10- Kamusta?

23 2 2
                                    

Celine

Nagising ako dahil sa mga nagpipigil ng tawa. Tsk ang ingay naman. Tinignan ko ang orasan sa gilid ko at 5 pa lang ng umaga!

"Bheb ang ingay niyo naman" inaantok na sabi ko. Napabilang tuloy ako dahil 5 pa lang ng umaga. 1 kami natulog kagabi. 2, 3, 4, 5. 5 hours pa lang ako natutulog! Kulang na kulang!

Kiniliti nila ako, "Bheeeeeb tumigil nga kayo HAHAHA-- ano ba-- HAHAHA" ayoko nito sabi eh!

"Bumangon ka na" tumigil na naman sila kasi kapag ako kiniliti, lahat ng galaw gagawin ko para tumigil sila. Mananampal ako, maninipa, atbp.

Bumangon na ako pero tawa pa rin sila ng tawa sa harap ko, "Ano bang nakakatawa?" iritadong tanong ko.

Hindi nila ako sinagot kundi "HAHAHAHAHA" lang ang sinagot nila sa akin.

Magulo ba buhok ko? May natuyo ba akong laway sa pisngi ko? Ano?!

Tumingin ako sa salamin at inayos ang buhok ko pero napatigil ako, "Bheeeeeb!" nakakainis! Nilagyan kasi nila yung mukha ko ng GLUE! OO GLUE!

"We love you bheb" niyakap nila ako.

"Nakaka-bad trip kayo. Promise" iniirapan ko sila. Ang lagkit nito saka sensitive kasi yung face ko (wow english hahaha.)

Dumiretsyo ako sa banyo ni Mayne at naghilamos ako ng naghilamos. Kung mapag-tripan ka nga o.

Pagkatapos kong punasan yung mukha ko, nagtoothbrush na rin ako. Grabe inaantok pa ako. Gumigising lang naman ako ng madaling araw kapag may out of town eh. Hindi ko talaga in-expect to.

Lumabas na ako sa banyo at humiga ulit sa kama ni Mayne. "Bakit ang aga niyo gumising?"

"Gigisingin dapat kita para pagtripan natin si Danny kaso nagising siya kaya ikaw na lang yung pinagtripan namin."

"Sira ulo ka talaga no?" sinabi ko habang nakayakap ako sa unan niya.

"Sige na nga matulog na ulit tayo. Si Mayne kasi e ang gulo matulog kaya nagising ako" inaantok din si Danny na humiga.

"Edi sa sahig kayo matulog!" humiga na si Mayne ng nakabusangot yung mukha.

"Eto naman. I love you bheb" niyakap ko siya. Pati si Danny niyakap din siya. Nasa gitna kasi namin si Mayne.

At nakatulog na ulit kami.

~~~~~

Gabi na ng umuwi kami ni Danny sa sarili naming bahay.

Nagtatahi si Mama ng short nila Kc ng maabutan ko siya. Si Papa naman nanonood ng basketball.

"May pagkain pa jan Celine kung hindi ka pa kumakain."

"Sige po" lang ang sinagot ko kay Mama at dumiresyo na ako sa kwarto ko.

Nilagay ko sa labahan yung damit ko na pinake-alam ni Mayne. Nagbihis na rin ako ng presko at naghilamos.

Humiga ako sa kama ko at nagpatugtog ng "Nervous" ni Shawn Mendes.

Bakit kinikilig pa rin ako kay Shawn kahit pinapakinggan ko lang siya?

Nung nasa chorus na yung kanta ni Shawn, nag-ring yung phone at tumugtog naman yung "Whistle" ng Blackpink. Blink ako hehe.

Nung tignan ko yung phone ko, number lang yung nas screen. Sino to? Sasagutin ko ba? Baka scam to tapos kainin lahat ng load ko? Pero dahil pasaway ako, sinagot ko pa rin "Sino to?"

"Kamusta na Cel?"

"Ikaw ba yan Jem? Kamusta ka na? Paano mo nakuha yung number ko?"

"Okay lang. Nami-miss kita ay namin pala. Chinat ko si Tita. Hindi kasi kita ma-chat eh."

"Ay oo. Pasensya na" ilang buwan na rin kasi akong hindi nago-online. May epal kasing makulet na nanliligaw sa akin sa chat. Hindi ko magawang i-block kasi kahit paulit-ulit ko pa siyang i-block, naha-hack niya pa rin yung account ko. Ang creepy nun.

"Ikaw, kamusta ka na?"

"Okay naman. Kagagaling ko lang sa birthday ni Mayne. Bestfriend ko."

"Malapit na nga pala yung birthday ko. Makakapunta ka ba?"

"Oo naman. Hindi ako pwede mawala sa birthday mo. Birthday niyo" buti na lang yung month ng birthday nila ngayong April at May.

"Haha buti na naman. Kita kits ha?"

"Sigesige. Goodnight Jem. Pakikamusta na rin ako kanila Mika."

"Sige. Goodnight din at... Ahm... Na-miss kita ng sobra" siya na ang nag-end ng tawag. Siguro nahiya hahaha.

"Tita Kay! Hinihika po si Nanay!" narinig kong sigaw ni Rheya. Pinsan ko.

"Ha?!" sigaw ni Mama. Lumabas ako ng kwarto para tignan ang nangyayari.

"Anong nangyari?!" nagpapanic na tanong ni Papa. Lola ko si Nanay sa side ni Papa.

Nagmadaling kinuha ni Mama yung BP at yung inhaler. Nagtrabaho si Mama dati sa Center.

Compound lang kami ng pamilya sa side ni Papa.

Sumunod na rin ako dahil nagaalala na ako ng sobra at kung ano-ano na ang naiisip ko.

Paano kung mawala si Nanay? Paano kung maconfine siya sa ospital? Anong magiging epekto nun sa akin?

Pero hindi ko dapat iniisip to. Masama to. Gusto ko pang makasama yung lola ko. Maaabutan niya pa yung magiging apo niya sa tuhod sa akin. Kailangan kong maging matapang at ipagdasal si Nanay.

Nung pumunta kami sa bahay nila Nanay, nandoon si Tita Georgie at sinasabi kay Nanay na "Nay relax lang. Hinga."

"Anong nangyari kay Nanay?" tanong ni Mama habang inaayos niya yung inhaler at bini-BP si Nanay.

"Ewan ko" kasama ni Nanay dito sa bahay niya si Tito at ang pamilya nito. Si Tito ang panganay na anak ni Nanay.

Um-okay si Nanay ng gabing iyon pero ilang araw ay inatake na naman siya ng hika niya kaya dinala na siya sa ospital. Nung una nasa 1st floor lang siya, ibig sabihin okay siya pero pagkatapos ng araw na yun inakyat na siya sa 4th floor, ibig sabihin may hindi magandang nangyari sa kanya.

Panginoon tulungan mo po ang Nanay ko...

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon