Celine
Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Tinignan ko yung kwarto na pinagtulugan ko. Hindi 'to yung kwarto ni Mika ha? Ang laki kasi ng kwarto na 'to.
"Aww. Bakit ba ang sakit ng ulo ko?" hinanap ko yung shoulder bag ko. Nakita ko naman ito sa maliit na cabinet na katabi ko lang. Hinanap ko yung phone ko para tignan kung anong oras na.
12:09 p.m. na. Himala. Ang tagal ko natulog haha. Nung ibabalik ko na yung phone ko, saka ko lang nakita yung tumblr.
"Shiiiiit!!!" sigaw ko. Hala naglasing nga pala ako kagabi. Anong nangyari? Ano na namang kabaliwan ang ginawa ko? Nasabi ko kaya yung sikreto ko? Anong nangyariiiii???
"Cel anong nangyari?" binuksan agad ni Isabel yung pintuan para i-check ako kung nagbigti na ba ako.
Sabihin ko ba? Alam kaya nila na uminom ako? Pero dapat maalala ko lahat ng nangyari kagabi kung hindi ako uminom.
Nilapitan ko siya at sinara ang pinto. Hinila ko din siya paupo sa kama niya, "Anong kabaliwan ang ginawa ko kagabi? N--nalaman niyo ba na yung ininom ko kagabi e hindi tubig kundi alak?"
"Ha? Anong alak? Okay ka naman kagabi ha?"
"Isabel wag mo akong lokohin. Yung laman ng tumblr ko, alak."
"Haha ewan ko sayo Celine. Baka naman sa dami ng napaginipan mo, nakalimutan mo na yung nangyari kagabi" anong dahilan yun? Pero sabagay pwedeng mangyari yun.
"Ah okay. Sorry."
"Ayos lang yun. Halika na at bumaba na tayo. Gutom lang din yan" nagtawanan kami.
"Wait lang. Ang gulo ng buhok ko hahaha" nakita ko kasi sa salamin nila. Pinusod ko na lang ulit yung buhok ko. Nakakatamad mag-suklay.
"Kamusta Celine?" tanong sa akin ni Ashley na may halong panunukso. Umupo ako sa hapag kainan nila.
Nakakainis. May nangyari kagabi na hindi ko alam.
"Okay lang. Masakit lang ng onti yung ulo ko" pagkasabi ko nun, binigay sa akin ni Jem yung gamot at tubig. "Salamat."
"Hey beshies. Kamusta si Celine?" kakadating lang ni Paeng, "Ay andiyan ka na pala. Ikaw babae ka bwisit ka. Dahil sayo--" nilagay ni Mika yung tinapay sa bunganga ni Paeng. "Bashtushan?" hahaha ang cute niya.
"Kumain ka lang please?" nilagay ni Mika yung braso niya sa braso ni Paeng at lumabas sila. Out of place ako sa mga nangyayari ha?
"Guys!" pagbibigay ko ng atensyon sa kanila pero lahat sila busy. Si Jem hindi pa din tapos sa pagluluto, si Eric at John naman kasama si Isabel at Yhesya, si Mika at Paeng nasa labas, si Ashley naman biglang pumasok sa cr nung tinignan ko siya, si Ian naman lumabas.
"Sorry kagabi!" sigaw ko. Dahil doon nagsilapitan lahat sila sa akin except kay Jem.
"Hayst. Ano ba kasing problema mo at nagpakalasing ka ng hindi man lang nagyayaya?"
"Ashley!" pagbabanta nilang lahat.
"Char."
"Ahm... A--ano kasi..." ano ba idadahilan ko? Family problem? School problem? Friends problem? Kailangan ko ng tulooooong.
"Wala naman talagang problema si Cel. Natuto lang siyang uminom dahil sa mga kaibigan niya doon sa lugar nila, diba?" nakatingin sa akin si Jem.
"O--oo tama tama. Kaya sorry."
"Okay lang yun basta wag mo lang uulitin" ginulo ni John yung buhok ko.
"O kain na" inilapag ni Jem sa tapat ko yung plato na may sinangag at hotdog. Sinabay niya na rin yung kape na paborito ko.
"Wow special?" -Yhesya.
"VIP?" -Isabel.
Tinarayan ko sila at tumingin para ngitian si Jem ng thank you.
Habang kumakain kami, nakita ko yung orasan nila Isabel na may date. Last day ko na pala dito.
~~~~~
"Kamusta ka diyan 'nak?" tanong sa akin ni Mama sa phone ko.
"Okay lang po. Anong oras niyo po ako susunduin?"
"Siguro 6:00 ng hapon."
"Ah sige po."
"Sige. Ingat ka ha?"
"Opo" in-end ko na yung tawag. Mamaya na pala ang alis ko. May 7 hours pa ako dito kaya gusto ko 'tong sulitin.
Mamaya aalis na ako. Mahihiwalay na naman ako sa kanila. Matagal bago ulit kami magkita.
Tapos na akong maligo at magbihis. Nakapag-retouch na rin ako kaya lumabas na ako sa kwarto ni Mika.
Nandito na ulit ako sa bahay nila.
Nung nasa labas na ako, nandun na silang lahat na ang suot e akala mo may pupuntahang okasyon.
"Anong ganap?" tanong ko.
"May pupuntahan tayo" nakangiting sagot ni Eric.
"Hala may birthday ba? Bakit hindi ako ininform?" nakita ko din kasi na may bitbit silang mga regalo.
"Basta lika na" hinila ako nila Mika, Isabel at Yhesya sa loob ng bahay nila Mika. Pinaupo nila ako sa sala. Inabot ni Paeng yung make-up kit kay Isabel. Uumpisahan na sana nilang make-up-an kaso pinigilan ko sila.
"Wait lang. Nag-retouch na ako."
"Nag-retouch na pala si beshie eh. Damitan niyo na lang yan saka kulotin yung buhok ng maganda" sabi ni Ashley. Siguro nainip sila sa labas kaya nakisama na lang sila ni Paeng dito sa loob.
Hinila naman ako ni Mika at Isabel sa loob ng kwarto niya. Okay lang sa akin na hubadan nila ako ng walang permiso ko as in okay lang talaga.
Isinoot nila sa akin yung dress na color mint green. Simple lang para matawag akong maganda. Char haha.
Habang kinukulot yung buhok ko ni Isabel, "Ano bang ganap ha?"
"Basta shut up ka na lang" suway sa akin ni Mika.
Nang natapos na nilang kulutin yung buhok ko sa baba, masasabi ko na lang na dream came true!
"Grabe. Alam niyo bang pangarap ko ng ganto? Yung makasuot ng mint green dress at kulutin yung buhok ko sa baba? Thank you talagaaaaa" niyakap ko silang dalawa. Kahit napakasimple lang ng pangarap ko na yun, na-appreciate ko pa rin 'to.
"Haha you're always welcome" niyakap naman nila ako pabalik. Pero hindi ko talaga hilig na magsuot ng mga dress or palda. Depende lang. Mas mahilig akong magsuot ng t-shirt at pants.
Lumabas na kami at lahat sila titig sa akin pero sila Ian, Eric, John at Jem ay wala. Siguro may pinuntahan.
"Wala na. Finish na" sabi ni Ashley.
"Kabog. Uwian na" sabi naman ni Paeng.
"Ang ganda mo" -Yhesya.
Piniringan ako ni Mika, "Woy gabayan niyo ako" sabi ko.
"Ay teh anong gabayan? Maglalaro tayo hahaha. Char lang" sabi ni Isabel.