09- Mayne

24 2 1
                                    

Celine

Bago kami umuwi, nagiyakan na naman kami.

Mami-miss ko talaga sila ng sobra.

After 1 year...

"Danny bilisan mo. Baka dumating na si Mayne" gumawa ako ng explotion box para sa birthday ni Mayne at ngayon yun.

Ang nagawa ko pa lang kasi dito ay yung mga message ko sa kanya. Kanina ko lang napa-develope yung 130 pictures namin. Grabe first time ko mag-effort ng ganto. Yung mga bestfriend ko nga nung elementary hindi ko nagawan ng ganito eh.

"Kasi ididikit mo na nga lang itong mga pictures, dito pa sa kwarto ni Mayne. Baliw ka talaga."

"Sorry na. Anong oras na kasi saka ang dami nito kaya kailangan ko ng tulong mo."

"Gaga ka. Kawawa naman si Mayne sa labas" pinalabas ko kasi si Mayne sa mismong kwarto niya. Surprise nga diba?

"O ayan tapos na. Tapos?" tanong ko kay Danny.

"Hmm... Ilapag natin dito sa taas ng cabinet niya. Syempre magtataka siya kung bakit may ganto kaya titignan niya at surprise."

"Talino talaga tsk tsk."

"Syempre hahaha."

Si Danny ay bestfriend din namin since grade 7. Kaso nung grade 8 nahiwalay siya sa amin ni Mayne. Section 2 siya, section 5 naman kami.

Magge-grade 9 na kami sa pasukan. Bakasyon pa lang ngayon. April 18. Mag-14 pa lang siya. Sa lahat kasi ng naging bestfriends ko, ako ang nanay. Taga saway kapag may ginagawa sila na hindi maganda, kapag may kotse sa likod ako nagtatabi sa kanila. Basta mala nanay ang peg ko.

"Bheb di pa ba kayo tapos?" katok na ng katok si Mayne sa pintuan niya. Binuksan ko na ito, "Wala pala akong dalang damit" ang paalam ko kasi sa kanya ay magbibihis ako.

"Sus. Nga pala, papunta na dito sila Rodel, Rick, Wendy, at Cyra (Sayra)" busy siya sa phone niya.

"Ah okay."

~~~~~

"I have died everyday waiting for you" A Thousand Years -Christina Perri.

Nandito na kami ngayon sa sala nila Mayne, nagvi-videoke. Syempre singer sa church sila Cyra at Wendy kaya ganyan kaganda yung blend ng boses nila.

"Bhe picture kayo" sabi ni Tita. Mama ni Mayne.

"Sama ako!" sigaw ni Harly. Bunsong kapatid ni Mayne. Lumapit siya sa ate niya at niyakap naman siya ni Mayne. Sobrang close nila. Buti pa sila.

Pagkatapos ng picture kumain kami. Chocolate cake, spaghetti, fried chicken at soft drinks.

"Ayan ba yung alak?" nagtawanan kami. Kunwari hindi alam ni Rodel yung hawak ni Tita Rachel. Umiinom kasi yan.

Naalala ko na naman yung nangyari last year. Yung nagpakalasing ako. Saka ko lang naalala yung mga kabaliwang ginawa ko nun. Grabe. Hindi ako makapaniwala na sinabi ko yun kay Jem. Kamusta na kaya sila? Kahit nung pasko at new year di ako nakapunta. Dumating kasi yung Tita ko sa side ni papa galing ng Hong Kong kaya kailangan ko mag-spend ng time sa kanila.

Biglang tumugtog yung "Your Love" na theme song ng love team na Lizquen.

Sh*t iniyakan yan ni Mayne. Emotional kasi yan. Madaling maapektuhan at masaktan.

Niyakap niya ako. Katabi ko kasi siya. Iiyak to eh.

"Your love is like the sun
That rise up my whole world
I feel the your love inside."

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon