29: Kaasar!

21 1 0
                                    

Celine

"Minsan, di ko maiwasang isipin ka
Lalo na sa twing nag-iisa
Ano na kayang balita sa iyo?
Naiisip mo rin kaya ako

Simula ng ika'y mawala
Wala ng dahilan para lumuha
Damdaming pilit ko ng tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking puso
Parang kulang na
Kapag ikaw ay wala

At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin
Hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin
Patungo"

Nakahiga na ako ngayon at katabi ko si Jem. Oo si Jem nga. Nahimas-masan na naman na ako kaya kita ng dalawa kong mata na nandito nga si Jem.

Hindi pa ako tulog, nakapikit lang ako habang siya naman hinihimas yung buhok ko at kinakantahan ako.

Dumilat ako kaya tumigil siya, "Bakit ka ba nandito?" hindi ako nakatingin sa mga mata niya.

"Alam ko na. Sinabi na sa akin ni tita. Celine bakit hindi mo sinabi? Maiintindihan ko naman eh" mahina lang yung boses namin. Marami kasi kaming natutulog dito sa kwarto.

"Bakit kailangan mo pang malaman?"

"Dapat kasi boyfriend mo pa ako nun."

"Noon, Jem" hinila niya ako palabas. Nasa hallway na kami ngayon na walang katao-tao.

"Bakit nga Celine? Ipaliwanag mo na sa akin kasi naguguluhan na ako."

Hindi pa rin ako tumitingin sa mga mata niya kasi kapag ginawa ko yun, makikita na naman niya akong umiiyak, "Ayokong masaktan ka, kayo nila Mayne. Ayoko nun."

"Ang selfish mo. Karapatan namin na malaman."

"Selfish na ako kung selfish eh yun lang yung kaya kong gawin para manatiling maging masaya kayo, na paniwalaan yung hindi totoo kasi kapag nalaman niyo na mamamatay ako malulungkot kayo. Ayokong nalulungkot yung mga minamahal ko," hindi ko na napigilan pa at umiyak na talaga ako, "Mahal na mahal ko kayo, Jem."

"Maging tayo ulit" napatingin ako sa kanya.

"Ano?"

"Maging tayo ulit."

"Ayoko--"

"Kaya kong manatili sayo Celine, kaya kong maging masaya kasama ka kasi mahal din kita," nakatingin lang ako sa mga mata niya na umiiyak na din, "Kaya kong iparamdam sayo yung buhay na walang hanggan. Gagawin ko lahat Celine mabuhay ka lang. Gagawin ko lahat" niyakap ko na siya ng mahigpit. Mararamdaman ko na walang hanggan ang buhay ko kapag kasama ko yung mga mahal ko sa buhay.

~~~~~

Pagkagising ko, nanonood ng cartoons sa TV yung mga bata kong pinsan. Yung mga mas matanda naman sa akin na pinsan ko, naglalaro ng lobo.

"Uy ang ganda ng gising niya o" biro sa akin ni ate Chin.

"Syempre andyan na yung boyfriend niya eh" komento naman ni ate Trisha.

"Huh?" nagtatakang tanong ko. "Boyfriend? Wala akong boyfriend no."

"Sus andun sa sala o, tinutulungan si lola na mag-ayos ng umagahan" tinuro ni kuya Tommy yung labas ng pintuan. Wait, totoo?

Dali-dali akong lumabas para tignan at oo nga, nakita ko nga si Jem na nakikipag-usap sa mga tito, tita ay kay mommy.

Totoo?! Akala ko panaginip lang yun.

"Uy gising na pala ang prinsesa ng pamangkin ko o" nakatingin sa akin si tito kaya pati sila tita, mommy at Jem, tumingin na din sa akin sabay ngiti.

"Ang bait pala ng nobyo mo Celine" -tito Patrick.

"Nakakatuwa din" -tita Shiela.

"Goodmorning babe" lalapitan niya sana ako kaso mabilis akong pumunta sa banyo, tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Narinig ko pa na pinagtatawanan ako ng mga baliw kong mga pinsan.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon