito mo itong niluto ko o" nakita ko sa lamesa yung beef steak. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Makita ko man o maamoy yung mga paborito kong pagkain, hindi na ako natatakam.
"Busog po ako" magsasalita pa sana si papa kaso sinarado ko na yung pintuan ko.
Ang bastos ko diba?
Chinarge ko yung phone ko, nagbihis, naghilamos at humiga na sa kama ko.
Wala akong trabaho ngayon at hindi pa ako inaantok kaya nag-earphone ako at nagpatugtog ng malulungkot na kanta. Ang drama no?
Napansin ko na nagbago na nga ako. Ibang-iba yung Celine ngayon sa dati.
Dati...
Dati, napakamahiyain ko. Hindi ako mahilig makihalobilo sa mga tao, hindi din ako pala-salita, pala-kwento, in short, boring. Kaya nga ayaw sa akin ng mga tao eh. Kaya ko naging kaibigan sila Jem dahil sa group work. Sila talaga yung original na barkada, naging kaibigan lang nila ako dahil sa kadal-dalan nila. Nabawasan na nun yung hiya ko, madalas na akong sumasali sa events, sila yung nagpu-push sa akin at sinusuportahan naman nila ako. Hiya lang yung nawala sa akin nun kasi yung pagiging tahimik ko, nandiyan pa rin at yun daw yung nagustuhan nila sa akin.
Naging pala-kaibigan na din ako nun kaya marami akong kaibigan.
Hindi din ako pala-ayos dati. Hindi ako mahilig magpulbo at mag-liptint. Kontento na ako sa itsura ko. Hindi din ako palamura.
Hindi din ako matakaw. Tipid ako dati sa ulam at kanin kahit na may kaya naman kami, ayoko ng magastos. Kapag may sweldo si papa at mama, tinatanong nila kami kung anong gusto namin, sila Kyle puro laruan, ako "wala po akong gusto bilhin." Hindi naman kasi porket may pera, gagastos na diba?
Dati, super close kami ng mga kapatid ko. Nakakatawa nga isipin na sabay kaming tatlo dati maligo kahit na lalaki silang dalawa.
Ang saya-saya ko dati. Wala pa akong pakielam sa problema.
Pero ngayon...
Ang ingay ko na, kahit saan sumisigaw ako matao man o wala. Makulit na din ako, isip bata. Matakaw na din, mahilig na mag-make up, hindi close sa mga kapatid ko at magastos, makakita lang ako na gusto ko bilhin binibili ko na.
Pero, bumalik ulit ako sa dati... lumala nga lang.
Napakatahimik ko, bihira na sa akin yung matawa, si Vice Ganda man yung mag joke. Hindi na din ako pala-labas ng bahay, napakatipid ko sa pera, kung kumain man ako, sana platito na lang yung kinakainan ko sa onti ng kinakain ko, ang drama ko na ngayon, lahat na lang ng bagay hinuhugutan ko, mataray na din ako sa mga tao, kaya mas lalo akong kinaayawan, palamura na rin ako ngayon at sobrang drama ko na.
Change for the better naman ako diba? Sa tingin ko nakabuti sa akin yun.
"Lin?" kumatok si papa sa pintuan ko. 10 seconds bago ko binuksan, "May binili ako na ice cream, favorite flavor mo, cheese at ube" ano? Kailan ko pa naging paborito yung flavorbna cheese at ube?
"Manggo at chocolate po yung paborito ko."
"Ay ganun ba, sige bibili na lang ako ulit--"
"Hindi na po kailangan, sayang lang po sa pera, hindi naman din ako kakain eh" isasara ko na sana yung pintuan kaya lang nagsalita ulit si papa.
"L--lin, sorry," nagulat ako, "sorry kung nagkulang ako sa inyo. Nalungkot lang ako nung namatay yung nanay niyo kaya lagi na lang ako umiinom at naninigarilyo. Sorry din kasi dinadala ko yung galit ko dito dahil sa trabaho, patawarin mo ako anak."
Ngumiti ako, "Okay na po yun" niyakap ako ni papa.
Makailang araw, masaya na ako sa pamilya ko. Madalas na kami mag-kwentuhan, kumain sa labas, pumasyal sa mga lugar at magsimba ng buo ang pamilya.
Kahit papaano nabawasan yung depression ko.
Masaya na ako sa pamilya ko, sobrang saya.