15: Pagbabago

19 2 1
                                    

Celine

Sabay kami lagi pumasok ng kapatid ko na si Kyle. Nagke-kwentuhan, naglalaro, tawanan, at kulitan. Parang yung nakagawian namin dati. Nung hindi pa ako seryoso sa buhay ko. Na puro laro lang ang alam ko.

Isang araw kinulong ni Mama si Kyle at ang mga kaibigan nito sa kwarto. Hindi ko alam kung bakit. Nagmura ba sila? Nag-away?

Ayaw na ayaw kasi ni Mama na nagmumura kami dahil masama yun. Dinidisiplina kami ng magulang namin.

Naawa ako sa kapatid ko kaya pinalabas ko sila sa kwarto ng hindi alam ni Mama.

Dinala ko sila sa mataas. Hindi ko alam kung building o rooftop basta nasa taas kami.

Masayang naglalaro sila Kyle at ng mga kaibigan niya. May kaedaran niya at may mas bata.

Masaya ko silang pinagmamasdan, mayamaya nahulog yung pinakabata sa kanila. Nung tumingin ako sa baba, palengke yung nakita ko. Pinagkakaguluhan yung batang lalaki.

"Hala kawawa naman."

"Tulungan niyo!"

"Patay na siya."

Naririnig kong sabi ng mga tao sa baba.

Ibinalik ko yung tingin ko sa mga naglalaro. Masaya pa rin sila. Hindi nila alam yung nangyari.

Nakangiti akong nakatingin sa kanila. Tinignan ko yung kapatid ko, malapit na din siyang mahulog. Dapat sisigaw ako, dapat babalaan ko siya pero hindi bumukas yung bibig ko. Tinignan ko lang siyang nahulog.

Tumingin ulit ako sa baba. Wala na yung batang lalaki. Normal na ulit yung mga taong naglalakad pero nung nahulog yung kapatid ko,

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon