24: Pass-out

14 6 0
                                    

Celine

"Kamusta naman kayo?" nasa tapat kami ngayon ng classroom ni Mayne. Kumain na kami kanina at may oras pa naman kami magkwentuhan.

"Nino?"

"Ni Prince. Sinagot mo na?" hindi pa kami close nung Prince. Nakakailang.

"Kalma, dalawang buwan pa lang siyang nanliligaw."

Ganun pa rin kami, bihira pa rin sila pumunta sa room ko para sabay kaming kumain. Hindi pa din ako sumasabay sa mga classmate ko kasi nga diba.

"Bheb," dagdag ni Mayne, "May nagugustuhan si Kian sa room namin."

Tumingin ako kay Kian, "Bakit hindi ko alam yan?"

"Sasabihin ko naman eh."

"Nalaman ko na. Sino?"

"Si Samuel."

"Hi Kian" may lalaking nagsalita. Matangkad siya.

Ngumiti lang si Kian dun sa lalaki, "Siya yung Samuel?" tumango siya.

"Bheb ayoko sa kanya. Paasa kasi yan eh."

"Bakit? Pinaasa ka niya?"

"Hindi no yuck. Usap-usapan yan sa classroom namin."

Tumingin ako kay Kian, "Gusto mo siya?" tumango siya, "Paano?"

"Mabait siya, sweet at gwapo."

"Gusto ka niya?"

"Hindi ko alam."

"Gusto niya daw kasi maranasan ihatid, may mag-date sa kanya, yung gawain ng mag-jowa. Pero bheb diba hindi tama?" sa oras na to, sinasaksak na si Kian sa mga sinasabi ni Mayne.

"Bheb, kaya yan sinasabi sayo ni Mayne kasi nagaalala lang siya. Classmate niya yung Samuel kaya kilala niya. Mas mabuti ng masaktan ka sa katotohanan kaysa umaasa ka sa kasinungalingan."

~~~~~

Kinabukasan, hindi ako pinuntahan nila Mayne kaya nasa room lang ako. Bandang time ng MAPEH, pangalawa sa last subject nag-text sa akin si Mayne.

"Bheb umiiyak si Kian."

Nag-reply ako agad, "Bakit? Ano nangyari?"

Hindi siya nag-reply kaya naisipan kong puntahan si Kian sa classroom niya.

Nang makita ko siya, "Bheb anong nangyari? Umiyak ka daw sabi ni Mayne."

"Bheb nasaktan lang ako sa mga sinasabi ni Mayne."

"Bheb pagusapan niyo yan."

"Saka umaasa ako kay Samuel."

Dumiretsyo kami sa room ni Mayne. Dismissed na rin sila kaya lumabas na si Mayne kasama si Prince.

"Kian" tinawag ni Samuel si Kian. Nakahawak pa rin si Kian sa akin ng mahigpit at tinatago niya sa akin yung ngiti niyang kinikilig.

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon