Celine
"Buti naman at nakasama ka na sa amin" sabi ni Mayne.
"Haha busy lang ako nung mga nakaraan."
"Sus wala na ngang pasok busy ka pa rin?"
"Kumain ka na nga jan."
"Wala man lang sinabi yung isa jan na may boyfriend na siya, no?"
Umayon si Niela kay Kian, "Oo nga."
Nakisali si Mayne sa kanila, "Mukha ngang walang balak sabihin eh."
"Mga bestfriend ko nagtatampo" niyakap ko silang tatlo, "Sorry na okay? Wrong timing lang talaga yung pagsagot ko sa kanya kaya hindi ko agad nasabi sa inyo."
"Dahil hindi mo agad sinabi sa amin, libre! Libre!" pagsigaw nila.
"Mga g*ga wala pa akong pera, nangutang nga lang ako kay Jem diba?"
"Hay nako babae ka, natatakot ako" sabi ni Mayne.
"Bakit naman?"
"Syempre first boyfriend mo yan at legal pa kayo. Wala ka pang alam sa pagjo-jowa."
"Bheb wag ka mag-alala, nandito naman tayo para gabayan si Celine" sabi ni Kian.
"Basta bheb kung hindi na dapat, itigil mo na kasi masasaktan lang kayo parehas."
"Bheb normal lang yun. Nagmamahal ako kaya masasaktan ako."
"Saka kung kayo talaga para sa isa't-isa, kayo talaga" dagdag pa ni Niela.
Tinitigan namin si Niela at nakatulala ito sa malayo habang pinaglalaruan yung straw sa juice nito, "May pinanghuhugutan?" natatawang sabi ni Kian.
"Ha? Wala ah" umiwas siya ng tingin sa amin.
"May problema ka bheb? Sabihin mo sa amin."
"Mga baliw, wala nga."
"Bheb" tumingin siya sa akin, sa amin. Hindi na niya napigilan na umiyak sa harapan namin.
"Nami-miss ko na kasi kayo."
"Ha? Bakit mo naman kami mami-miss eh lagi naman tayong magkasama?" sabi ko.
"Bheb," tinignan niya kaming tatlo, "patay na ako."
Nawala si Mayne at Kian sa paligid namin, tanging kami lang ni Niela ang magkasama. Wala na ding tao dito sa fastfood.
"Bheb, bakit mo kami iniwan?" tanong ko habang umiiyak.
"Bheb sorry kung iniwan ko kayo. Siguro masyado lang akong mabait kaya kinuha na ako ni Lord" nagtawanan kami, "Bheb, araw-araw ko kayong binabantayan. Nakausap ko na rin sila Mayne sa pamamagitan ng panaginip. Sinabi ko sa kanila na maging masaya na sila, kaya napapansin mo na ang saya nila makaraang namatay ako. Ikaw, hindi kita makausap dahil hindi ako makasingit sa dami ng iniisip mo. Bheb ayokong nakikitang umiiyak ka, nasasaktan din ako. Miss na miss ko na kayo at mahal na mahal ko din kayo. Panalangin ko na maging masaya ka na."
