28: Time With Relatives

15 8 0
                                    

Celine

Four months to go...

18th birthday ngayon ng pinsan ko sa pamilya nila mama. Nasa 26th floor kami na hotel. Hindi ko akalain na mararanasan ko to.

"Happy birthday ate Chin" bumeso ako sa kanya. Ang ganda talaga ng lahi namin HAHAHA.

"Uy long time no see. Thank you sa regalo at get well ha? Pinagdarasal kita."

"Salamat po."

"Excuse me muna ha?" dumiretsyo siya sa mga kaibigan niya at ako naman, sa mga masasarap na pagkain. Joke! Nag-bless ako sa mga kamag-anak ni mama at mommy (lola) na mga tito, tita at lola. Sinabi din nila na magpagaling daw ako at ipagdarasal daw nila ako pagkatapos, kumain na talaga ako.

Habang nasa kwarto ako, pinuntahan ako ni ate Chin at ni ate Trisha, pinsan ko din.

"Buti naman at tapos ka na kumain, tara sama ka sa amin."

"Saan po?"

"Wag mo nga kami i-po, nagmumukha kaming matanda eh" nagtawanan kami, "Umiinom ka diba?" tumango ako, "Good. Sama ka sa amin, wala kang ginagawa dito eh" tinignan ko yung kwarto na maraming lobo na pinaglalaruan ng mga bata kong pinsan. Dalawa ang kwarto dito, dalawang banyo, isang sala at may kusina.

"Paalam lang ako kay mama" pwede ba akong uminom?

"You don't need to, pinaalam ka na namin. Ikaw lang yung matanda dito, sila Vincent nandoon na din sa pool, si Andrea din nandoon na, ikaw na lang yung wala" sila kuya Vincent at sila ate Andrea ay mga pinsan ko din.

"Hmm, sige" ngumiti naman sila at pumunta na kami sa pool party.

10 na ng gabi ngayon. Ang ganda ng design ng pool party. May DJ din sa sulok na nagpapatugtog ng mga club musics.

Pinakilala naman nila ako sa mga kaibigan nila. Madalas na sinasabi sa amin, "Ang ganda talaga ng lahi niyo."

"Wag mo muna alalahanin yung sakit mo. Let your self enjoy. Mas onti na lang ang natitirang oras sayo para sulutin ang buhay mo kaya magpakasaya ka na" halata na kay ate Chin na lasing na siya.

"Yah that's right!" komento naman ni ate Trisha.

"Hey Lin, ang onti naman niyan," tinuro ni kuya Tommy yung shot glass na hawam ko at dinagdagan ito, pinsan ko siya "drink, drink, drink!" sigaw nila. Buti mga pinsan ko lang yung kasama ko.

Nakangiti lang ako sa kanila at na-gets naman nila ako, "Okay, let's play" sabi ni kuya Vincent.

"Anong laro?" tanong ni ate Andrea.

"Hindi truth or dare kundi dare lang. Kung kanino tumuro yung iiikot ko na bote, dapat magawa niya yung dare nating lahat. Kapag naman ayaw niyang gawin yung dare na yun, iinumin niya yung shoot glass na puno ng alak, game?"

"Game!" excited naman na sigaw nila.

Pinaikot na nila yung bote at tumuro ito kay kuya Daniel, "Woooh."

"Okay okay, anong dare?"

Nagtaas ng kamay si Kuya Tommy, "Itulak mo yung girlfriend mo sa pool. Malakas ha" ininom ni kuya Daniel yung shot glass niya, "Hindi ko kayang gawin yun sa girlfriend ko."

"Goodboy" nagtawanan kami.

Ilang ikot na at hindi pa rin tumuturo sa amin yung bote, "May boyfriend ka Lin?" tanong sa akin ni ate Trisha.

"Wala."

"Single ka ha?"

"Oo naman."

"Ikaw na Trisha yung mag-ikot" mukhang excited si Trisha na iikot yung bote, napansin ko din sa iba na lasing na, "Woooh buti naman at tumuro na sa bunso natin" ako kasi yung pinakabata sa aming magpipinsan, except sa mga mas bata pa sa amin ha? "Ako na magde-dare" sabi ni ate Trisha. "Kiss a stranger."

"Inom na lang ako" ininom ko yung shot glass ko at masasabi kong, ang sarap!

Naka-ilang dare pa sila sa akin pero hindi ko kayang gawin. Paulit-ulit lang kasi yung dare nila na "Kiss a stranger."

"Okay eto na lang at sigurado ako na magagawa mo to," sabi ni ate Chin, "Etong bote na to, ubusin mo. Kanina ka pa kasi inom ng inom jan pero napapansin namin na hindi ka nalalasing. Kapag naubos no to at nalasing ka, out ka na pero kapag wala pa ring epekto, umakyat ka na sa taas" nasa 3rd floor kasi etong pool party.

"Game!" sigaw ko, "Wait, matapang yan hindi ba?" tanong ko.

"Uy hindi ah."

Inikot na yung bote at malas nga naman, sa akin tumutok kaya ininom ko ng deretsyo yung bote. Matapang yung lasa pero na kaya ko naman.

"Ang tapaaang!" sigaw nila.

Pakiramdam ko umiikot yung paligid, "Wooh nahihilo ka na?" natatawang tanong sa akin ni kuya Tommy.

"Ako? Hindi no!" nagtawanan sila.

"Happy birthday ate Chiiin!" niyakap ko siya.

"Welcooome!" sigaw niya naman.

Nagsayawan kami at ang saya pero maya-maya, napalitan ng love song.

"P*nyeta ka DJ! Ang jologs mo!" sigaw ko sa kanya. Sweet song? Yuck itz zo dizguzting!

Nasa gitna lang ako, nakatulala. Nakita ko yung mga pinsan ko at lahat ng tao dito sa pool party na may kasayaw habang ako nasa gitna nila, nakatayo mag-isa at mukhang sadako sa itsura ko. Hanggang ngayon hawak ko pa rin yung bote.

Biglang may tumulong luha sa mata ko, pumikit ako.

"Hindi kita iiwan."

"I love you Celine."

"Mahal na mahal kita."

Naalala ko na naman yung boses niya. Yung yakap niya, yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko, yung tingin niya, lahat.

"Miss na miss na kita Jem" umiiyak na sabi ko.

"Miss na miss na din kita Celine."

"Baliw na ata ako hahaha."

"Totoo ako Celine," may humawak ng dalawa kong pisngi, "dumilat ka."

Dumilat ako at may nakita akong lalaki sa harapan ko. Kamukhang-kamukha niya si Jem.

"Tsk," inalis ko yung dalawa niyang kamay, "Sino ka ba para sabihing mahal mo ako? Eh hindi ka naman si Jem, imposibleng ikaw si Jem."

"Hay naku bakit ka ba nagpakalasing?"

"Pake mo ba?"

"May pake ako sayo kasi ako si Jem na mahal na mahal ka" dapat hahawakan niya ulit yung pisngi ko pero tinulak ko yung kamay niya.

"Wala na si Jem, iniwan niya na ako at mabuti yun. Atleast hindi na siya masasaktan pa kapag nawala na ako diba? Kapag namatay na ako, kapag iwan ko na siya ng tuluyan. Hindi na siya masasaktan at hindi na din masasaktan yung mga kaibigan ko, sila Mayne at Kian."

"Tsk ang daldal mo, lika na nga" inalis niya sa kamay ko yung bote na hawak ko at binuhat ako na kagaya sa mga kinakasal.

"Ang kapal ng mukha mo. Sino ka ba? Si Jem lang ang may karapatan na hawakan ang katawan kooo!"

NostalgiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon