12- Namanhid

19 2 0
                                    

Celine

~Flashback~

Isang buwan na akong hindi dumadalaw kay Nanay dahil nagaalala sa akin sila Papa na baka mahimatay na naman daw ako doon. Kahit na gustuhin ko man makita si Nanay, hindi pwede.

Nanonood kami ni Mama dito sa bahay ng horror movie. Gamit namin yung USB. Horror movie talaga yung pinapanood namin ni Mama kapag kami lang yung nasa bahay. Nung nasa gitna na kami ng palabas, tinanggal niya yung phone niya na naka-charge. Siguro titignan niya kung nag-text si kap. Alam mo na, secretary.

Kaya ayoko din maging secretary sa school eh. Dagdag stress lang.

"Hala" nanginginig si Mama na buksan yung ilaw. Nakatingin pa rin siya sa phone niya.

"Bakit po?" tanong ko.

Nanginginig pa rin siyang kumukuha ng pera, "Load-an mo nga ako Lin" sabi niya, "bilisan mo!" pati siya tinataranta na rin ako. Nagmadali akong ni-load-an si Mama.

Ano na namang nangyayari? Bakit nagkakaganun si Mama? Bakit lagi na lang akong walang alam sa nangyayari?

Pumunta na ako sa bahay at naabutan ko si Mama na may kausap sa phone, "Ano yung tinext mo Korin?" hindi naka-loud speaker yung phone ni Mama kaya hindi ko marinig.

Si Ate Korin ay pinsan ko. Buti pa yung anak niya naabutan si Nanay. Sana ako din.

Nag-online ako saglit at binuksan yung messenger ko dahil sunod-sunod yung mga nagcha-chat. Karamihan group chat lang pero may isang message ako na-received galing sa pinsan ko na nasa kabilang bahay lang. Nang pindutin ko ito, kasabay ng pagluha ni Mama.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon