Celine
"Celine gising na" tinapik ako ni Mika.
"5 minutes" narinig kong sumara na yung pintuan. Tinignan ko yung phone ko. 6:00 a.m. pa lang. Ang aga naman nila magising.
Bumangon ako at dinial ang telepono nila Nanay sa bahay. Maaga kasi siya gumigising.
"Hello?"
"Sino to?" narinig ko yung matandang boses ni Nanay.
"'N--nay" naiiyak na naman ako. Hindi naman ako iyakin ha?
"Apo ikaw ba yan?"
"Opo 'Nay. Kamusta po?"
"Hehe ayos lang. Ang aga mo naman magising"
"Nagbakasyon nga po pala ako dito kanila Mika. Na-miss ko po kasi sila eh hehe" pinunasan ko na yung luha ko.
"Wow naman. Ingat ka jan apo" marinig ko lang boses ni Nanay okay na ako.
"Nay bibisita po kami jan nila Mama sa sabado at linggo."
"Ang saya naman. Sige maghahanda ako."
"Hehe sige po. Ingat din po kayo jan" in-end ko na yung tawag at lumabas na ako ng kwarto. Pumasok muna ako sa cr nila para maghilamos at magsipilyo.
"Ang panget mo talaga" sabi ko sa salamin. Yung mata ko namamaga kakaiyak tapos yung buhok ko ang gulo. "Paano kaya kung naisipan mong ituloy yung paglalaslas mo?"
"Hoy wag. Buti nga ikaw nasa mundong to eh. Samantalang yung iba jan maagang nawawala."
"Nakakapagod na kasi eh."
"Pero lumaban ka. Matapang ka diba?"
"Oo naman. Kaya ko to," tumigil ako saglit at binaba ang kamay kong nakaangat. "Mukha ka na namang baliw hahaha." Binilisan ko na kumilos bago ako mabaliw ng husto.
"O Celine mag-almusal ka na" yaya sa akin ni Tita. Pandesal at kape ang sa akin. May sinangag din silang hinanda na may halong mga gulay.
"Salamat po" isusubo ko na dapat yung pandesal na sinawsaw ko sa kape kaya lang nailang ako sa titig sa akin ni Mika.
"Bakit?" iritang sabi ko.
"Bakit ang ganda mo?" huwat ano daw? Tama ba narinig ko? Buti wala dito si Tita.
"Kinulang ka lang sa tulog."
"Magigising ka na nga lang fresh pa samatalang ako..."
"Tumigil ka nga. Kakasabi ko nga lang sa salamin kanina na ang panget ko tapos sasabihin mong ang ganda ko?" hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya. Nakapusod na yung buhok ko ng hindi ko sinusuklay.
"Hoy babae, bestfriend mo pa rin ako hanggang ngayon kaya magsabi ka sa akin ng totoo, ilan na nanligaw sayo nung nawala ka dito? May naging boyfriend ka na ano?" nabilaukan ako bigla.
"Ano ba Mika kay aga-aga ganyan ka sa akin. May mga nanliligaw pero wala pa akong nagiging boyfriend. Ipasa ko kay sayo yung tanong, may naging jowabels ka na?"
"H--hoy wala no. Katulad ng sayo, may mga nanliligaw sa akin pero wala pa."
"Eh ka-M.U.?"
"Ano ba Celine kulang ka lang sa tulog" iniwas niya yung tingin niya sa akin.
"Ako pa niloko mo eh nakita ko na nga yang katawan mo kaya kilala kita"
"Anong connect ng katawan ko sa pinaguusapan natin?"
"Wala" kumain na lang ako na parang walang nangyari. Lagot ka sa akin mamaya.
~~~~~
Tanghali na kaya sinundo kami ng tropa bago kami pumunta sa street food. Pinanindigan talaga ng Street na yun yung word na "Street food" kasi buong lugar daw na yun ay may pwesto ng mga ganung pagkain.
Sumakay kami sa jeep bago kami nakapunta doon.
"Wow" ang tanging nasabi ko pagkarating sa kanto. Ang gandaaa sobraaa. Mag mga makukulay na ilaw tapos may pakanta pa yung bawat nagtitinda. Parang may competition sa sobrang ganda at linis ng lugar.
"Ang ganda 'no?"nakangiting tanong sa akin ni Jem.
"Sobra" nagkita kami kanina na parang walang nangyari kagabi. Siguro okay na rin yun.
Pumunta kami sa mga tindahan. Fishball, kikiam, squidballs. Pati mga isaw, barbeque, mga palamig, shake, atbp.
Lahat ng pera ko naubos dahil sa katakawan ko hahaha. Swete ko nga kasi di ako tumataba eh.
"Grabe. Dahil dito babalik ako."
"Ah okay. Dahil lang pala sa street food kaya ka babalik dito, hindi dahil sa amin" nagdadrama na naman si Mika. Para siyang si Mayne.
Niyakap ko siya, "Woy may 3 araw pa naman ako dito saka syempre kayo din yung magiging dahilan ng pagbalik ko" nauuna kaming maglakad ni Mika tapos sila naman nasa likod namin.
"Buti pa siya nayayakap mo" lumingon ako sa likod dahil sa nagsalita.
Si Isabel at Ian magkatabing nag-uusap. Si Yhesya at Eric naman nagbabasa ng libro. Hmm... mukhang may namamagitan sa kanilang apat ha. Anyway, si Jem naman nasa gitna nila Ashley at Paeng, nagkukulitan.
"Sino yun?"
"Ha?" tanong ni Mika. "Ah wala."
Humarap ako sa kanila, "Guys gusto ko mag-videoke."
"Ay sige bhe want ko yan" -Paeng.
"Makaka-100 na naman ako na score" hinawi ni Ashley yung buhok niya pababa na akala mo naman ang haba talaga ng buhok.
~~~~~
"I need a little bit more (I need a little bit more)
You gotta know what It's like (I know you've been here before)
I keep waiting, I've been patient but I need a little bit more" kinakanta nila bakla yung "Don't Say You Love Me" ng Fifth Harmony.Nasa bahay na kami nila Isabel. Nagrerenta kasi ang pamilya nila ng videoke-han kaya libre kami hahaha.
Sila Paeng at Ashley pa lang yung kumakanta. Nagkakahiyaan pa kasi yung iba eh.
"Mga teh may bibilhin lang ako."
"Samahan na kita" medyo madilim na kasi dito sa lugar namin kaya gusto akong samahan ni Jem.
"Hindi okay lang. Saglit lang naman ako."
Pumunta ako sa Tindahan nila Jem. Buti 24 hours sila.
"Hi po Tita" masiglang bati ko sa Mama ni Jem.
"Ikaw ba yan Celine? Ang laki mo na at ang ganda mo pa lalo."
"Hehe bola din po kayo."
"Buti napadaan ka dito. Alam mo ba na baliw pa rin sayo ang anak ko. Naku kailan kaya yun magkaka-gelprend?"
"Hay naku Tita. Pag-aralin mo po muna yan."
"Hehe biro lang. Okay lang sa akin kung gelprend lang pero yung magkaroon ako ng apo ng maaga? Hindi ko kaya yun saka baka palayasin pa siya ng Ama niya."
"Diba po papa's boy si Jem?"
"Ay oo nga pala. Ulitin ko, Hindi ko kaya yun saka baka palayasin ko pa siya."
"Napaka-bolera mo po talaga. Nga po pala, pabili po ng chicharong bulaklak saka limang chicherya na din po."
Inabot naman sa akin ni Tita, "Palibre ko na yan sayo 'nak. Alam ko kasi na susuklian mo ako ng Apo sa inyo ng anak ko."
"Titaaa" hindi ko na kaya yung mga pinagsasabi ni Tita sa akin. Gusto ko na umaliiiiis.
"Biro lang hahaha. Ang ganda mo na nga ang etuc mo pa kapag napipikon" nakikiuso din pala pati si Tita.
"Naku po di ko na kaya hahaha. Balik na po ako."
"Sige 'nak. Ingat."