30: Walang Kwenta

12 1 0
                                    

Celine

"'Nak pa-check up kita. Malay mo may pag-asa pa pala" sabi ni mama.

Tanggap ko na mamatay na, tanggap ko na pero yung mga taong importante sa akin, hindi nawawalan ng pag-asa.

Ang selfish ko nga.

Isang linggo na ang lumipas matapos nung nangyari sa birthday ng pinsan ko. Dito na ulit nag-tranfer si Jemmery. Nakakahiya na nga kay tita eh, syempre mapapalayo si Jemmery sa pamilya niya at ako ang dahilan nun. Sinabi naman sa akin ni tita na mabuti daw nandito si Jem sa tabi ko, baka sakali daw.

"Sige po" pumasok si Jem ngayon sa school kaya kami lang ni mama yung pumunta sa ospital.

"'Dok iche-check up ko po ulit si Celine" sabi niya sa doktor na chumek-up sa akin last time.

Gumawa ulit ng mga test.

Lumapit na sa amin yung doktor, si mama naman halatang kinakabahan.

"Misis congratulations po. Magaling na po ang anak niyo" masayang anunsyo ng doktor. Niyakap ako ni mama ng mahigpit at paulit-ulit na sinasabing "Mabubuhay ka na 'nak. Salamat sa diyos" ngumiti lang ako kay mama.

Wala akong maramdaman na lungkot o saya sa mga oras na 'to.

Manhid na ata ako.

Sa sobrang saya ni mama, kumain kami ng buong pamilya sa isang fast food, kasama si Jem. Inimbita ko rin si Mayne at Kian dahil sabi ni mama pero bago ko sila papasukin sa fast food, kinausap ko sila.

"Bheb, may sasabihin ako" tinakpan nila yung bibig nila na parang nagulat, nagtaka naman ako.

"Buntis ka? Bakit bheb? Bakit?!" tinulak ko yung ulo nila kaya nagtawanan sila, "Joke haha, ano ba yun?"

"Nagsinungaling ako sa inyo."

"Baliw deretsyohin mo na, kinakabahan na kami eh."

Huminga ako ng malalim, "Nung nag-swimming tayong tatlo tapos nahilo ako... May sakit ako nun. Lupus. Isang taon na lang dapat ako mabubuhay nun pero kanina nung nagpa-check up ako, magaling na daw ako. Sorry bheb."

"HAHAHAHAHA" nagtawanan sila, "Prank ba to? May nagvi-video ba sa atin?" natatawang tanong ni Mayne pero nakikita ko sa mata nila na parang kinakabahan sila.

"Seryoso ako bheb" napatigil na sila.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin? Bestfriend mo kami diba?" -Mayne.

"Bheb kapag nalaman niyong lahat, malulungkot na kayo sa tuwing kasama ako, lagi niyong maaalala na mawawala din naman pala ako. Ayokong nalulungkot kayo."

"Bheb okay na yun. Atleast ngayon, matagal na nating makakasama si Celine" pinapasaya ni Kian yung atmosphere.

Niyakap ako ni Mayne at pinunasan yung luha niya, "Lika na nga, nagugutom na ako" sabi ni Mayne.

"Kailan ka ba hindi nagutom?" sabay na tanong namin ni Kian at nagtawanan kaming tatlo.

Nagsisinungaling ka na naman. Ayaw mo ba na tulungan ka nila jan sa kalungkutan mo?

Ako nga na hindi alam kung bakit ang lungkot ko eh wala naman akong problema, sila pa kaya.

"O nandiyan na sila, kainan na tayo" sabi ni mama.

Kumain ka ng masaya at maraming kwentuhan.

Lumipas ang taon at naging working student ako, para matulungan ko sila mama sa gastusin. Nag-anniversary na rin si Mayne at ang boyfriend niya. Dinadalaw pa rin ako ng bad thoughts pero naaayos ko naman. Si Kian naman wala pa ring boyfriend. Tinupad niya yung sinabi niyang mag-aaral muna siya. Kahit papaano sumasaya na ulit kami ngayon pero isang araw, nagbago.

"Asan ate mo?" tanong ni papa. Narinig ko yung mga plato at tinidor sa labas ng kwarto ko.

"Tulog na po" sagot ng ni Kyle, bunso kong kapatid.

6:00 - 12:00 p.m. ang trabaho ko sa isang fast food. 12:40 -7:00 p.m. naman ang oras ng klase ko. Maaga ako ngayon natulog dahil sa pagod marami kaming customer at naghahabol ako sa projects.

"Gisinggin mo nga at kumain na" pumasok ang kapatid ko sa kwarto at ginising ako. Hindi ako tumayo at sinabi na "kumain na ako."

Linggo ngayon at walang pasok pero may pasok ko sa fast food na pinagta-trabahuhan ko. 6:00 - 12:00 a.m.

"Gabi na ha?" tanong sa akin ni papa nang lumabas ako ng kwarto ko ng bihis.

"May trabaho po ako diba?"

"Bakit gabi? Dapat umagahan lang yan anong oras na."

"Pa tuwing linggo naman po to" hindi na kayo nasanay.

"Hindi wag ka na pumasok, delikado."

"'Pa."

"Baka naman mamaya puro ka lang cellphone doon at hindi ka gumagalaw" hindi ko siya pinansin at lumabas na ng bahay. Tinawag niya pa ang pangalan ko pero hindi ako tumingin.

Minsan lang ako ihatid-sundo ni Jem dahil alam kong busy din siya sa college.

Mag-30 minutes pa lang ako sa trabaho ko ng tawagin ako ng manager namin, pinapatawag daw ako ni papa.

Pinuntahan ko sa labas si papa at sinermonan na naman ako, "Ang lakas na ng loob mo ha? Kaya mo na sarili mo ha?"

"'Pa nagta-trabaho ako ano ba."

"Baka mamaya bumubulakbol ka na rin katulad ng ni Kian" kapatid ko na lagi na lang tambay. "Ano? Puro ka na lang trabaho? Baka pinapabayaan mo na pag-aaral mo."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na sagutin siya, "'Pa, ako lang naman yung anak mong lagi lang nasa bahay, bihira gumala dahil sa pag-aaral, ako lang naman yung puro cellphone dahil nagre-research ako sa mga assignments, ako lang naman yung naglilinis ng bahay natin, sa tuwing may kalat ako yung nagliligpit, ako lang naman yun. Bakit lagi na lang yan yung sinasabi niyo sa akin na parang wala na akong ginagawang tama? Kasi ikaw, uuwi ka na nga lang iinom pa, minsan ka na nga lang nasa bahay lang, madalas ka namang galit so paano kita makakausap? Paano ako makakapagpaalam sayo sa tuwing may lakad ako para sa group project? Paano?" hindi nakasagot sa akin si papa, siguro dahil nagulat. Ngayon ko lang kasi siya sinagot ng ganito.

Tumalikod siya sa akin, sumakay ng motor niya at umalis. Napa-upo naman ako at umiyak na naman. Kailan ba nung huling araw akong umiyak? Kahapon? Eh araw-araw naman ata akong umiiyak eh.

Nagkukulang ako sa mga kaibigan ko, kay Jem naman nawawalan na ako ng time kahit na iisang bubong lang kami nakatira, bihira kami magusap tapos sa pamilya ko, puro na lang mali yung nagagawa ko.

Wala na akong kwenta.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon