26: Ayoko na

12 1 0
                                    

Celine

"Ba-bye guys. We will miss you" bineso ako ni Ashley at Paeng. Nagpaalam na din sa amin yung iba. Halata sa mukha nila na nagaalala sila sa amin ni Jem, sinabi ko naman na okay lang.

Naiwan kami ni Jem sa loob ng sinasakyan namin. Malayo na ako sa kanya.

"Sorry na Celine" hindi ko siya pinansin.

Kailangan mag-away kami, kailangan kong magalit sa kanya para magalit din siya sa akin.

"Celine sorry na" kinakalabit niya ako.

"Mag-usap na lang tayo mamaya" malamig na sabi ko.

"Celine..." nakatingin pa rin ako sa bintana.

Nang nasa kanto na kami, dapat aalalayan niya ako bumaba ng sasakyan pero hindi ko nilagay yung kamay ko sa kanya.

Magsasalita dapat si Jem pero inunahan ko na siya, "Jem ayoko na."

"Anong ayaw mo na?"

"Ayoko na" nanatahimik kami at huminto sa paglalakad.

"Anong ayaw mo na? Ayaw mo na mag-lakad? Halika at mag-sidecar tayo" nauutal na siya, siguro alam niya na yung ibig kong sabihin.

"Ayoko na sa relasyong to, itigil na natin to."

"Dahil ba to sa nagalit ako sayo? Celine sorry na."

"Sawa na ako."

"May mali ba sa akin? Panget ba ugali ko? Nagkukulang ba ako ng oras sayo? Please Celine sabihin mo yung problema."

"Hindi ko ba ako naiintindihan? Ayoko na Jem."

"Maaayos pa natin 'to... Please Cel" umiiyak na kaming parehas ng minamahal ko. Nakayakap pa rin siya sa akin.

"Hindi mo ba ako maintindihan ha? Ayoko na! Itigil na natin 'to!" Mahal na mahal ko siya pero kailangan kong gawin 'to para sa kanya... Para sa amin.

"Ayaw mo na ba talaga? O may iba ka na?" Napatigil ako. "May iba? Nagdududa ka sa pagmamahal ko sayo? Alam mo na mahal na mahal kita. Ikaw lang. Sa pagsasama natin, sasabihin mo sa akin na may iba? Wala ka bang tiwala sa akin? Hindi mo ba ako maintindihan? Ayoko na. Please pakawalan mo na ako."

Tumalikod siya sa akin, tinakpan niya yung mukha niya ng kamay niya at dun siya umiyak ng umiyak.

Hindi ko naman siya hihiwalayan na lang ng walang dahilan. Kailangan ko gawin to.

"May pakiusap ako Cel" nakaharap na siya sa akin.

"Ano yun?"

"Pwede bang maghiwalay na lang tayo bukas? Akala ko ako na yung forever na hinahanap mo. Akala ko ikaw na. Akala ko ako yung first and last love mo. Akala ko lang pala yun" pinipilit niyang ngumiti pero naiiyak pa rin siya. Nasasaktan ako na nasasaktan siya. Ang hirap. Sobrang hirap.

Hindi ko akalain na papayag siya. Akala ko ipaglalaban niya ako.

Pumayag na nga siya sa gusto mo diba tapos gaganyan ka? Gaga ka. Umasa ka na ipaglalaban ka niya? Edi sana sinabi mo na lang yung totoo edi sana masaya pa rin siya ngayon, masaya kayo.

"Sige" sagot ko.

Hinatid niya pa rin ako sa bahay namin. Hindi kami nag-usap. Hindi kami nagtabi.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon