Celine
~1st Day~
Maaga kaming umalis ng bahay para pumunta sa lamay ni Nanay. May dala kaming mga pangluto, unan, kumot, damit, mga plastic cup, plastic na tinidor at kutsara, at styro na plato.
O diba? Parang dito na kami titira sa funeral? Dito kami matutulog, kakain at maliligo.
6 days lang yung lamay ni Nanay.
"O ayan. Ayos na yung mga pangalan natin" naglagay kasi si ate Korin dun sa... basta higaan ni Nanay ngayon. Yung mga pangalan nun yung mga anak ni Nanay, asawa ng mga anak niya, apo, at apo sa tuhod.
Isang araw pa lang yung nakalipas ng... mawala si Nanay.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap yung nangyari. Hindi ko nga masabi yung word na "Patay na si Nanay" at "Kabaong ni Nanay."
Hayst. Bakit ba 'to nangyayari? Bakit ang bilis? Inaalagaan naman namin si Nanay ah. Umiinom naman siya ng gamot. Nagkulang ba kami? Hindi naman diba?
Sana makayanan ko 'to.
Tumutulong ako ngayon sa pagaayos ng kwarto namin. Hindi talaga "kwarto." Yun lang yung gusto kong itawag dito.
~2nd Day~
"Mag lagay kayo jan sa tray ng mga pagkain saka inumin para sa mga bisita" sabi ni Tita Tina.
Pangalawang araw na ngayon ng lamay ni Nanay. Kung kahapon walang bisita, ngayon nagkaroon.
Una bisita ni Nanay. May isang bisita si Nanay na babae na muntik ng mahimatay. Pangalawa bisita ni Mama na kakilala ni Nanay.
Nagbigay ako ng mga biscuit, cupcake, at juice sa mga bisita, "Ang ganda naman nito," sabi nung babaeng mataba. Kaibigan ata siya ni Mama. Nginitian ko lang siya.
Nasa labas sila kasi maraming bisita sa loob, "Anak yan ni Kayla" sabi naman ni Tita France. Kaibigan din ni Mama.
"Ah oo. Magkamukha sila eh. Alam mo," sabi sa akin nung babae, "Para lang kayong magkapatid ng Mama mo."
"Opo. Marami na pong nagsabi niyan" karamihan sa mga kaibigan ni Mama, sinasabi na para lang kaming magkapatid. Isang araw nakita ko sa bahay ni Mommy (lola ko sa side ni Mama) yung picture frame ni Mama nung bata pa siya at masasabi ko magkamukhang-magkamukha nga kami.
Pumasok na ako sa loob at naupo sa upuan.
Dumating na ngayon yung mga bulaklak na ilalagay sa paligid ni Nanay. Nung lalagyan na ng bulaklak yung lagayan ng picture ni Nanay, natatakpan yung picture niya ng bulaklak. Tumayo ako para ayusin yun.
"Kuya natatakpan yung picture ni Nanay" sabi ko dun sa lalaki.
"Ay sorry ma'am. Aayusin ko na lang po" inayos niya naman ito.
Pinagmasdan ko yung picture ni Nanay. Ang ganda niya dito. Nung pumunta ako sa harapan ni Nanay, ang payat niya at ang laki talaga ng pinagbago niya. Hindi ko na nga siya makilala sa itsura eh pero itsura niya lang kasi alam ko na siya pa rin yung Nanay ko.
Naalala ko yung kwento ni Mama. Last year, nung araw ng mga patay, syempre dumadalaw kami sa lolo ko at yung kapatid ng lolo ko. Pag-uwi namin nun, may sinabi daw si Nanay kay Mama. Gabi na nun.
"Nay ako to" tumawa ng kaunti si Mama.
"Ay ikaw ba yan?" matandang boses ni Nanay. "Marami kasi akong nakikita na kasama ko eh."
