18: Pagsubok

15 1 0
                                    

Celine

Pinunasan ko na yung mukha ko at lumabas na ng banyo.

"O tin, kain na" alok sa akin ni Papa.

Kumain lang ako ng kumain. Hindi ako tumitingin sa kanila kasi baka pag nakita nila yung mata kong namumula, malaman nilang umiyak ako.

Nang matapos na ako, bumalik na ako sa kwarto at gumawa na ng assignment.

~~~~~

Lumipas ang isang taon. Naging solid friends kami nila Mayne, Danny, Kian, Jerome at Jem. May mga birthday na naganap at may mga bonding.

Nagkamali ako kay Jerome. Ang tingin niya lang pala sa akin ay kapatid. Nami-miss niya na kasi yung kapatid niyang babae na nasa ibang bansa.

Si Jem nanliligaw na sa akin. Madalas niya ako bilhan ng chocolate ice cream at cake at mga pagkain.

Mahal ko na siya pero siguro wag muna ngayon.

Natapos namin ang Grade 9 ng masaya.

Pero isang araw, yung saya, nawala ng parang bula.

"Bheb si Danny, inaatake na naman" naiiyak na sabi sa phone ni Mayne.

"Bheb isugod niyo na siya sa ospital. Bilis!" lumabas na agad ako ng bahay namin at sinamahan ako ni Jem pumunta sa ospital.

Nang makarating na kami dito, hindi agad ako nakapasok sa loob. Pinagmasdan ko tong ospital na to kung saan namatay si Nanay.

Yung pag-ngiti niya sa akin, yung paghilot ko sa paa niya, yung mga karayom na nakatusok sa kanya...

Sh*t.

"Cel lika na."

Nang makapunta na kami kanila Mayne, nag-iiyakan sila, pati ang pamilya niya.

"Bheb" nang makita ako ni Mayne, niyakap niya agad ako.

"Bheb... Wala na si Danny" iyak siya ng iyak.

Yung tawa ni Danny, yung ngiti niya, yung pagyakap niya sa akin, yung pagsabi niya ng "kaya mo yan" wala na.

Wala na si Danny.

Wala na nga si Nanay, pati ba naman si Danny.

"Cel" hinawakan ni Jem yung balikat ko.

Hindi ako sumagot kundi pumunta ako kung saan dapat pumunta.

Walang tao ngayon dito. Lumapit ako sa kanya. Gusto ko sumigaw.

"Bakit?" tanging nasabi ko.

Bakit?! Bakit mo to ginagawa sa akin?! Hindi naman ako gumagawa ng malaking kasalanan.

"Bakit?" um-upo na ako sa sahig dahil sa kakaiyak, dahil sa pagod.

Pagod na ako Diyos ko. Pagod na pagod na po ako.

"Neh?" lumingon ako sa likod ko at nakita ko na naman yung matandang babae na nakasama ko sa jeep.

"O, bakit ka umiiyak?" lumapit siya sa akin at pinunasan niya yung mga luha ko.

Niyakap ko siya.

"Apo, pagsubok lang ang lahat" nginitian niya ako at umalis na siya.

Pumikit ako,

"Apo, pagsubok lang ang lahat."

Narinig ko yung boses ni Nanay.

Masasabi ko na lang na goodluck sa akin sa lahat ng nangyari. Pakiramdam ko kasi mas lalala na si Celine Sanderson.

~~~~~

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon