Celine
Nagpatupad yung head ng school namin na magkaroon ng isang linggo sa isang resort. May activities din kami na gagawin.
Pinayagan naman ako nila mama, syempre kasama ko sila Mayne, Kian at Jem.
Dinala ko na yung mga gamit na kailangan ko, at maagang umalis sa bahay kasama si Jem.
"Oo nga pala, nung isang araw, ano yung Moo na tinawag mo sa akin?" ilang araw na ako ginugulo kung anong ibig sabihin nun.
"Alamin mo" mapang-asar na ngiti yung pinakita niya sa akin.
"Alam mo ba na mababaliw na ako kakaisip nung Moo na yun?"
"Kapag nalaman mo yung ibig sabihin nun, bibilhan ko yung gusto mo."
"Ewan ko sayo" inunahan ko siyang sumakay sa bus. Mabilis kong nilagay sa taas yung bag ko at tumabi kay Kian. Katabi kasi ni Mayne yung jowa niya, nasa pinakalikod kami. Si Mayne, si Prince, ako, si Kian at si Jem. Pilit pang inaalis ni Jem si Kian sa tabi ko pero nagyakapan kami ni Kian kaya wala siyang nagawa. Nagtawanan naman kami.
Hindi naman kami classmate pero magkakasama kami, gusto namin eh HAHAHAHAHA.
May isa pang space sa tabi ni Jem, nakita ko naman na pumasok sa bus si Tracy. Ang babaeng mala-dyosa ang mukha kaya maraming nagkakagusto sa kanya sa University namin.
Sa rami ng chismosa sa University namin, naabot sa akin na may gusto daw siya kay Jem, classmate din sila. Kagigil diba? Mala-love team din sila sa klase nila. Hindi ba nila alam na may girlfriend na si Jem at ako yun?!
Wala na siyang maupuan kaya doon siya sa tabi ni Jem um-upo.
Nag-hi pa siya sa amin nila Kian.
"Ayan tuloy, naunahan ka na ng iba" sabi sa akin ni Mayne.
"Pake ko jan? Edi magsama sila!" nilakasan ko talaga yung boses ko para marinig nila pero masaya pa din silang nagke-kwentuhan. Hinahampas pa ng mahina ni Tracy si Jem sa braso at si kupal naman tuwang-tuwa.
4 hours pa bago kami makakarating sa resort kaya napag-isipan ko na mag-sound trip na lang kasama si Kian. Si Mayne at Prince parehas ng tulog.
"Bheb okay ka lang?" tanong ni Kian.
"Oo naman. Bakit?"
"Tignan mo naman kasi sila," tinignan ko naman sila kupal at Tracy. Hindi pa rin sila natatapos sa usapan nila, "ang sakit na sa mata at tenga."
"Hayaan mo sila" binigay ko na sa kanya yung isang earphone at nagpatugtog na high ang volume. Pinatong ko yung ulo ko sa balikat ni Kian.
"Buti pa kayo may jowa no?" napaangat ko yung ulo ko dahil sa sinabi niya.
"First time to ha? May problema ka?"
"Wala naman, nakakainggit lang."
"Sus bheb wala ka man jowa, nandito naman kami ni Mayne para mahalin ka no. Pero sabagay iba pa rin kapag lalaki."
"Makakapag-intay naman ako. May right time at right moment si God para sa akin."
"Tama, be positive bheb" napatingin naman ako kanila Jem at tumitingin sa akin yung babae at titignan niya ulit si Jem tapos maguusap na sila. Pinaguusapan ba nila ako?
